Six

2.2K 123 6
                                    

Maine's POV




Umuwi ako sa bahay dahil nakalimutan kong magdala ng damit pamalit. Mabuti na lang at hindi ako sinipa sa trabaho ko sa restaurant. Nagpapasalamat din ako sa mga kasamahan ko dahil sinabi nila na hindi na makakarating sa Boss namin ang nangyari.




"Wala na akong pera." Masungit na sabi ni Nanay Connie sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang bago? Lagi naman siyang ganyan. Lagi na lang walang pera. Hindi ako kumibo at nagpatuloy sa pagkuha ng gamit ko. Kailangan kong magmadali dahil ayokong ma late. Nakakahiya na kay Sir JC.



"Maine. Bakit hindi ka na lang kaya magsayaw dun? O kaya magpa table ka na lang. Para mas malaki ang kita." Kinilabutan ako sa sinabi niyang yun kaya napatingin ako sa kanya.




"Nay, hindi ko po yun kaya." Sagot ko sa kanya sa mababang tono. Baka sampalin na naman niya ako e.




"Naku. Ang arte arte mo pa. Bakit birhen ka pa ba? Aanhin mo yang perlas ng silanganan mo? Pagkakitaan mo na lang. Makakatulong ka pa sa akin." Nanunuyang sabi niya sabay tinalikuran ako. Parang may tumusok naman sa puso ko ng marinig yun.



Imbes na umiyak ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag aayos ng damit ko tsaka madaliang umalis na. Baka abutan pa ako ni Nanay dito ay hingian na naman ako. Malapit ng maubos ang ipon ko dahil yun ang hinuhugot ko pambili ng mga kailangan sa bahay.




Nakarating ako sa bar. Mas kaunti ang tao kumpara kahapon. Hindi na namin pinag usapan nila Nadz at Kath ang nagyari kanina. Marunong din naman makaramdaman tong dalawang kaibigan ko.



Tulad ng dati ay madami akong ginawa. Gusto ko din makabawi kay Sir JC dahil hindi niya ako tinanggal sa trabaho ko kahit pa sinapak ko yung lalakeng yun kagabi. Siya yung unang lalake na nakahalik sa akin. At hindi ko maipaliwanag kung bakit parang hinahanap hanap ko ang mga labi niya.



"Nandyan yung humalik sayo, Maine." Bulong ni Nadz. Nanlamig na naman ang kabuuan ko ng makita ko sila. Kasama niya ulit yung dalawa niyang kaibigan.




"Ako na lang lalapit dun." Prisinta ni Nadz pero umiling ako. Ayokong idamay ang personal na problema o galit sa trabaho. Isa pa, baka makarating na naman ito kay Sir JC. Lumapit ako sa kanila at umarte na parang walang nangyari.




"Ano pong order niyo?" Walang gana kong tanong. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na kinakabahan ako. Siya ang dapat mailang sa akin at hindi ako.




"One bottle of Martini and Vodka." Yung kaibigan niya ang sumagot at tumango na lang ako. Madali kong kinuha sa liqour section ang kailangan nila tsaka lumapit muli sa kanila.



"Can we talk?" Biglang salita nung lalakeng humalik sa akin. Hawak niya ang kamay ko at nagdulot yun ng kuryente sa buong sistema ko. Alam kong ramdam niya din ang panlalamig ng kamay ko. Pero mabilis kong hinatak yun.




"Hindi ako pang table. Waitress ako. Kung may utos ka. Tawagin mo na lang ako." Malamig na sagot ko sa kanya at nagmamadaling lumakad palayo sa mesa nila.








Alden's POV






"Woah! She's really different. Likas yatang masungit ang babaeng yun ah?" Namamangha pang puna ni DJ. Gusto kong mamutla sa ginawa niyang yun. Pahiyang pahiya ako dun. Dalawang beses na!



"She's just playing hard to get. Akala mo kung sinong malinis na babae. I'm sure wala na din yan." Sagot ko sabay lagok ng alak. Nung hawak ko yung kamay niya ay hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nayanig ang buong pagkatao ko. Simpleng hawak lang yun. Sabagay, hindi nga mawala sa isip ko yung lambot ng labi niya e.




"Akala ko ba magsosorry ka sa kanya? E bakit ang asim na naman ng mukha mo sa kanya? Hahaha!" Asar pa ng siraulong si DJ. May katabi na siyang babae at akbay akbay na niya yun. Ano bang bago.




"Me? Mag sosorry sa isang waitress lang? Over my dead body!" Pagsusungit ko pa at pasimple siyang tinignan. Huling huli ko siya na nakatingin din sa akin. Gusto kong mapangiti sa bagay na yun pero bigla naman niya akong inirapan! Tsk.




"Maganda naman siya dre. Mukhang simple pa. Haha! Hindi mo nga maalis ang tingin mo sa kanya. Kadiri ka gago!" Bulyaw sa akin ni James.




Hindi na ako umimik pa. Pero hindi ko alam kung bakit parang may magnet siya at kusa akong napapalingon sa kanya. Bukod sa pangalan niya, wala na akong alam tungkol pa sa kanya. At bukod sa pagiging masungit niya hindi ko na din alam kung ano pang ugali ang mayroon siya.



Nakita ko siyang papalapit sa direksyon namin at parang matataranta naman ako. Gago ka Alden ano bang nangyayari sayo?!




"May pinapasabi po si Sir JC. Sa VIP room daw po kayo mag stay. Para hindi daw po kayo ma suffocate." Tipid na sabi niya at tsaka nilayasan na agad ako! Hindi man lang ako hinintay makasagot. Napikon ako sa inasta niyang yun at sinundan ko siya. Wala akong pakialam kahit bawal pumasok sa loob.




"Nawiwili ka naman yatang sungitan ako ng sungitan! Akala mo ba nakakatuwa ka? Nakakainis ka!" Bulyaw ko sa kanya. Napansin ko na walang tao sa area na pinuntahan niya.




"Bawal po kayong pumasok dito." Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at may kung anong tinitignan siya. Parang wala talaga siyang pakialam sa akin.




"Tsk tsk. Come on. Don't play naive. Alam ko naman na nagustuhan mo din ang halik ko. Mas masarap ako humalik pag mas matagal." Mayabang na sagot ko sa kanya. Madaming babae ang nagkakandarapa na mahalikan ko. At alam kong isa siya dun.




"Hindi po ako interesado." Napakurap ako sa sinabi niyang yun. Tama ba ang narinig ko? Hindi niya ako gusto? Hindi siya nagpapansin sa akin? Hindi siya interesado sa akin?




"Anong sabi mo?" Tiim bagang na tanong ko sa kanya. Ngayon lang ako tinanggihan ng babae. At ng isang waitress pa!





"Kung bingi po kayo, sige uulitin ko. Hindi ako interesado sayo. Nakahalik ka na sa akin. So, bayad na ako sa pananapak ko sayo. Hindi na kita sasapakin ulit. Kasi ayoko ng madikitan pang muli ng labi mo ang labi ko. Dahil nandidiri ako. Sana malinaw. Sige po." Deretso ang tingin niya sa akin at matapos niyang magsalita ay nilagpasan na lang niya ako. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko.



*****

A/N: Babies! Kamusta? Ayun. Like what I'm always telling you. Slow update tayo ah? Kasi medyo busy ang Ate niyo ngayon. Pero sana walang mapapagod. May pending stories pa din kasi ako. Thank you. Sweet and Motivational Comments please. Para ganahan ako mag UD. 😘

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon