Thirty Eight

2.6K 124 13
                                    

Maine's POV









Nasa Baguio na kami ngayon at medyo madilim na ng nakarating kami. Eleven o'clock na din pero punong puno pa din ng energy ang mga kasama ko. Sila Alden, James at DJ ay nasa sala at nagkukwentuhan. Kaming mga babae naman ay nandito sa kusina. Inaayos namin ang mga pinagkainan. Pinauwi na kasi namin yung katiwala dito nakakaawa na kasi dahil medyo matanda na din.








"Who would have thought na mararanasan natin ang ganito. Siguro sa kanila normal na lang yung ganitong gumala gala at bakasyon pag bored sila. Sa atin kasi ay imposibleng mangyari." Sabi ni Kath habang nagpupunas ng mga plato at baso. Ako naman ay nagpupunas ng lamesa. Ayoko kasi ng malagkit or madumi.









"Naku! Di bale ng hindi ako makapagbakasyon! Kaysa naman kasama ko yang hinayupak na James na yan. Punong puno ng hangin sa katawan nakakapikon!" Sumimangot na naman si Nadz. Hindi namin napigilan ni Kath ang matawa.








"Sus. Halata naman na crush mo din yun. Gumagaya ka yata sa love story nitong si Alden at Maine e. Mortal enemies muna pero mag sweetheart din ang ending. Tsaka wag kang masyadong mataray Nadz. Baka mamaya halikan ka na lang bigla nun ni James." Biro ni Kath sa kanya na sinang ayunan ko naman.









"Oo nga. Naniniwala na nga ako sa kasabihan na the more you hate, the more you love." Mas suminangot si Nadz sa sinabi ko. Tinapos namin ang ginagawa namin at bumalik na kami sa mga boys na abala sa pagtatawanan. Si Kath ay umupo sa tabi ni DJ. Ako kay Alden habang si Nadz naman ay nasa single sofa na katapat ng kay James.









"Saan pala kami matutulog?" Tanong ko kay DJ. Naramdaman ko ang paghawak ni Alden sa bewang ko. Gusto ko man siya sawayin dahil nakakahiya pero hindi na ako nag abala. Hindi din naman siya susunod e.









"Magkasama si Kath at Nadz sa kwarto sa second floor. Kami ni James sa master's bedroom at kayo naman ni Alden, sa guestroom na lang katabi nung kwarto nila Nadz." Sabi ni DJ. Tumango naman yung dalawa. Nahiya ako bigla kasi talagang magkasama pa kami ni Alden sa kwarto.








"Hmm. Pwede bang maki share na lang ako ng room kina Nadz?" Bigla na lang yun lumabas sa bibig ko ng hindi ko namamalayan. Napatingin tuloy sila sa akin. Lalo na si Alden. Nakakunot pa nga ang noo nito. Narinig ko din ang impit na pagtawa ni James at Daniel.









"Hindi pwede. Hindi na tayo kasya dun. Wag ka ng mag inarte dyan Maine." Si Nadz ang nagsalita sabay hatak kay Kath para umakyat sa taas.









"Oh pano? Good night na. Bukas na tayo mag usap at gumala." Sumunod naman si James at DJ na umakyat. Naiwan tuloy kami ni Alden at para akong mabibingi sa katahimikan. Malamang nainis sa akin to dahil sa sinabi ko. Nakahawak pa din siya sa bewang ko pero hindi naman siya gumagalaw. Kahit na nakatagilid ako sa kanya ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin.









"A-akyat na tayo. Inaantok na kasi ako." Tatayo na sana ako pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Tinignan ko siya pero hindi pa din siya nagsasalita. Basta hawak niya lang ang kamay ko. "Alden. Halika na. Anong oras na--"









"Ayaw mo ba ako katabi? Bakit mo sinabi yun?" May bahid ng tampo na sabi niya sa akin. Gusto ko naman maawa sa itsura niya. Kaya ako na mismo ang yumakap sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya. Yung sobrang diin.








"Hindi naman sa ganun. Nahiya lang po kasi ako. Pero hayaan mo na. Sorry na. Halika na. Tulog na tayo kasi inaantok na ako e." Hinila ko siya patayo.









"Wag mo ng sasabihin yun ah? Pakiramdam ko kasi ayaw mo na katabi ako." Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa itsura niya. Yung nakakaawa at para siyang bata. Lumapit ako ulit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.








"Oo na. Sorry na po." Hinalikan ko siya sa labi. Tsaka lang siya ngumiti. Umakyat na kami sa kwarto at gusto kong malula dahil ang laki. Hindi pa ito yung master's bedroom sa lagay na to ah. May pink covers din ito at makapal na kurtina. Lumapit ako sa bintana at ang ganda lang. Lalo na siguro sa umaga. Biglang sumulpot si Alden sa tabi ko at niyakap ako. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko.








Ilang minuto kami sa ganung posisyon bago namin maisipan maglinis ng katawan. 1 o'clock na ng madaling araw. Pinauna ko si Alden gumamit ng banyo. Matapos kong magpatuyo ng buhok ay tsaka ako humiga sa tabi niya. Mukhang tulog na siya dahil ganun pa din ang pwesto niya. Bumaling ako patalikod sa kanya pero hindi pa man ako nakakatulog ay bigla na lang niya akong niyakap.








"Ang tagal mo naman." Nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil sa may bandang tenga ko siya nagsalita. Eto na naman at kinakabahan na naman ako.










"Akala ko tulog ka na." Okay. Kalma. Ang lapit lapit kasi niya sa akin. Tapos dikit na dikit pa yung katawan niya sa akin. Ramdam ko ang bawat paghinga niya.









"Hinihintay kasi kita e." Bakit parang ang sexy ng pagkakasabi niya sa akin. Hinawakan ko ang braso niya na nakayakap sa akin. Pumihit ako paharap sa kanya at kahit na madilim, alam kong nakatingin siya sa akin. Ang kamay niya ay gumagala sa bawat parte ng mukha ko. Yung parang kinakabisado niya kahit sa dilim yubg bawat sulok ng mukha ko.








"Nasabi ko na ba sayo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko?" Malambing na tanong niya. Para namang may humaplos sa puso ko sa sinabi niyang yun. Hindi na ako nag alinlangan pa at hinalikan ko na agad siya. I need him. May parte ng pagkatao ko na gustong gusto maramdaman si Alden.








Mas lumalalim ang halik niya. Ang kamay ko ay humahaplos sa likod niya habang ang kamay niya ay nasa bandang hita ko naman. Pataas ng pataas hanggang sa makarating siya sa may tyan ko at naramdaman ko na lang na nasa loob na ng damit ko ang mga kamay niya. He worshiped every part of my body at walang pag aalinlangan akong nagpaubaya. Mahal na mahal ko ang lalakeng ito. At hinding hindi ako magsisisi kahit paulit ulit kong ibigay ang sarili ko sa kanya.

---
A/N: Comments please. Hahaha! Pag na reach ko 20 comments na matutuwa ako. Mag UD ulit ako ng dalawang chapter. 😘

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon