Forty Two

2.6K 114 7
                                    

Maine's POV









Nasa opisina na kami ngayon. Naging masaya ang mga sumunod na araw ng bakasyon namin dun. Hindi na nasundan yung away namin ni Alden. Kaya puro masaya na ang kasunod. Kailangan namin magbalik trabaho dahil nakatambak na sigurado ang mga papel na for signature ni Alden. Nangako naman siya na uulitin namin yun.








Madami din akong ginagawa ngayon kaya naman hindi ko na napansin yung oras. Simula nung sinabi sa ni Alden ang relasyon namin ay hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Kasi simula pa lang mababait na sila lahat sa akin. Magkasama pa nga namin inabot ni Alden yung mga pasalubong namin sa kanila.








Lumipas ang maghapon at naghahanda na ako sa pag uwi. "Wag ka ng magpaganda. Maganda ka na kasi sa paningin ko." Biglang sumulpot ang gwapo kong boyfriend sa cubicle ko. Kumindat pa siya sa akin at nakita ko ang pag ngiti ni Ate Pia. Halatang kinikilig e.








"Mauna na kami Ate Pia. Ingat po pag uwi." Yumakap ako sa kanya at ganun din si Alden. Nasa sasakyan na kami at mabilis namin narating ang bahay niya. Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa unit niya at ganun na lang ang gulat ni Alden ng makita niya kung sino ang nasa loob ng condo niya.








"Dad. Mom?" Gulat na sabi niya. Naabutan kasi namin ang parents niya na nakaupo sa sala. Kasama si Bianca. Sinalubong agad kami ni Bianca. Niyakap niya ako pati na din ang Kuya niya.








"Hi anak! I missed you." Lumapit sa amin ang Mommy niya. Ang ganda niya lang. Para siyang dalaga. Niyakap niya si Alden. "Kanina pa namin kayo hinihintay e. Hindi na kami nagsabi na dadaan kami."








"Okay lang po. I missed you too, Mommy." Hinalikan niya ang Mommy niya. Ako naman ay nasa tabi lang niya. Hindi ko alam kung magsasalita ako o ano. Baka kasi hindi nila ako gusto e. "Ma, si Maine po. Girlfriend ko." Pakilala sa akin ni Alden at hindi ko maiwasan ang kabahan.









"Hi! Naku matagal ko ng gustong makilala ka. It's so nice to finally meet you anak. Ang ganda ganda mo naman." Bigla akong niyakap ng Mommy niya. Nag aalangan ako pero yumakap din ako pabalik sa kanya. Ayoko naman kasi isipin niya na feeling close agad ako sa kanya. Napadako ang tingin ko sa Daddy ni Alden na seryosong nakatingin sa akin.








"Dad." Lumapit si Alden sa kanya at nagmano. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila ng Daddy niya pero ramdam ko na hindi sila magkasundo. At base sa tingin sa akin ng Daddy niya. Alam kong hindi siya masaya na makita ako. Bumalik si Alden sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa Daddy niya. Ramdam ni Alden ang panlalamig ng kamay ko.








"Dad. Si Maine po. Girlfriend ko." Pakilala ni Alden. Nakatingin sa akin ang Tatay niya at parang binabasa ang pagkatao ko. Nakakailang na sa totoo lang. Yumuko ako para mag bless sa kanya. Binigay naman niya ang kamay niya.









"Magandang gabi po, Sir." Magalang na bati ko kahit na nahihiya ako. Tumango lang siya. Ang Mommy naman ni Alden ay lumapit din sa amin. "Gusto niyo po ng coffee?" Magalang ulit na tanong ko pero umiling siya.









"Hindi na. Salamat na lang. Maupo muna kayo." May pagka bossy ang Daddy niya. Sa kanya ako kinakabahan sa totoo lang. Sumunod kami ni Alden sa sinabi niya. Umupo ako sa tabi ni Alden. Si Bianca ay nagpaalam na papasok na sa kwarto niya.








"So, saan kayo nagkakilala?" Tanong ng Daddy niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasabihin ko ba na sa bar kami nagkakilala at tinulungan ako ng anak niya tapos pinatuloy ako dito sa bahay niya.









"Wait-- waitress po ako. Doon po ka-kami nagkakilala." Nahihiya ako pero kailangan kong maging totoo sa mga isasagot ko sa kanya. Hinawakan ni Alden ang kamay ko na kanina pa yata nagtutubig at nanlalamig dahil sa kaba na nararamdaman ko.









"I see. I have nothing against you. I like your attitude. Honest ka. I took a background check and it turns out to be na mapagkakatiwalaan ka. I know everything about you and my son. And I want to thank you kasi naging matured ang anak ko dahil sayo. Naging responsable siya sa lahat ng bagay. Maayos niyang nagagawa ang trabaho niya. You inspired him. So, thank you for that." Halos mapanganga kami pareho ni Alden sa sinabi niya. Pati na din ang Mommy niya. Nilingon ko si Alden na nakaawang ang labi at parang hindi makapaniwala sa narinig niya.









At sa unang pagkakataon ay ngumiti ang Daddy niya. Tumayo ito mula sa kinauupan niya at niyakap ako. "Thank you, Sir."









"No, let me thank you. Because you shaped my son into a man who he is today. You may call me Tito. Kung gusto mo lang naman." Pagbibiro niya. Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niyang yun. Kanina, nung nakita ko siya akala ko ay ayaw niya sa akin. Bumaling ako kay Alden na nakatingin lang sa amin.








Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Gusto kong magkaayos sila ng Daddy niya. Kahit hindi naman niya sabihin alam kong may hinanakit siya. Kahit na nag aalangan ay kinuha niya ang kamay ko. Magkaharap na sila ng Daddy niya ngayon. Umalis ako sa harapan nila sandali at binigyan sila ng space.








"Alam kong masama ang loob mo sa akin anak. Baka nga iniisip mo na paglalayuin ko kayo Maine. But things are different now. Naging controlling man ako noon, nung nakita ko yung improvement mo. Dun ko naisip na I should treat you the way you deserved to be treated. Nagagalit lang naman ako sayo noon dahil puro sakit ng ulo ang dala mo. Puro mali mo ang nakikita ko noon. Pero hindi ko naisip na baka kaya ka nagkakaganun kasi dahil na din sa akin. Wala akong oras sa inyo ng kapatid mo. Sa kagustuhan kong mabigyan kayo ng maganda at maginhawang buhay, nakalimutan ko ng maging isang ama sa inyo. Sorry anak. I'm sorry." Bakas ang pagpipigil ng iyak sa boses ng Daddy niya. Si Alden naman ay nakayuko lang at halatang naiyak na. Para siyang bata sa itsura niya ngayon.








Kami ni Tita ay nakatingin lang sa kanila. Napaiyak ako bigla ng makita kong naiyak si Tita. Hinagod ko naman ang likod niya. Si Bianca ay nakadungaw sa pintuan niya. Katulad namin, naluluha din siya pero nakangiti.








"Daddy." And the Alden hugged his Dad. Humagulgol siya ng iyak sa bisig ng tatay niya. And that is a very touching scene to watch.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon