Forty Eight

2.5K 111 4
                                    

Maine's POV







May schedule kami ngayon sa OB Gyne. Kaya naman nag aayos na kami ni Alden. Pagkatapos daw kasi nun ay dederetso kami sa bahay nila sa Laguna para opisyal na ipaalam sa pamilya niya ang pagbubuntis ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng excitement. Magiging Mommy na ako. Nagbunga ang pagmamahalan namin ni Alden. Alam kong madami pa kaming kailangan ayusin. Gusto na niyang magpakasal kami pero nag iisip pa ako kung papayag na ba ako o hindi. Ang kulit niya kasi talaga.







Humapdi na naman ang sikmura ko kaya dali dali akong pumasok ng banyo. "Babe, what the--" Dinig ko pa na sabi ni Alden. Siguro kung hindi lang ako naduduwal ngayon ay baka humagalpak na ako ng tawa. Nasa CR pala kasi siya at naliligo. Nakalimutan niya yatang isara yung pintuan. Kulang na lang ay halikan ko yung lababo e. Naramdaman ko ang paghagod ni Alden sa likuran ko pero mas lalo yata akong nahilo sa amoy ng sabon niya.






"Alden, umalis ka nga muna sa tabi ko! Ang baho baho ng sabon na ginamit mo!" Hindi ko mapigilan ang inis ko. Bahagya naman siyang lumayo. Agad akong lumabas ng banyo at humiga na muna sa kama. Grabe. Ang hirap pala ng naglilihi. Nakakapanlambot. Nakahiga ako at nakapikit dahil parang naikot yung paningin ko tapos para akong nauupos na kandila. Alam ko din na lumabas na si Alden sa CR kasi narinig ko yung paglakad niya.







"Babe. Tinapon ko na po yung sabon na ayaw mo. Pati pabango ko hindi ko na din po gagamitin. Nagbanlaw na ako mabuti para walang matirang amoy nung bath soap na yun. Pwede na po ba akong lumapit sayo?" Pakiusap niya. Natawa ako ng konti kasi para siyang batang nakikiusap sa akin. Minulat ko ang mata ko at sinenyasan siya na tumabi sa akin. Naka shorts na din siya. Niyakap niya agad ako at hinalikan sa noo.







"Babe. May masakit ba sayo?" Bakas ang pag aalala sa salita niya pero umiling ako. Gumaan na din kahit konti ang pakiramdam ko.







"Wala po. Okay lang ako. Sige na magbihis ka na para makaalis na tayo huh?" Hinaplos ko ang pisngi niya. Tipid naman siyang ngumiti at hinalikan ang kamay ko. Nagpatuloy siya sa pagbibihis. Nagpahinga pa ako ng kaunti bago kami tuluyang umalis at pumunta sa ospital.







"You are 3 weeks pregnant, Misis. So far, healthy ka naman. Basta inumin mo lang yung mga vitamins na irereseta ko sayo. Monthly check ups and don't forget to eat on time." Masayang anunsyo ng OB. Hindi maalis ang ngiti ni Alden sa narinig niya. Confirmed na talagang buntis ako.







"Doktora, pwede ba po ba kaming---"








"Ofcourse. Pwede pa naman kayong mag sex kahit na buntis na ang asawa mo. But you need to be extra careful kasi may baby na sa loob. Wag muna kayo mag exhibitions." Gusto kong batuhin ng unan si Alden! Napakamanyak talaga! Hindi ko tuloy napigilan ang pamulahan ng mukha dahil da sinabing yun ni Doktora. Si Alden naman ay ngingiti ngiti.






"Thank you for the info, Dra. Pero ang itatanong ko po sana ay kung pwede kaming magbyahe byahe pa. Baka kasi hindi adviseable dahil sa pregnancy niya. And again, thank you for the tips. I'll keep that in mind." Mas lalo yata akong nahiya sa sinagot niya. Kitang kita ko ang pagtawa ni Dra. Hay! Anak, napakaloko ng ama mo!







"Pasensya na Hijo. Sanay kasi ako na ganyan ang tinatanong sa akin ng mga nagpapacheck up dito. Lalo na ang mga kaedad niyo. Pwede pa naman kayong magbyahe basta doble ingat lang. And please, wag yung mga out of town and long drive. Lalo na ang stress. Yan ang unang iwasan niyo. Lalo ka na Misis." Nakangiting sabi ni Dra. Matapos niyang ibigay ang mga vitamins na kailangan kong inumin ay nagpasalamat na kami sa kanya at umalis. Naging mabilis ang byahe namin ni Alden papuntang Laguna. Hindi maalis ang ngiti ng loko. Masaya naman ako kasi napasaya ko siya. Mabibigyan ko siya ng anak. Dahan dahan ang naging pagmamaneho niya baka daw kasi matagtag ako. Pati paglalagay ng seatbelt ay maingat din siya.






"Mommy!" Masayang bati ni Alden kay Tita. Alam nilang darating kami kaya naman nakaabang na agad sila ni Tito sa labas. Maganda ang ngiti nila ng salubungin nila kami. Niyakap pa nila ako. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil tanggap na tanggap na nila talaga ako.







"Mga anak! Ang tagal niyo naman. So, ano ng balita?" Excited na tanong ni Tito. Tumingin ako kay Alden.







"She's 3 weeks pregnant po." Masayang anunsyo ni Alden. At tulad ng inaasahan namin ay hindi din maipinta ang kasiyahan ng mga magulang niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nasaan na ang tunay na mga magulang ko. Hinahanap kaya nila ako? Ano na kayang nangyayari sa kanila. Naisip ko din si Tatay Leo. Alam kong masaya siya sa nangyayari sa akin ngayon at nandyan siya para gabayan ako.






Pumasok na kami sa loob at masayang kumain. "Maine, anak. Baka may gusto ka huh? Wag ka mahihiyang magsabi. Kahit na sa London pa yan o saang parte ng mundo pupuntahan namin para maibili ka." Masayang sabi ng Daddy ni Alden.







"Okay na po ako Tito." Sagot ko habang nilalantakan ko yung mga prutas.







"Oh please cut the 'Tito' & 'Tita'. You can call us Mommy and Daddy. Parte ka ng pamilyang ito." Hinawakan ni Tita ang kamay ko. Gusto kong maiyak! Ganito ba talaga pag buntis? Napakababaw ng emotions. Masyadong sensitive. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.






"Mom. You're making my girlfriend cry." Nag aalalang sabi ni Alden sa Mommy niya sabay pinunasan ang luha ko. Ngumiti naman ako at sinabing okay lang ako.







"Relax son. Ganyan talaga pag buntis. Sensitive masyado. Biglang iiyak kahit na wala namang dahilan. Kaya dapat maging handa ka na."  Biro ni Dad. Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Si Bianca ay medyo late dumating. Katulad nila, masayang masaya din siyang malaman na buntis na ako.






Nahagip ng mata ko ang isang puno ng makopa. Parang nangislap ang mata ko ng makita ko yun. "Babe." Malambing na tawag ko kay Alden.







"Yes Babe?" Malambing din na sagot niya. Nakangiti  pa siya sa akin ng ubod ng tamis. Ewan ko lang kung makangiti ka pag sinabi ko na ang gusto ko.







Lumapit ako sa kanya at ipinulupot ko ang kamay ko sa may leeg niya. "Gusto ko ng makopa." Bulong ko sa kanya.







"Sure Babe. Sandali at bibili ako." Akmang aalis siya pero hindi ko siya hinayaan. Nagtataka siyang napatingin sa akin. Nagtatanong ang mata niya. Hindi ako nagsalita at dahan dahang nilingon ang puno na nakita ko. Alam kong napatingin din siya sa gawing yun. Bumaling ulit ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na matamis na ngiti.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon