Nine

2.2K 97 5
                                    

Alden's POV






Matapos ng eksena namin kay Tanda ay hinatak ko na agad siya para tuluyan ng makalayo. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at takot. Si Tanda naman ay hindi na nakaimik. Alam kong masama ang pumatol sa matanda pero hindi siya kagalang galang.



"Okay ka lang?" Tanong ko pa sa kanya. Nakatulala pa din kasi ang babaeng to.



"Bakit mo ginawa yun?" Malumanay na tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at may kung anong spark akong naramdaman. Tsk. Ano bang sinasabi ko?



"Yan ba talaga ang unang sasabihin mo? Imbes na magpasalamat sa akin?" Tanong ko sa kanya. Para naman siyang napahiya at yumuko na lang.




"Sa--salamat... Err... Ano nga ulit pangalan mo?" Nahihiyang tanong niya. Ganun ba talaga ako kawalang kwenta sa kanya para pati pangalan ko ay hindi niya alamin?




"Richard Faulkerson Jr., Alden na lang. Yun ang nickname ko. Nice to meet you, Maine." Nagulat pa siya dahil alam ko ang pangalan niya.




"Alden." Ulit pa niya at para namang musika sa pandinig ko yung pagkakabitaw niya ng pangalan ko. Simple lang pero may dating sa akin.



"Yes. Hindi mo talaga inalam ang pangalan ko huh?" Biro ko sa kanya pero tipid siyang ngumiti. Cold ba talaga ang personality niya? Ang dami kong tanong.




"E bakit ko naman aalamin yung pangalan mo? Anyway, salamat sa pagliligtas sa akin." May bahid pa din ng kasungitan ang pagkakasabi niya. Kakaiba talaga siya.




"Nailigtas kita dun. Kung hindi ako dumating ay baka kinaladkad ka na ng matandang yun. Siguro naman bayad na ako sa utang kong panghahalik sayo." Lakas loob na tanong ko sa kanya. At ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na kinakabahan ako sa kanya!





"Pasensya ka na din sa nagawa ko. Hindi naman kasi ako sanay sa ganun. Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. Uwi na ako." Tipid siyang ngumiti at umalis na sa harapan ko. Hindi man lang ako hinintay sumagot. Siya na yata ang pinaka cold na babaeng nakilala ko!



Napailing na lang ako sa inasal niya. There's something in her na hindi ko maipaliwanag. Para siyang malungkot. Walang kinang ang mga mata niya.



Pero ano ba tong ginagawa ko? Bakit ako nandito? Bakit ko ba siya nililigtas? E kung tutuusin dapat ginagantihan ko siya. Hindi pinoprotektahan! Mababaliw na yata ako kakaisip. Ano bang mayroon ang babaeng ito?




Nag drive ako pauwi. Madaling araw na. Konti na lang ang itutulog ko. Pero wala akong maramdaman na pagod. Isang oras kaya akong tumunganga sa labas ng bar na yun. Nakita ko kasi na nag aabang si Tanda sa labas. Naisip ko agad na may masamang balak siya kay Maine. Gusto ko ng umalis kanina pero hindi ko naman magawa. Pinanlabanan kong pilit ang antok ko.




Nakarating ako sa condo. Madali akong naglinis ng katawan ko at tsaka natulog na. I had a long day.








Maine's POV







Isang linggo na din ang nakalipas matapos ang pagliligtas na ginawa sa akin ni Alden. Hindi ko na siya nakita pagkatapos nun. Minsan ay hindi ko maiwasan ang ikutin ng tingin ang buong bar at restaurant pero walang Alden na nalitaw. Malamang ay kaya lang niya ako sinusundan ay para maghugas kamay sa kasalanan niya sa akin.



Pero nawala na lahat ng inis ko sa kanya nung gabing niligtas niya ako. Kung wala siguro siya. Baka kung ano ng nangyari sa akin.



"Hoy! Wag ka ngang lutang dyan!" Sita sa akin ni Nadz. Nasa mall kasi kami. Sunday ngayon at nagtaon na sabay ang day off namin sa restaurant at sa bar kaya talagang bakante ang araw ng Linggo para sa amin. Or sa kanila. Wala namang bakanteng araw sa akin dahil tambak naman ang gawaing bahay ko pag Linggo.





Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon lumabas. Dahil wala si Nanay. Hindi siya umuwi. Malamang ay nasa sugalan na naman yun. O kaya nalasing at nakatulog sa kung saan.




Madilim na ng nagpasya kaming umuwi. Busog na din ako dahil kumain kami ni Nadz.




Pero pagpasok ko pa lang ng bahay namin ay nayanig na ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Nanay. Parang nakakita ako ng star sa loob ng bahay namin.




"Nay." Namanhid ang mukha ko sa pangalawang sampal na natamo ko mula sa kanya. Nasundan pa ng isa. At isa pa. At isa pa ulit. Hanggang sa hindi ko na mabilang.



"Anong oras na! Sinamantala mo bang wala ako kaya gumala ka?! Gutom na gutom ako! Wala akong madatnang pagkain! Tapos hindi ako makapag sugal dahil wala akong pera!" Gitil na gitil na sabi niya sa akin. Base sa nakikita ko ay nakainom siya.




Nangapal ang mukha ko sa sampal niya at nalasahan ko ang dugo na nanggaling sa gilid ng labi ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko sa mga mata ko.





"Nay. Sinamahan ko lang po si Nadz. Nag iwan po ako ng pagkain sa mesa." Naiiyak na sagot ko sa kanya.




"Wala! Hindi ko nakita! Ayaw mo siguro ipakain sa akin kaya tinago mo! Madamot ka lang talaga! Sinasabi ko na kasi noon pa man kay Leo na wag ka ng kuhanin e! May dala kang malas! Isa kang malas! Nagkanda peste peste ang buhay namin simula ng dumating ka! Akala mo ba masaya ako dahil kinuha ka namin?! Dagdag ka lang sa palamunin naming mag asawa noon! Tapos ngayon pinagdadamutan mo ako!" Singhal niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit. Kung yung sampal ba niya o yung mga sinabi niya.




"Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si Leo! Tutal hindi ka naman talaga kabilang sa pamilyang ito! Kaya para makabawi ka man lang sa pagpapalamon namin sayo noon, bigyan mo ako ng malaking pera! Kung kailangang ibenta mo yang katawan mo! Gawin mo!" Dinuro duro niya pa ang sentido ko. Sabog sabog na din ang buhok ko. Nung umalis na siya ay tsaka mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata. Kasabay ng paglapit ni Ingrid. Naiyak din siya at may dalang yelo.



"Ate." Umiiyak na sabi niya pero hindi ako pwedeng maging mahina sa harap ng kapatid ko. Sinikap kong ngumiti na lang sa kanya. Kahit sa totoo lang, ang sakit sakit na.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon