Four

2.3K 118 0
                                    

Maine's POV






"Hoy! Bakit ang aga mo?! Wag mo sabihin sa akin na hindi ka nag OT! Nasaan ang pera?" Nagising na naman ako sa boses ni Nanay Connie. Bakas sa itsura niya na hindi pa siya natutulog at mukhang kakauwi lang. Galing na naman siguro siya sa sugalan.




"Nay. Pinauwi po ako ng maaga ng Boss ko. May nangyari po kasi Nay. Nabastos po kasi ako---"






"Wala akong pakialam kung anong nangyari sayo. Ang gusto kong malaman ay kung nasaan na ang pera? Dalian mo na at kating kati na akong magsugal! Babawi ako dahil natalo ako sa tong its!" Bulyaw niya sa akin. Ano nga bang aasahan ko? Na magiging concerned siya sa akin dahil nabastos ako?




"Eto po." Binigay ko sa kanya ang kinita ko. Maliit lang yun dahil hindi naman ako nakapag OT e.





"Bukas ay lakihan mo! Sige matulog ka na! Maglaba ka mamaya pag gising mo!" Dun lang ako napatingin sa orasan at nakita ko na alas dos pa lang pala ng madaling araw. Madami dami na naman ang lalabhan ko. Mabuti na lang at nakapag pundar ako ng washing machine. Naka gloves din ako para hindi tumigas ang kamay ko.



Pero hindi mawala sa isip ko yung halik sa akin nung lalake kanina. Gwapo siya. I have to admit that. Pero masyado naman siyang manyak. Kung hindi niya sana ako hinalikan edi hindi siya nasaktan. Nakadalawang sapak ako sa kanya. First kiss ko pa naman yun.




"Ate. Bakit gising ka pa? Gusto mo bang tabi tayo dun sa kwarto ko?" Yaya sa akin ni Ingrid pero umiling ako. Ayokong makahanap na naman ng dahilan si Nanay Connie para sumbatan ako. Kaya minabuti ko na lang na dito sa matigas na sahig ako matulog.




Tumango na lang siya at bumalik na sa loob. Ako naman ay pinikit ang mata ko at pinilit ko na lang din matulog. Maaga pa akong babangon bukas para maglaba. Baka isaklob sa akin ni Nanay yung mga damit pag hindi ko siya nasunod agad.



Umaga na ng matapos ako. Pinilit ko talagang bumangon ng maaga para matapos ko agad yung labahin ko. May pasok kasi ako sa restaurant. Wala naman akong pahinga. Maliban sa tatlong oras na tulog ko bawat gabi. Nasanay na din ako. Buti na lang si Ingrid ay marunong na din mag asikaso sa bahay kaya siya na ang naglilinis at nagtutupi ng mga damit.



"Mauna na ako, Ingrid." Niyakap ko ang kapatid ko. Siya lang ang nagbibigay ng kasiyahan sa akin ngayon at sa kanya na lang din ako nahugot ng lakas ng loob para magtiis sa poder ni Nanay Connie. Kahit na sa totoo lang, ang hirap hirap na.







Alden's POV






"Oh kamusta na yung pasa mo? Masakit pa ba?" Tanong sa akin ng gagong si James. At talagang kasama pa niya si DJ. Prente silang pumasok sa opisina ko at naupo. Akala mo pag aari nila e.




"Ano ba? Pumunta kayo dito para lang tanungin ako nyan! Istorbo kayo!" Sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Sanay na sila sa ganyang ugali ko.




"Letse. Lunch tayo." Si DJ. Matapos kasi ang nangyari kagabi ay hindi na nila ako tinantanan ng kakaasar nila sa akin. At ang babaeng yun. Sisiguraduhin ko na magbabayad siya.




"Ayoko. May pagkain ako dito." Masungit pa din na sagot ko sa kanila.




"How does it feel na masapak ng babae dre? At kauna unahang babae pa nga. Haha! She must be very special. Kasi hindi mo siya pinatulan e. Anyare dre? Nautal ka kagabi? Hindi tinalaban ng seducing powers mo." Asar ulit ni DJ. Si James ay nakikitawa lang din.




"Pinapasabi nga pala ni JC na pasensya na daw. Wag mo daw sana hilingin sa kanya na tanggalin si.. ano bang pangalan nun? Si Maine. Oo si Maine. Wag mo daw ipatanggal kasi hindi naman niya magagawa yun. On her part, nabastos mo din yung babae. Waitress kasi. Hindi naman pang take out." Paliwanag ni James habang nakataas pa ang paa.




"Hindi ko naman talaga ipapatanggal yun e. Kasi gaganti ako sa sarili kong paraan. Akala niyo ba ganun ganun na lang yun? Makakabawi din ako sa babaeng yun." Ngumiti ako ng nakakaloko at nakuha naman nila ang ibig kong sabihin.




"Yan ang tropa ko. Halika na. Gutom na ko." Tumayo na si DJ at nagpauna ng lumabas. Sumunod naman kami ni James. Saturday ngayon at konti lang ang tao. Wala naman talagang pasok pero may kailangan kaming i-monitor na barko kaya walang choice. Kahit naman gago ako, mabait naman ako sa mga empleyado.




Sa isang restaurant na hindi kalayuan kami napadpad. Walang masyadong tao. Iilan lang. Umupo na kami.





"Sir, may I take your order?" Napaangat ang tingin ko at nabigla ako sa nakita ko. Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig. Namutla e.





"Kita mo nga naman. Small world, isn't it?" Nakangisi kong sagot sa kanya. Yung dalawang kaibigan ko naman ay parang tanga na nagpipigil na naman ng tawa.





"Nandyan po yung menu. Pakitawag na lang po ako pag oorder na kayo." Nagmamadali siyang tinalikuran kami. Nakiki ayon sa akin ang tadhana.





"Now I do believe in fate." Asar ni James. Natawa din ako sa kanila.





"Lakas mo kay Lord dre. Kagabi lang nangyari yun ah. Mukhang makakabawi ka na agad." Tugon ni DJ habang nainom ng wine.




"Oo nga e. Mukhang sa akin ang huling halakhak." Pag sang ayon ko sa kanya. Tinignan ko ang menu at puro pasta ang dish nila. Italian restaurant nga pala ito.




Pero bigla akong napatingin sa kanya. At kitang kita ko kung paano siya tumawa habang kausap ang mga kasamahan niya. And I have to admit. Ang ganda niya pala pag nakangiti.




"Gagantihan mo ba talaga?" Asar ni DJ. Malamang ay nakita na naman nila akong nakatitig dun sa babae.




"Maine ang pangalan niya. Nicomaine Dei Mendoza. Di ko alam saan address e. Tanong ko na ba kay JC?" Segunda ni James. Sinamaan ko naman sila ng tingin.




"Not interested. Mag order na nga kayo!" Iritableng sagot ko sa kanila at iiling iling habang natawa silang dalawa.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon