Seventy

2.9K 105 4
                                    

Maine's POV









"Aray ko naman anak. Dahan dahan." Awat ni Alden kay Charmaine. Naglalaro kasi silang ama. Habang ako ay naglilinis ng bahay. Naging malinaw na ang lahat sa amin ni Alden matapos ang gabing yun. Sa bawat araw na dumadaan ay hindi siya nagkukulang sa aming mag ina. At masaya ako sa nangyayari ngayon. Lihim akong natawa dahil halata kay Alden na nahihirapan na siya sa pag aalaga sa anak niya.








"Mommy Babe. Help." Pabulong na sabi ni Alden. Bakas sa mukha niya na hindi alam ang gagawin niya. Naawa naman ako sa kanya kaya lumapit ako at kinuha si Charmaine sa kanya. Baka kasi umiyak din tong lalakeng to e.









"Akin na nga. Halika na anak. Wag mo awayin yang Tatay mo." Binuhat ko si Charmaine. Umupo kami sa sahig habang si Alden ay nasa sofa naman at nakahiga. Nilaro laro ko si Charmaine. "We're going on a trip in my favorite rocket ship. Zooming through the sky, little Einstein. Climb aboard, get ready to explore, there's so much to find, little Einstein." Kanta ko pa habang nilalaro laro at sinasayaw sayaw siya. Parang musika na naman sa pandinig ko ang halakhak ng anak ko.









Napalingon ako kay Alden na nakabusangot ang mukha. Parang naiinggit na ewan. "Oh? Ano na naman bang problema mo? Kinuha ko na nga sayo si baby. Nakasimagot ka pa din dyan?" Inis na tanong ko sa kanya. Di ko alam kung bakit bigla na naman akong naasar sa kanya.









"E kasi hindi mo na ko pinansin e. Paano naman ako?" Talagang naghihinampo na sabi niya. Ang kaninang asar ko ay napalitan ng tawa. Mas lalo naman siyang sumimangot. Wala akong choice kundi kuhanin si baby at umupo sa sofa. Umurong naman siya. Agad niyang inikot ang kamay niya sa bewang ko. Hawak ko pa din si Charmaine.








"Nak, yung Daddy mo abnoy no? Wag mo gagayahin yan ah?" Pabirong sabi ko kay Charmaine. Tapos ay sinabayan ko ng nakakalokong tingin kay Alden. Nakanguso na naman siya sa akin at hindi ko napigilan ang sarili kong dampian ng maliit na halik ang labi niya. Kulang na lang ay mapabulanghit ako ng tawa dahil sa itsura niya. Gulat na gulat ba naman. "Ano?! Para kang baliw na naman dyan. Anak, dun ka muna kay Lolo at Lola ah? May gagawin lang si Mommy." Ngumiti ako at dinala si Charmaine sa parents ni Alden. Hindi ko na nga siya nilingon e.










Umakyat ako sa kwarto namin at nagsimulang ayusin ang ibang mga damit na nakakalat pa. Nandito na kami ngayon sa bahay na pinagawa ni Alden para sa amin. Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa dami ng kailangan ayusin. Buti na lang at nauna ko ng ayusin ang gamit ni Charmaine. Hindi ko alam kung nasaan si Alden. Malamang nakanganga na yun dun sa may sofa.









Abala ako sa pag aayos ng mga damit ko at napangiti ako ng makita ko ang mga damit kong medyo revealing. Kailangan ko kasi minsan mag ganun lalo na pag may event na pupuntahan e. "Itapon mo na yan kasi hindi mo naman masusuot na yan." Kulang na lang ay mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Alden.










"Anak ng! Bakit ka ba nang gugulat? Tsaka anong itatapon? Ano ka? Alam mo bang favorite ko yang mga yan kasi fit sa akin!" Akmang itatago ko na ang damit na hawak ko pero ganun na lang ang gulat ko ng agawin niya yun sa akin sabay tumakbo papuntang terrace at agad na ibinato. Napanganga ako sa ginawa niya.










"Ano bang ginawa mo?!" Nanlalaki pa ang mata ko at parang di pa din makapaniwala sa ginawa niya. Pero imbes na sagutin ako ay tumawa pa siya ng nakakaloko. At parang wala lang sa kanya yung ginawa niya.










"Mang Jimmy! Pakitapon naman po yang mga damit na yan kasi madumi na po. Salamat!" Nakadungaw pa siya sa baba kung saan nandun naman si Mang Jimmy at tatawa tawang sinunod ang utos niya. Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa ginawa niya. "Do you think I will allow you to wear that? Ano ako baliw? Edi para binigyan ko lang ng pagkakataon ang ibang na tignan ang pagmamay ari ko." Cool na cool na sabi niya at naglakad papunta sa kama. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako sa asar ko sa kanya. Maine! Damit lang yan. Bakit iniiyakan mo?!









"I hate you! I hate you so much!" Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa inis ko sa kanya. Ang babaw ng dahilan pero bakit ba kasi hindi ko maiwasana? Talagang naasar ako sa ginawa niya. Ang kaninang nakangising mukha niya ay napalitan ng pagkaseryoso.









"A-ano kamo?!" Gulat na tanong niya pero imbes na sagutin ko siya ay pabara bara kong tinanggal sa maleta lahat ng damit na liligpitin ko. Manigas ka dyan! Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang palihim na pinupunasan ang luha ko. Bakit kasi napakaiyakin ko na naman? Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ko pa din siya pinansin. "Babe, ano yung sinabi mo?! Bawiin mo yun! Ayoko nun!" Parang bata na nagmamaktol siya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.










"I hate you! Ang panget mo! Wag mo ko kausapin!" Mas lalo siyang nagulat ng ulitin ko yung sinabi ko kanina. "Oh! Alin pa itatapon mo dyan?! Itapon mo na lahat hanggang sa wala na kong masuot!" Dagdag ko pa at padabog na kinuha lahat ng damit ko. Ano ba talaga? Ipapatapon tapos kukuhanin ko din naman pala.









"Babe." Che! Babe mo mukha mo! Gago! Sabi ko sa isip ko. Hindi ko pa din siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Di ko na nga alam kung tama ba e. Parang nagkahalo halo na yata yung pambahay sa pang alis. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko pero hindi ko pa din siya pinansin. "Uy. Sorry na Mommy Babe. Hindi ko naman sinasadya. Ayoko lang talaga na magsusuot ka ng ganun. Gusto ko ako lang makakakita na sexy ka e. Tsaka wag mo na sasabihin yung I hate you. Ayoko nun. Murahin mo na lang ako. Pero wag yung I hate you. Sorry na. Sige na ipapakuha ko na ulit yung damit mo." Parang bata siyang naglalambing. At hindi ko alam kung ano na naman bang sumapi sa akin.









Humarap ako sa kanya at nakita ko na parang bata siyang nagmamakaawa. Bakas din ang lungkot sa mata niya kaya naman hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at agad na siniil ng halik. At isang patunay na ako ay abnormal. Haha!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon