Alden's POV
That girl is really getting into my nerves! Hindi ko alam kung ano bang meron sa akin o sa mukha ko na ayaw niyang makita! Ilang oras akong naghintay dito para lang masigurado na safe siya tapos lalayasan niya lang ako ng basta basta. Walang puso!
Pero sadya yatang may sariling utak ang paa ko at hindi ko mapigilan na mag drive pasunod sa jeep na sinasakyan niya. Darn it! What is wrong with me?!
Nakita ko siyang bumaba ng jeep at doon ay naramdaman kong nakampante ako dahil walang nangyaring masama sa kanya. Hindi kasya ang sasakyan ko sa lugar nila kaya wala akong nagawa kundi ang iparada sa di kalayuan ang sasakyan ko at maglakad para lang masundan siya.
Masikip. Maputik. Madilim. Yun ang tamang salita para mailarawan ang lugar niya. Paano kaya sila nakakatiis dito? May nag iinuman pa sa kalye. May mga kabaatang nakatambay. May mga nagsusugal. Hindi ko maiwasan tignan ang paligid dahil ngayon lang naman ako nakapunta sa ganitong lugar. Sa kasamaang palad pa, dahil may sinusundan akong babae.
Never in my wildest dream na gagawin ko ito. Gusto ko sanang tumalikod na pero ayaw naman ng mga paa ko. Sadyang binagalan ko ang lakad ko para hindi niya ako makita o maramdaman na nakasunod sa kanya. Mahirap na. Baka masapak na naman ako ng dalawa.
Sa di kalayuan ay nakita kong sinalubong siya ng isang dalagita. Niyakap siya nito. Kapatid niya kaya yun? Bakit parang hindi naman niya kamukha. Nag usap sila saglit at parang ibang tao siya. Nakangiti siya.
Bakit saken, hirap na hirap siyang ngumiti?! Ano bang nakakainis sa gwapong mukhang to na hindi matanggihan ng kahit sinong babae? Siya pa lang!
Lumakad sila papunta sa isang lugawan. Sumunod pa din ako sa kanila. Pero hindi sinasadyang napatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko maiwasan ang magulat kaya napatakbo ako ng wala sa oras! Shit! Nakakahiya!
Mabilis akong umalis sa lugar na yun at gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa kagaguhan ko. Isang Faulkerson, hinahabol ang isang waitress. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Basta ang gusto ko lang makita siyang ligtas.
Nakarating ako sa sasakyan ko at nagpapasalamat ako dahil walang nawala sa parte ng kotse ko. Baka tulog na o may ibang tinitirang sasakyan yung mga magnanakaw dito kaya hindi napansin yung saken.
Inistart ko na yung sasakyan ko at nag drive na pabalik sa condo. Malamang bukas ay uulanin na naman ako ng asar sa dalawang kaibigan ko na akala mo babae ang bibig kung rumapido at mang intriga.
KINABUKASAN
Nasa opisina ako at madaming papel na naman ang nasa harapan ko. I'm used to it. Unti unti na akong nasasanay at minamani ko na lang yung iba.
Biglang nag ring yung phone ko at napangiti ako dahil nakita ko ang pangalan ng maganda kong Mommy sa kabilang linya. Namimiss ko na din ang Mommy ko.
"Mom!" Masayang bungad ko sa kanya at pansamantalang iniwan ang nakatambak na papel sa lamesa ko.
"Hi son. Kamusta naman kayo dyan ng kapatid mo?" Bakas ang kasiyahan sa boses ni Mommy habang nagsasalita. Ganun din naman ako. Nagiging bata ako ulit pag kasama ko si Mommy. Siya kasi ang tunay na kakampi ko. Siya din ang unang tinatakbuhan ko lalo na pag napapagalitan at nasasaktan ako ni Daddy.
"Okay lang naman kami, Mom. Hindi ko pa po napupuntahan si Bianca ulit kasi madami akong ginagawa. Pero sure naman ako na aalagaan siya ni Yaya Sonia. Besides, lagi ko naman siya tinatawagan." Sagot ko kay Mommy.
"Mabuti naman. Ikaw anak? Baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo. Wag ka magkakasakit kasi wala si Mommy para alagaan ka. Okay?" Napangiti ako sa sinabing yun ni Mommy. Namiss ko tuloy siya bigla.
"Yes Mom. Kayo po? Ingat po kayo dyan ni Dad." Para akong mabibilaukan dahil sinabi ko yun. Na mag ingat sila ni Daddy. Knowing my Father? Siya yung tipo ng tao na akala mo alam niya lahat.
"Oo naman anak. Lagi lang din kaming nagala dito kasama ang mga Tita mo." May bahid ng kalungkutan ang huling salitang binitawan niya. Dahil hindi gusto ng mga kapatid ni Daddy si Mommy. Magkalaban kasi sa negosyo ang mga magulang nila. Kaya hanggang sa namatay si Lolo (Tatay ni Daddy) ay masama ang loob niya.
"That's great, Mom. Basta wag ka magpaka stress sa kanila." Pag iiba ko ng usapan para naman sumaya na siya.
"Oo nga e. Sige na anak. Matutulog na kami ng Daddy mo. Bumaba lang ako para tawagan ka. Alam mo naman yun. Sasabihin na naman nun masyado kitang bini-baby. Mag ingat kayo ng kapatid mo. I love you." Masuyong sabi ni Mommy kaya naman napangiti ako.
"I love you too, Mom." At siya na din ang pumutol ng tawag. Gumanda ang mood ko dahil nakausap ko ang Mommy ko. Sila lang naman ni Bianca ang nagbibigay ng kasiyahan sa akin. Dahil sila lang ang nakakaintindi sa akin.
Bumalik ako sa ginagawa ko. Pakiradam ko tuloy ay mas naging madali ang trabaho ko dahil masaya ang mood ko. Kahit na madami, okay lang. Kailangan kong mapatunayan ang sarili ko para walang masabi sa akin ang Tatay kong ubod ng galing at bilib na bilib sa sarili niya.
Hindi ko na namalayan ang oras. Masyadong madaming arte ang mga consignee na to. Kung hindi lang namin sila kailangan ay hindi naman ako magtatyaga na mag adjust at makiusap sa kanila.
Biglang pumasok ang secretary ko na si Ms. Ruby. Matagal na din siya dito kaya nakapalagayan ko na siya ng loob at isa siya sa walang sawa na nagtuturo sa akin lalo na pag hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Mag coffee ka na muna para naman ma relax ka." Bati niya sa akin sabay lagay ng kape sa lamesa ko. Ngumiti naman ako sa kanya.
"May naghahanap sayo sa labas. Papasukin ko ba?" Tanong niya habang inaayos ang ilang kalat na nasa table ko.
Tumango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga documents na hindi ko pa nakakalahati sa dami.
"Napadaan lang ako para iabot sayo yung naiwan mo kagabi." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at parang dinaga ang dibdib ko sa labas ng kabog nito.

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...