Sixty Five

2.5K 97 14
                                    

Maine's POV










Nasa restaurant ako. Tuwang tuwa ako ng makita kong madaming tao. Syempre kahit sino namang restaurant owner tapos makita nilang dinadayo ng mga tao ang shop nila ay paniguradong matutuwa din. Si Charmaine ay nasa mga Lolo at Lola niya ngayon. Malaking tulong din na nandun siya dahil hindi ako nag iisip at nag aalala lalo na kung dalawa lang sila ni Nanay Myrna.









Hindi ko alam kung bakit naisipan ko biglang puntahan si Alden. Wala naman sigurong masama kung dadalhan ko siya ng pagkain. Oo, wala lang yun. Tsaka para makita ko din sila Ate Pia. Namiss ko na kasi sila e. Nagpaalam ako sa mga crew ko at binilinan ko sila na wag na akong hintayin. Baka kasi hindi na ako makabalik.










Nag drive ako papunta sa opisina niya at ganun pa din ang pakikitungo sa akin ng mga tao. Ilang minuto pa nga yata bago ako nakarating sa opisina niya mismo dahil ang dami kong stop over e. Nakikipag kwentuhan ako sa kanila kasabay ng pagbigay ko sa kanila ng konting dala ko.










Nasa harapan na ako ng pintuan niya at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko yung seksing babae sa harapan niya. Unti unting lumalapit sa kanya. At ang siraulong lalakeng to naman ay nakanganga lang at nakatulala. Biglang nag init ang ulo ko sa nakita ko. Hindi ko na din alam kung anong pumasok sa utak ko at dali dali akong pumasok sa loob.










Ganun na lang ang gulat nung babaeng kitang kita na yung cleavage. Habang si Alden naman ay biglang namutla. Kahit na galit na galit na ako ay sinikap ko pa din na mag relax. Pero sa totoo lang ay umaalsa na yung dugo ko sa nakita ko. Nakataas ang kilay ng babaeng mukhang bisugo at hugis mangga ang mukha na tumingin sa akin.










"Hindi ganyan maghubad ng damit. Gusto mo ipakita ko sayo kung paano?" Nakangiting panimula ko. Lalo namang tumaas ang kilay ng babaeng bisugo na to. Lumapit ako sa kanya. Kaya kitang kita ko ang kapal ng make up niya. Tanghaling tapat ang kapal ng make up?










"Pwede ba? Mamaya ka na. Hindi pa kami tapos!" Mataray na sigaw niya sa akin. "Kung gusto mo mamaya ka na pagtapos namin. Kaya lang baka wala na siyang energy pagdating sayo." Ngumisi pa siya. Yung tingin niya ay parang minamaliit ako e.










"Excuse me lang huh? Babaeng mukhang bisugo at hugis mangga ang mukha. Hindi ako katulad mo na walang modong naghuhubad na lang sa kung saan saan. And just so you know, wag mo kong igaya sayo. Magkaiba tayo. Ako, natural na maganda. Ikaw? Bukod sa hugis mangga nga yung mukha mo, mukha ka pang coloring book sa kapal ng make up mo! Chura mo! Hindi pantay yung kulay ng mukha mo sa leeg mo!" Mataray din na sagot ko sa kanya. Ang kaninang nakataas na kilay niya ay biglang nawala. Umurong yata ang dila. Si Alden ay nakanganga lang sa akin.










"Sino ka ba?! Bakit kung makaasta ka dito akala mo girlfriend o asawa ka ni Alden!" Pikon na pikon na siya at halos umusok na ang ilong niya. Natawa ako sa kanya.









"You really want to know me? Fine. I'll introduce myself. I am the MOTHER of his child. Kaya kung ayaw mong matawag na homewrecker, lumayas ka sa harapan ko ngayon na. Tapos ipagtanong mo sa mga tao sa labas kung paano ako manapak. Dahil mabubura yang make up mo at magiging hugis lansones yang mukha pag dumapo tong kamao ko sayo. Alis!" Sigaw ko sa kanya. Namutla siya at biglang kumaripas ng takbo. Napapikit ako ng madiin at tsaka ko hinarap si Alden na hanggang ngayon ay nakanganga pa din.










"Maine, wala yung---"










"Che! Ayan dinalhan kita ng pagkain! Kainin mo yan kung ayaw mong ikaw ang sapakin ko!" Pabalagbag na nilagay ko sa table niya yung dala ko at nagmamadaling lumabas ng opisina niya. Hindi ako makaramdam ng galit kay Alden dahil alam ko naman na hindi niya papatusin yung babae. Nainis lang ako sa nakita ko dahil nakanganga lang siya.










Mabilis akong nakarating ng elevator. Pero hindi ko pa napipindot yung button ay bigla ng may humawak sa kamay ko. Nakita ko siyang parang hingal na hingal. Ang laki kasi ng opisina e. Ayan tuloy ang haba ng tinakbo niya.











"Maine, let me explain." Habol hiningang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinatak ang kamay ko. Kakainis! Hindi ko mahatak dahil ang lakas niya at ang higpit ng hawak niya. "I'm not letting you go kahit na maputol pa yang kamay mo kakahila mo!"









"Bibitawan mo ba ko o sasapakin kita?" Banta ko sa kanya. Nag pout naman siya. Gusto ko na talagang tumawa sa itsura niya e. Para siyang bata na pinagalitan. "Isa! Nangangati na yung kamao ko! Kanina pa ko nauurat hindi ko nasapak yung babae mo!" Sigaw ko sa kanya.










"Anong babae ko? Wala akong babae!" Nanlaki pa ang mata niya. Kakainis! Para talaga siyang bata na nagpapaliwanag e. Sinikap kong wag matawa sa itsura niya. "Apat lang ang babae sa buhay ko. Ikaw, si Mommy, si Bianca at ang anak natin! Ano ka ba?" Hawak pa din niya ang kamay ko.









"Hindi ko tinatanong! Gago!" Bulyaw ko ulit sa kanya. Saktong bumukas yung elevator at napatingin sa amin yung mga sakay nun. Nung maramdaman ko na biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay tsaka ako nagmadaling hatakin yun at tumakbo. Sa emergency door ako dumaan. Binilisan ko talaga yung pagbaba ko hanggang sa makarating ako sa basement. Buti na lang walang masyadong sasakyan. Makakaalis ako agad.










Papasok na sana ako sa kotse ko ng bigla na namang may humatak sa akin. Anak ng! Ang bilis naman niya! "Ano ba! Dinaig mo pa si The Flash ah! Tabi dyan! Aalis na ko!" Pabulyaw na tugon ko sa kanya pero seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.









"Isa pang takbo mo, Maine. Hindi ako magdadalawang isip na rape-in ka dito! Kilala mo ko! Now, lets have a date!" Napanganga ako sa sinabi niya kasabay ng paghila niya sa akin. Oh nasaan ang angas mo ngayon Maine? Wala! Tiklop e.







*****

A/N

Babies! More comments please? Hahaha!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon