Fifty Eight (2 Years Later)

2.5K 92 8
                                    

Maine's POV







"Hay! Its good to be back!" Hindi ko napigilan ang mapangiti. Nandito na kami ng anak ko sa Pilipinas. Last year, I gave birth to a beautiful child. Her name is Charmaine. Turning 2 years na siya months from now. Ang bilis nga ng panahon e. Parang kailan lang.







Madaming nanggyari sa nakalipas na dalawang taon. Sinama ako ni Kristoffer sa States. Binigyan niya ako ng panibagong pagkakataon para mabuhay. Hindi ko alam kung paano niya ginawa. Basta isang linggo lang ang lumipas simula ng umalis ako sa condo ni Alden ay naayos niya agad ang mga papel ko para makapunta dito sa New York. Mabait din sa akin ang parents niya. Hindi nila ako tinuring na iba. Matapos kong makapanganak ay nagpahinga lang ako ng kaunti. Kumuha ako ng 6 months course dito at nakapagtrabaho ako sa company nila Kristoffer.







Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Wala kaming relasyon pero magkasama naming pinalaki si Charmaine. Hindi nila ako pinabayaan kahit minsan. At ang maliit na bahay na ito ang isa sa mga naging bunga ng pagtatrabaho ko dun. Kasabay nun ay nakapagpatayo din ako ng maliit na restaurant. Sa awa naman ng Diyos ay stable naman ang negosyo ko. Hay! Kailangan ko lang talagang umuwi dahil ikakasal ang bruhang Nadine kay James. Hindi ko nga akalain na magkakatuluyan sila e. Si Kath at DJ naman ay masaya pa din daw na nagsasama. Pero hindi pa din nabubuntis si Kath.







"Oo nga. At kanina ka pa nakangiti dyan. Kamusta na yung restaurant mo?" Bati sa akin ni Kristoffer. Karga niya kasi si Charmaine. Panatag ang loob sa kanya ng anak ko. Dada ang tawag sa kanya ni Charmaine e.






"Okay naman. Kristoffer, maraming salamat talaga sa lahat ng tulong mo. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sayo. Sa inyo nila Mama Helen at Papa Vicente." Hinawakan ko siya sa braso tsaka siya ngumiti sa akin. Kinuha ko si Charmaine mula sa kanya at kinarga ko ang anak ko. Ang anak kong hindi maikakailang anak ni Alden. Everything about her reminds me of her Father. Kamukhang kamukha siya ni Alden.







"Meng!!!" Napalingon ako sa mga nagsalita. Si Kath at Nadz. Mabilis ko silang sinalubong ng yakap. Miss na miss ko na sila. Dalawang taon din yun ah!







"Huy! Wag nga kayong masyadong maingay. Yung anak ko baka magulat." Hindi ko mapigilan ang maiyak. Talagang miss na miss ko sila. Nagyakapan lang kami at nilaro laro na nila si Charmaine. Halatang nag eenjoy ang anak ko sa mga future Ninang niya.







"Ready ka na mamaya?" Tanong sa akin ni Kath. Napaisip ako bigla. May dinner nga pala kami mamaya sa bahay nila Nadz. At sigurado ako na nandun silang lahat. Ngumiti ako kay Kath.







"Oo naman. Dalawang taon na yun Kath. Madami ng nagbago. Hindi na ako katulad ng dati na iiyak na lang sa isang tabi. Iba na ako ngayon. And besides, Charmaine is all I need right now. Siya na lang ang buhay ko e." Ngumiti ako sa kawalan at pilit na inaalis sa isip ko ang panget kong nakaraan. Hinawakan ako ni Kath sa braso.







"What about Charmaine? Are you going to introduce her to Alden?" Tanong niya sa akin. Mariin akong umiling. Isa yan sa hindi ko hahayaang mangyari.







"Hell no! Oo, malaya niyang makikita si Charmaine pero wag siyang umasa na ipakikilala ko siya bilang ama. Dahil minsan na niyang tinaboy si Charmaine. At hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun." Matatag na sabi ko sa kanya. Hindi umimik si Kath. "Tara na. Magready na tayo baka ma late tayo sa dinner mamaya."









"Maine, naiintindihan kita. Alam kong galit ka sa kanya. Pero hindi naman tama na ipagkaila mong anak niya si Charmaine. Hindi natin maitatanggi e." Pakiusap sa akin ni Kath. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at unti unti kong naalala ang bawat masasakit na salitang binitawan niya. Dalawang taon na ang nakakalipas.








"Hindi. Pagkatapos niya akong pagdududahan noon? Hindi na ako ganun katanga, Kath. Madami ng nagbago simula nung araw na yun." Matigas kong sagot sa kanya. Hindi na siya nakipagtalo pa at tumango na lang. Hinawakan niya ang braso ko at tipid na ngumiti.












Alden's POV









"Nandyan na daw sila sa baba." Napabalik ako sa realidad ng magsalita si James. May dinner kasi kami ngayon sa bahay nila Nadz. Natutuwa akong malaman na ikakasal na sila. Masyadong madaming away muna ang nangyari sa kanila tapos sa kasalan din pala ang ending nila.









Nagsimula na akong kabahan. Andyan na si Maine. Dalawang taon ang nakalipas. Pero hanggang ngayon ay paulit ulit pa din akong binabagabag ng konsensya ko. Masyado ko siyang nasaktan. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pag nakita ko siya ngayo. Galit pa kaya siya sa akin? Sa loob ng dalawang taon na yun ay hindi ako tumigil na hanapin siya pero ang galing talaga niya magtago.








"Hi Kath!" Bungad ni Nadz kay Kathryn. Kasunod niya si DJ. Hinanap agad ng tingin ko si Maine pero hindi ko siya makita. Lumapit sa akin si Kath at bumeso naman ako sa kanya.









"Hello! Sorry late kami ng konti. Pero andito na kami kaya wag ka ng magtangkang sumbatan kami, Nadine!" Asar ni Kath sa kanya. Natawa naman siya. At biglang pumasok ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Parang gustong malaglag ng panga ko sa nakita ko! Ibang iba na siya. Ang pananamit niya, yung aura niya. Hindi na siya kasing simple katulad noon.









"Sorry. Kausap ko kasi si Kristoffer. Hi!" Masayang bati niya sa lahat. Nauna niyang nilapitan si Nadz. Kasunod si James. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko. Ibang iba na siya. Ang lapad lapad ng ngiti niya.









"Kristoffer pa din? Naku talaga. Anyway, nasaan ang inaanak kong maganda?" Tanong ni Nadz. Kumalabog ang dibdib ko. Yung anak namin. Anak namin na pinagdudahan ko kung sa akin ba talaga.









"Nasa bahay. Alam mo namang sensitive ang baby ko. Kaya sa susunod ko na lang siya isasama." Sagot niya sa kaibigan niya at biglang tumingin siya sa akin. May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib ko. After 2 years. Our eyes meet again. And it still has the same effect on me.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon