Fifty Four

2.2K 91 4
                                    

Maine's POV








Dalawang buwan mahigit ang lumipas at kasalukuyang nasa pang apat buwan na akong ng pagbubuntis ko. Medyo hindi na din ako maselan sa paglilihi. Halatang halata na din ang baby bump ko kaya naman hindi na halos ako palakarin ni Alden dahil natatakot daw siya na baka may mangyaring masama sa akin. OA lang e.







Naging maayos na ang lahat. Wala na din kaming narinig pa tungkol kay Louise. Ang huling balita namin sa kanya ay nag abroad na daw siya. Sana nga ay mahanap na niya ang tunay na kasiyahan niya. Hindi din naman ako galit sa kanya dahil masama ang magtanim ng galit sa kapwa.






Nasa opisina ako ngayon at abala sa ibang papel na hawak ko. Si Alden kasi ay may meeting sa labas. Busy kami pareho ni Ate Pia. Hindi din siya nagkukulang ng paalala sa akin. Wag daw ako magpapakapagod o magpapastress. Bawal daw yun. Mabilis na lumipas ang oras at salamat sa Diyos. Malapit na ang uwian.







"Nasaan si Alden? Hindi ba kayo sabay uuwi?" Tanong sa akin ni Ate Pia. Nag iinat inat na din kasi siya dahil tapos na ang ginagawa niya. Ganun din ang mga kasama namin. Walang masyadong shipments ngayon. Kaya pagkakataon ng lahat para makapag pahinga.







"Nagtext na lang ako sa kanya Ate. Hassle pa kasi kung dadaanan niya ako dito. Sabi ko ay magpapasundo na lang ako kay Mang Jimmy. Gusto ko din kasi magluto e. Alam kong pagod siya." Napangiti ako at nagexcite ako umuwi bigla. Namiss kong asikasuhin siya. Kasi pag uuwi na kami ay madalas pagod ako at tinatamad kaya hindi nakakapagluto. Chance ko ng bumawi ngayon.






"Ay oo nga! Ganun na lang gawin mo. Para naman mabawasan ang pagod niya. Halika na. Pwede na tayong umuwi." Yaya ni Ate Pia sa akin. Tumango naman ako at sumunod na sa kanya. Nag offer na din ako na ihatid siya. Para hindi ako masyadong mainip sa byahe.








"Ang swerte mo lang kay Alden. Kasi alagang alaga ka niya e. Hindi ka niya pinapabayaan. Naku sinasabi ko sayo Maine. Mahal na mahal ka talaga niya." Kwento sa akin ni Ate Pia. Hindi na nga namin namalayan ang oras dahil sa kadaldalan namin pareho. Naihatid namin siya ng maayos sa bahay nila at tsaka umuwi na kami ni Mang Jimmy.








"Salamat po, Mang Jimmy. Ayaw niyo po ba magkape muna sa taas?" Dumungaw pa ako sa bintana ng sasakyan. Umiling siya sa akin. Uuwi na daw kasi siya. Inabutan ko siya ng pang merienda niya. As usual, pahirapan muna kami bago niya tinanggap. Umakyat na ako sa unit namin ni Alden. Nagpahinga lang ako sandali bago ako nagsimulang magluto. Ingat na ingat ako sa pag galaw. Syempre. May baby sa tyan ko.









"Huy! Ang busy mo naman." Hindi na ako nagulat ng biglang pumasok si Kath. Sanay na ako sa kanya. Lagi kasi siya nandito sa unit namin ni Alden.








"Iba talaga pag magkapit bahay e. Haha! Oo. Nauna na ko umuwi kay Alden. Dami kasi siya ginagawa e. Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa harapan ko at pinanuod ang ginagawa ko.









"Mamaya na. Pauwi na din kasi yun si Daniel. Hay! Alam mo bang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang sarap pala ng feeling ng in love." Napatingin pa sa kawalan ang gaga habang nakangiti. Ihagis ko kaya sa mukha niya tong sibuyas na hinihiwa ko. Haha!








"Sus. Wala nga sa hinagap ko na aabot kayo sa ganito. Naku!" Biro ko sa kanya. Inirapan niya naman ako. Sa totoo lang, hindi ko talaga akalain na papayag si Kath sa ganitong set up. Sabagay, everything is possible in love.









"Mana lang ako sayo. Haha! Anyway, ano kamusta na yung pagbubuntis mo? Ang bilis ng panahon. Ilang buwan na lang." Napangiti ako sa sinabing yun ni Kath. Tsaka bahagyang hinaplos ko ang tyan ko. Oo nga. Ilang buwan na lang anak. Makikita ka na namin ni Daddy mo.








Mabilis kong natapos ang niluluto ko. Quarter to eight na. Malapit na siguro umuwi si Alden. Nagpaalam na din si Kath dahil nasa parking lot na daw si DJ at aakyat na. Ako naman ay umupo na lang at nanood ng TV. Hihintayin ko si Alden para sabay na kami kumain.








Pero lumipas ang oras. Nakaramdam na ako ng antok. At laking gulat ko ng mapatingin ako sa orasan. Pasado alas onse na pala ng gabi. Hindi na din ako mapakali dahil nakulo na ang tyan ko. Kahit na gusto ko siyang hintayin. Wala akong nagawa kundi kumain na lang kahit kaunti. Nawalan ako ng gana pero kailangan. Dahil may magugutom na baby sa loob ng tyan ko. Habang nakain ako ay natulo ang luha ko.









"Hindi man lang siya nakaalalang itext ako. Kahit yun man lang sana." Para akong tanga na nagsasalita mag isa habang nakain. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi na dapat ako sensitive kasi patapos na ko maglihi e. Pero masama talaga ang loob ko. Natapos akong kumain at hindi ko man lang naramdaman na nabusog ako. Nakita ko ang ulam na pinaghirapan kong lutuin. Nilagay ko na lang sa ref at tsaka ako pumasok sa kwarto namin para maglinis muna. Babalik na lang ako sa sala at dun ko na lang siya hihintayin.









Naalimpungatan ako ng bumukas ang pintuan. Syempre sino ba naman yun. Si Alden lang naman yun. Minulat ko ang mata ko at dahan dahang tumayo. Lumapit agad siya sa akin at humalik sa noo ko. Hindi naman ako umiwas at hinayaan ko lang siya. Pero sa totoo lang ay masamang masama talaga ang loob ko sa kanya.









"Babe. I'm sorry. Hindi ko naman alam na gagabihin ako. Na stuck kasi ako sa mahabang meeting. Nalowbat ako. Hindi ko magawang tumakas sa kanila e. Sorry Babe. I'm sorry." Niyakap niya ako pero hindi ako yumakap pabalik sa kanya. Tumango lang ako.









"Sige. Kung gutom ka, tawagin mo lang ako para makapaghain ako. Kung hindi naman, itutuloy ko na yung tulog ko sa kwarto." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumalikod na ako palayo sa kanya.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon