Fifteen

2.5K 133 9
                                    

Maine's POV







Nagising ako na nasa isang maliwanag na kwarto. Nasaan ako? Anong nangyari? Ramdam ko ang pagsakit ng katawan ko. Malamang ay dahil sa mga sugat na natamo ko. Sino kaya ang nagdala sa akin dito. Napakabuti naman niya.




Napansin ko din na nasa maayos na kwarto ako. Mukhang magandang ospital ang kinalalagyan ko. Nakadextrose din ako. Sinubukan kong umupo pero hindi ko maigalaw ang paa ko. Tsaka ko lang napansin na may benda pala ito.




"Ma'am. Wag na po muna kayo gumalaw. Baka po kasi mabinat kayo." Bati sa akin ng isang nurse. Maganda ang ngiti niya sa akin habang tinignan ang vital signs ko. Kinabahan ako bigla nung may makita akong karayom. Yun kasi ang greatest fear ko. Ang mainjectionan.




"Wag po kayo mag alala. Maayos po ang vital signs niyo. Tatawagin ko lang po yung boyfriend niyo para po sabihin na gising na kayo. Kausap niya po kasi yung Doctor niyo e. Sige po." Magalang na paalam niya sa akin. Hindi nga ako nakasagot dun sa sinabi niya. Boyfriend? Kailan pa ako nagkaroon ng boyfriend?




"Gising ka na pala." Napatingin ako sa nagbukas ng pinto at halos malaglag ang panga ko. Si Alden! Hindi nga guni guni na nakita ko siya bago ako mawalan ng malay.




May dala siyang prutas at mga pagkain. Pinagmasdan ko siya habang inaayos yun sa may lamesa. Gusto ko mang magtanong sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nauunahan na agad ako ng hiya.





"Kainin mo to. Kagabi ka pa walang malay kaya hindi ka nakakakain." Inilagay niya yung removable table sa harapan ko at tsaka pinatong yung soup. Kumalam agad yung tyan ko. Gutom na gutom na kasi ako.





Humigop muna ako ng sabaw. At nangangapa ako ng sasabihin ko. Bakas sa mukha niya na wala pa siyang tulog. Nakaramdam na naman ako ng hiya. Umupo siya sa harapan ko.





"Bakit mo ako dinala dito? Nakakahiya sayo." Nakayukong sabi ko sa kanya. Hindi ko din kasi kayang salubungin ang mga tingin niya sa akin.





"Nakita kita. Sinundan kita hanggang sa bahay niyo. Ayan inamin ko na. Pero hindi ko naman inaasahan na ganun pala kalupit ang Nanay mo." Biglang sumeryoso ang mukha niya. Naalala ko na naman ang pananakit niya sa akin. Puro galos ako at sugat. Tapos nakaistorbo pa ako ng ibang tao.





"Hindi ko din alam kung bakit siya ganun. Ampon lang kasi ako. Simula kasi nung mamatay ang Tatay. Lagi na siyang bugnutin. Ako ng ako ang sinasaktan niya. Kaya napilitan akong magtrabaho dahil kailangan ko daw siyang buhayin. Wala akong magawa. Pakiramdam ko ang laki ng utang na loob ko sa kanila dahil kinupkop nila ako. Pinag aaral ko ang kapatid ko. Yung tunay na anak nila. Dun man lang makabawi ako." Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun. Hindi ko siya kilala pero magaan agad ang loob ko na magkwento sa kanya. Feeling ko nabura lahat ng inis ko sa kanya.





"Wala kang utang na loob sa kanila. Sila ang kumuha sayo. So ibig sabihin nun obligasyon ka na nila. Sila ang may utang na loob sayo dahil sa kabila ng pang aapi at pananakit sayo ng Nanay nanayan mo ay nandyan ka pa din para suportahan sila. Pero sa ngayon,tama na muna. Magpahinga ka naman." Masuyong sabi niya at tsaka ngumiti. May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niyang yun.




"Nakakahiya sayo. Sinungitan na kita't lahat lahat pero tinulungan mo pa din ako. Ilang beses mo ng sinasalba ang buhay ko. Salamat." Ngumiti ako sa kanya. Pero gusto ko ng mailang dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang naiilang na ako.









Alden's POV







Nakatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang matulala. Ang ganda niya talaga. Masaya ako dahil okay na siya. Konting pahinga na lang ang kailangan niya. Sinabi na din ng doctor na pwede na siyang lumabas pag lumabas na ang resulta ng laboratory niya.





"Sa akin ka na muna titira. Hangga't kailan mo gusto. Wag kang mag alala. Wala akong gagawing hindi maganda sayo. Yun ang kapalit ng pagtulong ko sayo." Deretsong sagot ko sa kanya at napatulala naman siya. Napaawang pa ang labi niya at parang hindi makapaniwala sa narinig niya.





"What? Parang hindi naman yata tama yun. Mas lalo lang akong mababaon sa utang ko sayo e. Hindi na." As expected. Tumanggi siya. Hindi na ako nagulat pero makulit din ako.





"At saan ka naman pupunta? Babalik ka na naman dun sa bahay na yun? Tapos anong kasunod? Baka mapatay ka na nun. Wala na tayong pag uusapan pa. Yun ang kapalit ng pagtulong ko sayo." Final na sagot ko sa kanya. She sighed.





"Fine. Pero magtatrabaho ako. At babayaran ko ang pagtira ko sa bahay mo. Pag kaya ko ng bumukod. Aalis na ako sa'yo. Okay na ba yun?" Natawa naman ako dahil kakaiba talaga siya. Hindi nagpapatalo.





"Sounds fine with me. Pero makakaalis ka lang pag pumayag na ako." Nakangising dagdag ko pa bagay na nakapagpatulala na naman sa kanya.





"Ano?!" Hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas. Ang cute niya lang talaga.






"Yun ang sinabi ko. Diba ikaw tong may atraso sa akin. Kaya ikaw mag adjust. Ikaw ang sumunod sa lahat ng gusto ko. Tsaka na natin pag usapan ang rules and punishments. Magpagaling ka na muna sa ngayon. Maliwanag ba?" Nakangisi pa din na tanong ko sa kanya kaya naman umirap na lang siya.





"Wala naman akong choice kasi nga diba ako ang may utang sa'yo. Salamat Alden. At tsaka pasensya ka na din kung nagsusungit ako sa'yo. Hindi lang kasi ako komportable ng may nag aalala o nagmamalasakit sa akin. Naninibago ako. I'm sorry." Sincere na sabi niya sabay ngiti. Nakaramdam ako ng tuwa sa ginawa niya kaya naman lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.




"Pagkatiwalaan mo lang ako, Maine. Hayaan mo kong alagaan ka." At walang ano anong niyakap ko siya ng mahigpit. Kung ano man tong nararamdaman ko, wala akong balak pigilan. Dahil isa lang ang alam ko sa ngayon. Masaya ako.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon