Seventy One

2.8K 91 3
                                    

Alden's POV











"Aldeeeeennnn!" Malakas na tawag ni Maine sa akin. Agad naman akong umakyat sa taas. Dala dala ko pa nga yung walis at pang mop ng sahig. "Aldeeenn! Aray ko!" Kulang na lang ay liparin ko na yung hagdanan para makarating agad sa kanya. Nadatnan ko siyang namimilipit ang itsura habang nakahawak sa tyan niyang malaki na. Kabuwanan na kasi niya sa pangalawa naming anak. Ang bilis lumipas ng panahon e.









"Babe. Bakit? Lalabas na ba? Sandali!" Hindi ko na alam kung anong una kong kukuhanin sa sobrang pagkataranta ko. Si Charmaine ay nasa Laguna muna. Sinabi kasi nila Mommy na dun daw muna si Charmaine kasi baka biglang mapaanak si Maine. Walang maiiwan kay baby. Natataranta kong kinuha yung mga gamit na dadalhin namin sa ospital.










"Mamaya na. Nawala e. Gugutom ako." Biglang kumalma ang itsura niya. Habang ako ay nakatanga lang sa kanya. Jusko Babe aatakihin ako sa puso. "Sorry!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.









"Sure ka ba? Punta na kaya tayo ng ospital." Nag aalalang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang tyan niya. Umiling naman siya. Inalalayan ko siya hanggang sa makababa kami ng hagdan. Buti na lang at matatapos na ako maglinis. Hay! Ang hirap ng walang kasama sa bahay.










"Kawawa naman si Daddy Babe. Sorry. Ikaw ang naglilinis ngayon. Hayaan mo pag nakapanganak na ako. Ako na ulit ang gagawa nito." Nakangiting tugon niya. Na touch naman ako sa sinabi niya. Kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Halos isang taon na simula nung magkaayos kami. Kaya naman wala na akong mahihiling pa dahil hindi na kami nagkaproblema pa.










"Okay lang yun Mommy Babe. Basta para sa inyo ng mga anak natin. Kaya kong gawin lahat." Tinignan niya ako sa mata at tsaka ginawaran ng halik sa labi. Ang sweet niya talaga. Pero para din naman siyang tigre lalo na nung nasa kalagitnaan siya ng paglilihi. May mga times na gusto ko na din siyang awayin pero hindi ko magawa dahil alam ko naman na parte yun ng pagbubuntis niya. "Higa ka muna dyan okay? Sabihin mo agad sa akin kung masakit ulit kasi dadalhin na kita sa ospital. Wag ng matigas ang ulo." Bossy na sabi ko sa kanya at tumango naman siya ng sunod sunod.










Bumalik ako sa kusina at inayos ang mga liligpitin ko pa. Salamat naman at natapos na. Sinisilip ko din si Maine at nakita ko siyang tulog. Kaya naman minabuti ko na muna ang maligo para mabango naman ako pag tumabi ako sa kanya. Mabilis akong ang ayos ng sarili ko pero hindi pa man ako nakakaupo ay biglang narinig ko na naman ang boses ni Maine.









"Aldennnnn!" Katulad kanina, kumaripas na naman ako ng takbo. Hindi na ako nagulat nung nakita ko sila Nadz na nandun. Dali dali akong lumapit kay Maine.










"Babe. Ano? Ahh... tara na ba? Shit! Ano bang gagawin ko?!" Natataranta na naman ako. Tsk. Nakakapikon! Ilang beses ko na akong nagpractice ng gagawin ko pag nanganak na siya pero sa tuwing dadaing siya na masakit ang tyan niya ay hindi ko na naman maiwasan ang mataranta. Nawawala ako sa sarili ko e.









"Dalhin mo na ako sa ospital!!!! Hindi ko na kaya! Masasapak na kita pat tumunganga ka pa dyan!" Para akong bumalik sa realidad dahil sa sinabi niyang yun. Sila Nadz at Kath naman ay bitbit ang mga gamit na kailangan namin dalhin. Si DJ ay nasa labas na at hinanda na yung sasakyan.









"Dre! Buhatin mo na si Maine! Hindi ako pwede at baka masuntok ako nyan!" Untag ni James sa akin. Obviously, natataranta na din siya. Loko ka! Pag si Nadine nabuntis mo ewan ko lang kung anong kahihinatnan mo! Mabilis kong binuhat si Maine habang silang tatlo ay nakaalalay sa likod ko.










Nakarating agad kami sa ospital. Si Maine ay iyak pa din ng iyak. Ang nakakapagtaka pa dun ay ako ng ako ang sinisisi niya. "Walang hiya ka Alden. Sinasabi ko sayo hanggang dito ka na lang! Hindi na ka ulit makakaisa!" Umiiyak na sigaw niya sa akin habang nasa stretcher siya. Nasa paligid niya kaming lima.










"Babe. Calm down. Wag ka ng masyadong umiyak." Pakiusap ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama. As in masama.










"Wag umiyak?! Ikaw kaya dito! Alam mo ba kung gaano kasakit to? Gago!" Sigaw pa niya. Narinig ko ang tawanan ng apat na kaibigan namin. Sinamaan ko din sila ng tingin. Nung nasa delivery room na ay hindi na ako pinayagan ng Doctor na pumasok sa loob. Nasa labas lang kami at ako ay parang aatakihin sa puso dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Lord, gabayan niyo po ang mag ina ko. Lihim na dasal ko.










"Easy lang. Kaya ni Maine yan." Tinapik ni Nadz ang balikat ko. Nginitian ko naman siya. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. Hindi pa din maalis ang kaba sa dibdib ko dahil eto ang unang beses na kasama ako ni Maine sa panganganak. Hindi ko kasi nakita nung si Charmaine. Malamang mas nahirapan siya dun kasi panganay namin yun.










Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng iyak ng isang bata. Agad na tumalon ang puso ko. "Anak ko yun!" Masayang anunsyo ko. Kahit na hindi ko nakita. Alam kong anak ko yun. Salamat sa Diyos. Ligtas ang mag ina ko. Palakad lakad ako at hindi mapakali. Ang tagal naman. Gusto ko na silang makita.










Kalahating oras pa ang lumipas at lumabas na ang Doctor. Tinutulak ng mga nurse si Maine dahil ililipat na siya sa private room. Tulog na tulog ang mahal ko. Bakas sa kanya ang pagod. Nung mailipat na siya sa kwarto niya ay agad akong tumabi sa kanya at hinalikan siya sa noo. Naalimpungatan siya at nakangiting tinignan ako.









"Miss Maine. Eto na po ang baby niyo. Congratulations. Its a Boy!" Masayang sabi ng nurse. Ako ang unang lumapit. Hindi ko mapigilan ang umiyak ng kargahin ko ang anak ko. Ganito pala yung pakiramdam. Ang saya saya ko. Sobrang saya.








"Hi little Buddy. Its me, your Daddy." Garalgal ang boses ko. Lumapit ako kay Maine na nakangiti sa akin. Umupo ako sa tabi niya habang karga pa din ang pangalawa naming anak.










"Ang saya saya ko Babe. Ang cute cute ni baby. Kamukhang kamukha ko. I'm sorry wala ako sa tabi mo nung nanganak ka kay Charmaine. Sorry Babe. Pinabayaan ko kayo." Naiiyak na talaga ako at hindi ko na pinigilan ang mga luhang kumawala sa mata ko.









"Ssshh. Tapos na yun. Ang mahalaga, masaya na tayo ngayon. Dalawa na ang anak natin. Wala na akong mahihiling pa." Naluluha din na tugon niya. Niyakap niya ako sa may leeg at tumagilid naman ako para mahalikan siya.










"Thank you, Babe. For carrying my children. For accepting me. I love you." Masuyong sabi ko sa kanya.










"Thank you too. I am truly honored to be the mother of your children. I love you too." And then we kissed again.








******

A/N: Sabaw na update. Hay! Pero thank you sa mga new followers ko. Mga 2 chapters or more na lang matatapos na to. May nakapending ng bago so sana suportahan niyo po. Maraming salamat sa mga bagong babies ko! From 250 to 431 followers! Sobrang saya ko grabe. Ayun! Vote and comment please. Yung nakakataba ng puso na comment. Hehe! I love you babies! -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon