Fifty Seven

2.3K 101 14
                                    

Maine's POV








"Oh? Kamusta ang lakad ng magaling kong girlfriend? Hindi mo ba inaasahan na maaga akong uuwi ngayon? Kamusta ang araw mo kasama yung lalake mo?" Bahagya pa siyang nakangisi. Pero bakas ang diin sa salita niya. At alam kong galit na galit siya. Lumapit ako sa kanya para hawakan siya pero mabilis niyang hinawi ang kamay ko.







"Alden. Lasing ka lang. Halika na---"








"Tsk! Wag mo nga akong hawakan! Oo! Lasing ako pero alam ko yung sinasabi ko! Alam mo ba kung bakit ako naglasing? Kasi hindi ko matanggap na ang girlfriend ko, may kasamang ibang lalake!! Kitang kita ng dalawang mata ko Maine! Ano? Kamusta yung lakad niyo ni Kristoffer? Masaya ba? Narealize mo na ba na gusto mo pa din siya at gusto mong maging totoo yung kasal kasalan niyo noon?! Kitang kita ko kayo Maine! Tawa ka pa ng tawa!" Napalunok ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay ibang Alden ang kaharap ko ngayon. Para siyang demonyo. Wala sa hinagap ko na ganito pala siya pag nagalit.







"Alden, hindi ganun yun. Sasabihin ko nga sana sayo kagabi na magkasama talaga kami dahil nagkasalubong kami sa grocery! Magkaibigan lang kami at nilinaw ko na sa kanya na masaya na ako sayo. Gusto ka nga niyang makilala e. Paniwalaan mo naman ako. Hindi kita niloloko!" Nagsimula ng manlabo ang mata ko at sunod sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Pero halatang sarado ang isip niya. Dahil bakas na bakas ang galit sa mata niya.







"At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Akala ko iba ka, Maine. Akala ko lang pala. Ngayon, sabihin mo nga sa akin. Ako ba talaga ang ama ng batang nasa tyan mo? O noon mo pa ako ginago at palihim na nakikipagkita sa Kristoffer na yun?" Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa sinabi niyang yun. Gusto kong himatayin. Napakasakit! Ang sakit. Namanhid yata ang buong katawan ko.






"Alden! Yan ba yung tingin mo sa akin? Masama akong babae? Hindi kita niloko!" Napasigaw na ako. Sobrang sama ng loob ko sa sinabi niyang yun. Pero para siyang bingi.






"Hindi nga ba talaga? Sana nga hindi." Yun lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya at mabilis siyang lumabas. Naiwan akong naiyak at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Pilit kong inayos ang sarili ko at nagsimula ng mag impake ng mga gamit ko. Hindi ko naisip na aabot kami sa ganito. Wala sa hinagap ko na maririnig ko ang salitang yun mula sa kanya. Walang patid ang pagtulo ng luha ko hanggang sa matapos kong ayusin ang mga damit ko. Kailangan kong lumayo. Masyadong masakit lahat ng narinig ko at pakiramdam ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Masamang babae na ang tingin niya sa akin ngayon. Anong nangyari sayo, mahal ko?








Alden's POV







Dalawang linggo ang lumipas. Dalawang linggo na pala. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din lubos maisip na nasabi ko sa kanya ang mga bagay na yun. Nadala ako ng sobrang selos ko. Galit na galit ako sa nakita ko. Nasa mall din kasi ako nung mga panahon na yun at may kausap akong kliyente ng mahagip ng tingin ko si Maine. Kasama yung lalakeng yun. At alam kong si Kristoffer yun. Simula nung napag usapan siya nung nasa Baguio kami ay hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakikita ang pagmumukha niya! Kaya ganun na lang ang naging reaksyon ko nung makita kong magkasama sila.






"Ayaw kang kausapin ni Kath. Kahit si Nadine ayaw. Naiintindihan namin sila dre. Mga kaibigan yun ng babaeng sinaktan at ininsulto mo. Ano bang sumapi sayo at sinabi mo yun sa kanya? Hindi mo ba naisip na buntis yung tao?" May bahid ng panunumbat na sabi ni DJ sa akin. Magkakasama kami ngayon at wala silang tigil sa kakasermon sa akin.







"I was damn jealous that time. Lasing ako nun. At galit ako kaya nasabi ko yun." Nakayukong tugon ko sa kanila at nagsisimula na namang tumulo ang luha ko. Dalawang linggo na akong hindi makatulog ng maayos. Dahil pinagsisisihan ko yung nagawa ko. At hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin ngayon. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko pero sadyang magaling yata magtago si Maine.







"Dumating na yung araw na kinatatakutan mo at ang masakit pa nun, dahil sa sariling kagagawan mo! Alden naman! Kung di lang kita kaibigan, baka nasapak na kita! Nakakaawa naman si Maine. Hindi natin alam kung nasaan na siya." Inis na sigaw sa akin ni James. Wala akong magawa kundi tanggapin na lang lahat ng sermon nila. Pati si Mommy at Daddy ay nagalit sa akin. Alam kong mali ako.







"Dre. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Gusto ko ng makita si Maine. Miss na miss ko na siya. Hindi ako mapalagay. Naiisip ko kung kumain na ba siya, kung saan ba siya nakatira ngayon. Kamusta na kaya yung pagbubuntis niya." Umiiyak na sabi ko sa kanila. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin. Mababaliw na yata ako.







"Gustuhin ka man naming tulungan, wala din kaming magawa dre. Ginamit na natin lahat ng koneksyon na meron tayo pero wala talagang makapagturo kung nasaan si Maine. Pati ang Nanay Connie niya ay pinapuntahan na din namin pero wala siyang balita kay Maine." Tinapik ni DJ ang balikat ko kaya lalo akong naiyak. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Dahil lang sa simpleng selos ko. Bakit ba kasi hindi ko siya pinakinggan?! Bakit ko ba kasi sinabi yun sa kanya?







Nagpumilit akong umalis dahil gusto kong mapag isa. Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lahat ng tao sinisisi ako. Si Nadz, si Kath, sila Mommy at Daddy. Hindi lang si Maine ang nawala sa akin. Pati na din ang anak ko. Napakawalang kwentang tao ko. Dahil ako mismo ang nagtulak palayo sa babaeng pinakamamahal ko. Wala na si Maine. Hindi ko na siya mayayakap. Hindi ko na siya mahahawakan. Wala na sa akin ang mag ina ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon