Seventy Three (Before Finale)

4.7K 115 37
                                    

Alden's POV








Para naman akong nabunutan ng tinik. Lahat ng kaba ko ay nawala lalo na nung sumagot siya ng YES sa akin. Damn! Bading na bading ako dahil sa pagkaiyakin ko. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ngayon ay pumayag na siyang magpakasal sa akin. Yun lang naman ang hinihiling ko dahil yun na lang ang kulang sa aming dalawa.







Pwede naman talaga akong mag hire ng organizer pero mas pinili ko na ako na lang ang gumawa. Buti na lang at nandito sila James. Hindi ako pinabayaan. "Yieee! Congrats! Finally! Sa simbahan din ang ending ng love story niyo." Niyakap kami pareho nila Nadz at Kath. Nagpasalamat naman ako sa kanila.








"Tss. Kung hindi pa kami umubo kanina, talagang sosolohin mo sabihin na ikaw lang lahat gumawa nito! Napakawalang puso mo Alden!" Parang bata na sumbat sa akin ni DJ. Napatawa naman kami dun. Si Maine ay hawak pa din ang kamay ko at bakas na bakas sa kanya ang saya.








"Grabe. Mahal na mahal ka ni Maine e. Sinabi ko lang na may nangyari sayo. Abg bilis pumunta dito. Tignan mo magkaiba yung tsinelas niya!" Napatingin kaming lahat sa paa ni Maine. At magkaiba nga yung suot niyang tsinelas. Namula ang mukha ng aking minamahal at sumubsob sa dibdib ko.







"Aba naman Nadine Alexis! Sayo ko kaya gawin yun! Sabihin kong may nangyari sa asawa mo! Makukuha mo pa bang mag ayos?" Bawi ni Maine sa kanya. Nilakasan lalo namin ang tawanan kaya sumimangot si Nadz. Pero nakangiti din naman siya.








"At tsaka gago kayong dalawa e! Sabi ko sa inyo iba na lang idahilan niyo! Talagang sinabi niyo pang may nangyari sa akin! Paano kung may nangyaring masama sa misis ko! Baka mapatay ko kayo!" Bulyaw ko sa kanila. Kanina ko pa kasi sila inaawat na ibang alibi na lang ang sabihin e. Talagang pinagpilitan pa nila yung may nangyaring masama sa akin.










"Hahahaha! Totoo namang may nangyari sayo ah? Nakita mo ba yung itsura mo kanina? Para kang hindi mapaanak na pusa. Ang puti ng labi mo. Kabang kaba e. Bakit? Tatakot ka na hindi ka pakasalan ni Maine?" Asar ni James sa akin. Nginusuan ko siya. At sambakol ang mukha ko dahil si Maine ay isa ding malakas ang tawa.










"Isa ka pa Babe e! Imbes na ipagtanggol mo ko. Tumatawa ka pa." Parang bata na sumbat ko sa kanya. "Hindi naman kasi yun dapat yung dahilan e. Dapat nga susunduin ka pa nila Nadz! Ewan ko ba naman kung bakit nag iba yung plano!" Inis na dugtong ko pa.








"Syempre para hindi halata! Alam mo naman na mabilis kumutob si Maine. Shunga ka?!" Asar ni Kath. Napanguso na naman ako. Kung wala lang akong utang na loob sa mga to, talagang lalayasan ko sila e. Niyakap ko naman si Maine na nakikinig lang at tawa pa din ng tawa sa kalokohan nila.







"Okay lang ako Babe. Nakarating naman ako ng maayos e. Talagang nagulat lang ako kasi nga hindi ka natawag sa akin. Tas si Nadz yung nakausap ko gamit yung phone mo. O ayan pinagtanggol na kita ah?" Biro niya. Sabay kinurot ang ilong ko. Eto yung isa sa pinaka nagustuhan ko sa kanya e. Yung pagiging jolly niya at malakas ang sense of humor. Nagpatuloy ang pagbibiruan namin at hindi na namin namalayan ang oras.










Maine's POV









Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang tinitignan ko ang daliri ko na may singsing na ngayon. Hindi ko naman akalain na maeengaged ako ngayong araw na to. Hindi man lang ako nakapag handa. Pero okay lang yun. Surprise nga e! Haha. Nasa bahay na kami at maayos ng natutulog ang mga anak namin. Ako naman ay nasa kusina, nag aayos ng mga dede ni Sky. Hindi ko na to inaasa kay Nanay Myrna.








"Tulog na tayo." May biglang yumakap sa bewang ko. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya sa may tenga ko. Hindi na nawala sa kanya yung ugaling bigla na lang yayakap sa akin. Inayos ko lang sandali ang ginagawa ko at humarap ako sa kanya. Bakit ba ang gwapo gwapo ng taong to? "Bakit nakatingin sa akin ang mapapangasawa ko?" Malambing na tanong niya.







"Wala. Masaya lang ako. Kasi after all these years. Eto tayo. Masaya." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw na ito. Salamat sa effort. Mahal na mahal kita." Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya at ngiting ngiti naman siya sa akin.








"Hindi pa nga kami masyadong nakapaghanda. Natakot kasi ako sa sinabi ni James na baka pag hindi pa kita niyaya magpakasal, magsawa ka na tapos iwanan mo ako bigla. Hindi ko kakayanin promise Babe. Kayo ng mga anak natin ang buhay ko." Natawa ako sa reaksyon niyang yun kaya hindi ko napigilan ang halikan siya sa labi. Dampi lang naman.








"Ate... wag po. Bata pa po ako." Parang bading na sabi niya kaya mas napatawa naman ako. Hinalikan ko siya ulit. "Babe naman. Kawawa naman yung lips ko. Lagi mo na lang pinang gigigilan e." Naka pout pa siya. At hinalikan ko ulit yun. Haha! Ako pa talaga naunang humahalik sa kanya. Ganyan ko lang naman siya pakiligin e.








"Babe, kailan tayo pwedeng mag anak ulit?" Napatanga ako sa sinabi niyang yun. Siya naman ay nakatingin sa kawalan at parang nag iisip. "Pwede na ba yan Babe? Tara na gawa na tayo ulit ng isa pa." Kung kanina ay nakapalibot ang kamay ko sa leeg niya, this time ay binitawan ko na siya.








"Manahimik ka Alden! Hindi pa nga nakakagapang si Sky! Gusto mo na naman umisa?! Aba buti sana kung ikaw  ang nagbubuntis e!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko.









"Ang tagal naman kasi. Gusto ko limang anak. O higit pa. Basta ikaw lang ang magdadala Babe. Nabasa ko naman sa magazine na pwede ng mag sex ulit one week after makapanganak---" Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa kahalayan na lumalabas sa bibig niya! Jusko!!!!








"Manahimik ka! Napaka halay ng bibig mo! Tsk! Halika na nga sa kwarto! Gawa na tayo ng baby number 3!" At bago ako tuluyang tumalikod sa kanya at nginisian ko muna siya. At alam kong nakatanga siya habang inaabsorb ang sinabi ko. Hahaha!










****

A/N: Sabaw na update. Bawi ako sa finale. Anyway, thank you sa new followers ko. Thank you din sa gumawa ng cover ng story na ito. Naka draft na yung susunod. Balak ko sana mag upload na kaya lang wala pang magandang pang cover e. Haha! Salamat sa suporta babies ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon