Forty Six

2.6K 117 8
                                    

Maine's POV













Nasa bahay na kami ngayon. Medyo natagalan kasi bago ko siya nakumbinsi na wag na lang pansinin si Louise. Alam kong babalikan niya ang babaeng yun pero hindi ko siya hahayaan. Ako ang dapat humarap kay Louise dahil sa akin siya galit. Nararamdaman ko, hindi siya titigil hanggat hindi niya kami nawawasak ni Alden.












Nauna siyang humiga sa kama. Ako kasi ay naglinis muna ng katawan. Kailangan ko pang gamutin tong sugat ko sa noo para hindi magkapeklat. Buti na lang hindi masyadong malakas yung pagkakabato niya sa akin. Kinabahan din ako dun. Pinagmasdan ko si Alden. Nakahiga siya at nakaunan sa dalawang kamay niya tapos nakatingin sa kisame. Ang lalim ng iniisip niya.













"Gabi na. Tulog na tayo." Sabi ko sa kanya. Hindi pa din siya naimik. Pinatay ko na ang ilaw at humiga na sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong natakbo sa isip niya ngayon. Ayoko naman siyang tanungin kasi baka makulitan siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya at pinikit na ang mata ko.












"Babe." Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin. Dikit na dikit yung katawan niya sa akin kaya ramdam ko ang bawat paghinga niya. Nakasubsob siya sa may leeg ko.













"Oh? Tutulog na tayo diba?" Patay malisya na tanong ko sa kanya kahit na sa totoo lang nagtatayuan lahat ng balahibo ko sa ginagawa niya. Mas siniksik niya pa ang sarili niya sa akin. Hindi siya nagsasalita. Basta nakayakap lang siya sa akin.







Kanina, nung umiyak siya. Dun ko napatunayan na mahal talaga niya ako. He really has a soft side pagdating sa akin. Binuksan ko ang lamp shade at umayos ako ng higa. Sumalubong sa akin ang mga titig niya. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Wag mo na kasing isipin yun. Hayaan mo na. Tapos na yun. Okay?" Malambing na sabi ko sa kanya. And I'm hoping na sana gumaan na ang pakiramdam niya.









"Naiinis lang ako sa sarili ko Babe. Kasi nasaktan ka niya e. Hindi dapat. Hindi kita naprotektahan man lang sa kanya." Nagsimula na naman gumaralgal ang boses niya.









"Babe. Tama na okay? Tama na. Hayaan na natin." Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinilit niyang ngumiti sa akin. Umayos kami ng higa. Nakaunan ako sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa bewang ko. Unti unti na kaming nakatulog.









Napabalikwas ako ng bangon dahil parang may kung anong maasim sa sikmura ko. Si Alden ay nakayakap pa din sa akin pero mahimbing ng natutulog. Dali dali akong tumakbo papuntang CR. And I throw up. Ang sakit talaga ng sikmura ko. Siguro kasi dahil hindi ako kumain kahapon. Nalipasan ako ng gutom kaya ganito. Pagkatapos kong mag throw up ay bigla namang kumalam ang sikmura ko. Dahil sa gutom. Hindi din naman ako makakatulog nito kaya naman lumabas ako sa may kitchen at naghanap ng makakain.








"Babe. Bakit gising ka pa?" Napatingin ako kay Alden na medyo nakapikit pa ang mata. Lumapit siya sa akin at inalok ko siya ng kinakain kong Ice cream. Bahagya naman siyang umiling.








"Tulog ka na dun. Tatapusin ko lang to. Nagutom kasi ako." Pagtataboy ko sa kanya.








"Sige. Sunod ka na agad ah?" Tumango ako sa kanya at madali kong tinapos ang kinakain ko. Kanina ang bigat ng pakiramdam ko pero ngayon ay magaan na. Nakangiti akong natulog dahil ang saya saya kong nakain yung Ice cream na yun.












Alden's POV








Nasa opisina na ako. Magaan na ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Naiinis pa din ako pag naiisip ko na sinaktan ni Louise ang girlfriend ko pero sabi ng ni Maine, hayaan ko na lang. Nagtatrabaho ako ng biglang dumating si James at DJ. Medyo matagal na din simula nung huli nila akong binisita.







"Dre, its been a while. Kamusta na?" Bati sa akin ni DJ. Hindi maipinta ang ngiti ng gago. May maganda sigurong nangyari sa kanya. Nakipag manly hug ako sa kanila. Namiss ko tong dalawang to e.








"Oo nga e. May sapot na yata ng gagamba yung unit niyong dalawa. Ang tagal niyo ng hindi nauwi dun. Anong balita sa inyo?" Pagbibiro ko sa kanila. Sumilay na naman ang ngiti sa labi ni DJ at parang nandidiri namang tinignan siya ni James.








"Uuwi na ako dun mamaya. Kasama si Kath. Dreeee! She agreed to live with me!" Masayang balita ni DJ. Napangiwi na naman si James.








"Talaga?! Wow. Iba ka talaga!" Biro ko pa kay DJ.








"Tss. Idol ka kasi talaga niya kaya ginaya niya kayo ni Maine." Nakaismid na sabi ni James. Binato ko naman siya ng nakacrumple na scratch paper sa mesa ko. Tinamaan siya sa mukha.








"Bitter ka! The truth will set you free James. Hindi mo naman kailangan yayain makipag live in agad si Nadz sayo. Ligawan mo ng maayos." Asar ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.








"Wala akong pakialam sa kanya! Tss. Masaya ako para sa inyo dahil finally, may nakapagpatino na sa inyong dalawa. Pero sa akin hindi! I don't fuckin care about that girl. After all, she has a boyfriend!" Napanganga kami ni DJ sa sinabi ni James. Kasi ang dilim dilim ng mukha niya habang sinasabi niya sa amin yun.








"Really huh? E bakit parang selos na selos ka habang sinasabi mo yan." Tatawa tawang sabi ni DJ. Inis na nag walk out si James pero pagbukas niya ng pinto ay nahagip agad ng mata ko si Maine na nakahawak sa may cubicle niya at parang nanghihina. Nakita din siguro ni James kasi tumingin siya sa akin.








Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Dalawang hakbang lang yata ang ginawa ko para makarating agad ako sa kanya. "Babe? Anong nangyayari sayo?" Hinawakan ko ang noo niya pero ang lamig ng pawis niya.








"Alden. Okay lang ako. Nahilo lang ako bigla. Sige na. Kaya ko na." Pinilit niyang umupo mag isa pero hindi ko siya hinayaan. Sila Ate Pia at Yassi naman ay nakaalalay sa may bandang likuran ni Maine. Kinapa ko ulit ang noo niya at talagang malamig ang pawis niya tapos namumutla ang labi niya. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa kinauupuan niya ay bigla siyang tumayo. Nakahawak siya sa puson niya at yung isang kamay niya ay nasa bibig niya. Naiwan akong nakatingin lang hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.








"Alden, dalhin mo na siya sa ospital. Because she has the signs." Napatingin ako sa sinabing yun ni Ate Pia.









"Signs of what Ate?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba yung sinasabi niyang signs. Literally, I have no idea.








"Signs of being pregnant." Sagot niya at napabuka ang bibig ko sa sinabi niyang yun.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon