Alden's POV
Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong masama ang loob sa akin ni Maine dahil hindi ako nakapagsabi sa kanya na gagabihin ako ng uwi. Hinabol ko na lang siya ng tingin habang naglalakad pabalik sa kwarto namin. Kawawa naman ang mahal ko. Nauhaw ako kaya pumunta ako sa kusina.
Napatingin ako sa bowl na nakatakip. Agad kong binuksan yun at nakita ko ang paborito kong adobo sa gata na may patatas. Nagluto siya. Tapos hindi man lang ako nakauwi. Kaya naman pala sumama ang loob ng minamahal ko. Gusto kong yakapin siya ng mahigpit at humingi ng sorry sa kanya. Naguilty ako bigla.
Pumasok ako sa kwarto pero hindi muna ako lumapit sa kanya. Naligo na muna ako. Tumabi ako sa kanya at hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Ipinatong ko ang baba ko sa may balikat niya. "Alam ko hindi ka pa tulog. Nakita ko yung niluto mo sa ref. Sayang. Pero bukas kakainin ko yun. Sorry na Babe. Hindi ko naman sinasadya po. Sorry na." Mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. Pero nananatili siyang nakapikit at hindi man lang gumagalaw.
"Sorry na please? Mommy Babe? Wag ka na po magtampo. Hindi ko na uulitin. Sorry na. Ayaw ni Baby Babe na nag aaway tayo oh." Panlalambing ko pa sa kanya. Bahagya siyang gumalaw. At hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa kanya.
"Okay na. Sige na matulog ka na. Hindi na ako galit." Hinaplos niya ang kamay ko at hinawakan yun ng mahigpit. Pero hindi pa din ako naalis sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Kiss ko? Hindi mo ko kiniss e. Hindi ako makakatulog nito Mommy Babe." Lambing ko pa sa kanya. Humarap siya sa akin. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko. Inirapan niya ako at mabilis na tinalikuran ako. "Babe!"
"Che! Wala kang kiss hanggang bukas dahil nabadtrip ako sayo! Bahala ka na dyan at matulog ka na!" Napanganga ako sa sinabi niyang yun. Niyakap ko pa siya ulit at umaasang magbabago pa ang isip niya pero mukhang wala talaga siyang balak pansinin ako. Kaya naman kahit na masama ang loob ko ay pinilit ko na lang matulog. After all, hindi ko nga pala pwedeng kontrahin si buntis.
Maine's POV
Nasa grocery ako ngayon. Medyo sinumpong kasi ako ng katamaran kaya hindi na lang muna ako pumasok. Wala ka kaming stock ng pagkain sa bahay kaya napagisipan kong mag grocery na lang. Ayokong magutom si Alden. At the same time, ayoko din naman basta na lang gastusin ang pera niya kaya nagbabudget talaga ako.
Maingat akong naglalakad at nag eenjoy ako sa mga nakikita ko. Dati kasi halos hanapin ko yung pinakamurang presyo para lang makabili. Abala ako sa pag iikot ng biglang may bumangga sa akin. Buti na lang at hindi masyadong malakas. Inis kong nilingon ang bwiset na yun.
"Maine?" Nalaglag yata ang panga ko sa nakita ko. Damn! Si Kristoffer! Hindi agad ako nakapagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. Baka kasi namamalikmata lang ako. Pero hindi e. Kilala ko ang mukhang to. Nakangiti siya sa akin. Napabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
"Hoy! Nakanganga ka na dyan. Kamusta ka na?! What? Its been 6 years?" Nakangiti pa din siya sa akin. Ako naman ay medyo bumuntong hininga muna.
"Ginulat mo naman ako e. Ayan tuloy. Ayun, okay naman ako. Oo, 6 years na yata ang nakalipas. Hindi ko na matandaan din e. Kamusta? Diba nasa abroad ka?" Ganting bati ko sa kanya. Hindi pa din siya nagbabago. Maganda pa din ang pangangatawan niya. Hindi na kasing payat tulad ng dati. Moreno pa din ang kulay niya at makapal ang kilay. Biglang napababa ang tingin niya sa tyan ko na kasalukuyang hawak ko.
"Are you...?"
"Oh, yes. I'm pregnant. 4 months na." Nakangiting tugon ko sa kanya. Siya naman ngayon ang nabigla. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa sa naging reaksyon niya. "Ano bang nakakagulat dun? Wala ba kong karapatan mabuntis?" Pagbibiro ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"Wala akong sinabing ganun. Tara nga kumain tayo. We need to catch up. Ang tagal nating hindi nagkita." Para siyang boss na nag utos sa alalay niya. Still the same Kristoffer. Natawa na lang ako sa kanya. Tinapos namin ang pagpili ng mga kailangan ko at nagbayad na sa cashier. Hindi ako pumayag na siya ang magbayad. Nakakahiya. Lumabas na kami at binilinan ko na lang si Mang Jimmy na sundan kami. Pinakilala ko din si Kristoffer.
Nakarating kami sa isang Italian Restaurant. "So, ano na? Kwento ka naman dyan." Bungad niya sa akin. Tumikim muna ako ng ng carbonara na nasa harapan ko.
"As you can see. Eto, buntis na." Tipid na kwento ko sa kanya. Hindi ko mabasa ang naglalaro sa isip niya ngayon. Masyadong seryoso ang mukha niya. Kaya nakakaramdam na ako ng pagkailang.
"To be honest, Maine. Hindi ko akalain na ganito kita makikita dito sa Pilipinas. Nasabi na ba sayo ni Kath at Nadz na ikaw ang una kong hahanapin pagbalik ko? Nawalan kasi ako ng time nung nasa States ako. Masyado akong naging abala sa career ko dun kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makamusta ka man lang. Akala ko kasi pwede pa e. Hindi na pala. Pinanghawakan ko yung kasal kasalan natin nung highschool tayo." May bahid ng lungkot ang tono ng pananalita niya kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"But I guess I failed. Sayang. Pero okay lang. Basta masaya ka. Okay na sa akin." Pinilit niyang ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.
"Kristoffer, I'm sorry. Masaya na kasi ako ngayon kay Alden. Sobra. Hindi niya ako pinapabayaan. I'm sure makakahanap ka din ng babaeng mamahalin ka." Pinilit kong ngumiti kaya ganun din ang ginawa niya. Hinawakan niya din ang kamay ko.
"Masaya akong marinig yun. Sinabi ko lang sayo yung nararamdaman ko. At parang nabunutan ako ng tinik. So, friends?" Ngumiti siya sa akin at masaya akong tumango. Pinagpatuloy namin ang pagkukwentuhan hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...