Thirty Four

2.8K 114 8
                                    

Maine's POV







Saturday ngayon. At sabi ni Alden ay lalabas daw kami ngayon. I wonder kung saan kami pupunta. Nauna akong bumangon sa kanya dahil tulog na tulog pa siya. Si Bianca ay sinundo ng driver nila dahil namimiss na daw niya ang mga kaibigan niya kaya magkikita sila. Babalik din naman yun bukas.







Habang hinihintay ko magising si Alden ay nagluto muna ako ng almusal namin. 7AM pa lang naman kaya madami pang time. Kawawa din naman siya kung gigisingin ko agad. Ngayon na nga lang siya makakatulog ng medyo mahaba dahil stressed siya lately sa opisina. Madami kasing bagong client kaya naman siya ng siya ang nakikiharap sa mga yun. Sa susunod daw ay isasama niya ako.







Gusto ko na ngang mahiya may mga nakakahalata na yata sa amin. Paano ba naman lagi niya akong pinapatawag sa opisina niya lalo na pag lunch break. Gusto niya daw kasi sabay kaming nakain. Napapailing na lang ako. Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin dahil baka magmaktol na naman yun. Dinaig niya yung kapatid niya sa lakas ng topak niya.







Nagsimula na akong magluto. Napapangiti lang ako. Nagtatabi kami matulog pero wala siyang ginagawa na alam niyang ikakagalit ko. Pero hanggang kailan kaya niya kayang magpigil? Hindi na din ako magtataka kung one of these days ay bibigay na din ako sa kanya. Ano ba tong naiisip ko! Iniling iling ko ng madaming beses ang ulo ko para mawala ang kahalayan na tumatakbo sa isip ko ngayon. Umayos ka Maine. Babae ka! Wag kang mahalay!







"Anong iniisip ng maganda kong girlfriend? Bakit iling ka ng iling dyan? May iniisip ka bang ibang lalake bukod sa akin?" Napabalik ako sa realidad ng magsalita siya kasabay ng pagyakap niya sa bewang ko. Hindi ko man lang namalayan na gising na siya! Ganun ba kalalim ang kahalayan na naiisip ko? Haha!







"Ha? Wala. Ano ka ba? Anong lalake sinasabi mo dyan?" Hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Napakaseloso lang niya at hindi ko mapigilan ang mapangiti.








"Mabuti na ang malinaw. Pag nalaman ko lang na may crush kang iba bukod sa akin. Naku! Sinasabi ko sayo Babe. He'll regret it." Nakangusong tugon niya sa akin at natawa naman ako dun. Hindi ko na siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko. Pero alam kong nakamasid pa din siya sa akin kaya naman naiilang ako. Paano ba naman titig na titig sa akin.







"Bakit? May dumi ba sa mukha ko? Makatingin ka kasi e." Naiilang na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pero hindi man lang siya sumagot. Ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong hatakin at sa isang iglap ay nakakulong na ako sa mga bisig niya. Napahawak tuloy ako sa matitipunong dibdib niya dahil sa pagkabigla at ang lakas niya kasi manghila.







"May nakakalimutan ka e." Sasagot pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil bigla na lang niyang sinakop ang mga labi ko. Yung paraan ng paghalik niya ay madahan lang at punong puno ng pagmamahal. Hindi ako marunong humalik.... noon.






Pero ngayon ay nakakasabay na ako sa kanya at parang libo libong paru-paro ang nagliliparan sa loob ng tyan ko dahil sa mga halik niya. Naghahabol kami ng hininga pareho ng pakawalan niya ang labi ko pero nakadikit ang noo niya sa akin at ang lapit ng labi niya sa akin. Naaamoy ko tuloy ang mabangong hininga niya. "Yung kiss ko. Hindi mo pwedeng kalimutan yun Babe." Masuyong sabi niya sa akin at ramdam ko naman na pinamulahan ako ng mukha.







"Che! Umupo ka na nga at kumain na tayo. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya at pinanood akong maghanda sa mesa. Para tuloy kaming mag asawa.







"We're going out on a date. Gusto ko kasi magkaroon tayo ng quality time together dahil lagi na lang akong busy sa trabaho." Nakangiting sagot niya sabay kinindatan niya ako. Gusto ko na naman mamilipit sa kilig dahil ang gwapo talaga ng nilalang na to. Hindi pa din ako makapaniwala na mahal mo din ako.







Nagsimula na kaming kumain at nag ayos na din para maaga daw kaming makaalis. Para siyang bata na excited e. Unang alis daw kasi namin to bilang official couple. Diba daig niya pa ako. Mabilis kaming nag ayos. Kailangan niya pang mauna magbihis dahil isang room lang ang gamit namin. Si Bianca kasi ay sinarado ang kwarto niya. Natatawa ako sa batang yun dahil masyado niya kaming tinutulak ng Kuya niya sa isa't isa.








"Babe? Let's go?" Tumango ako at hinawaka niya ang kamay ko. Nakarating kami sa isang mall bandang Cavite na yata to. Nasa parking area na kami at hindi na naman maiwasan na may titingin na babae sa kanya. Bagay na kinainis ko bigla. Paano ba naman nakikipag ngitian pa siya sa mga babaeng yun.








"Babe. Ano bang iniisip mo?" Takang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakulo ang dugo ko sa nakikita ko. Paano ba naman kasi hindi man lang niya naisip na kasama niya ako. Panay pa din ang pakikipag ngitian niya dun sa mga babae na halos maihi na sa kilig. Hindi ko siya kinibo at nagpaunang pumasok sa mall. Pinilit kong libangin ang sarili ko sa mga nakikita ko. Infairness naman sa mall na to. Pang mayaman. Puro high class yata ang mga taong nagpupunta dito e.








"Hi Kuya! Ang gwapo mo naman. Pwede bang magpapicture sayo?" Napatingin kami ni Alden sa grupo ng mga babae na naman. "Picturan mi naman kami Ate sige na." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nilang yun. Ayoko maging bastos. Hayaan na lang.








"Sure. Akin na." Kinuha ko yung phone niya. Si Alden naman ay parang napipilitan lang. "Ready?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay naman silang nagsagutan. Kinikilig pa nga. Ang saya ng ngiti nila e hindi nila alam na nakafocus lang sa mukha nung isa yung camera. Akala yata nila kasama si Alden sa kinukuhanan ko. Ano sila nanalo sa lotto?








Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa kamalditahan ko. Ni lock ko agad ang yung phone nung babae. "There you go. Sige mauna na kami." Hinila ko si Alden palayo. Baka kasi makita nila agad yung kalokohan ko e. Naiisip ko pa lang yung itsura nila. Hindi ko na mapigilan ang matawa. Yan! Buti nga sa inyo. Sorry. Maldita din ako lalo na pag kay Alden. He's mine. All mine.







---

A/N: Comments please babies! Huhubels. Sabaw na UD. 😢

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon