Forty Five

2.4K 116 3
                                    

Alden's POV











Galing ako sa mahabang meeting at talagang masakit ang ulo ko. Mabuti na lang at medyo naging maayos ang usapan namin ng kliyente. Mahirap na. Ayokong mapuna ni Daddy. Ganitong tanggap na tanggap niya ang relasyon namin ni Maine. Pabalik na ako sa office at excited na akong makita ang maganda kong girlfriend. Miss na miss ko na siya. Ang tagal na namin hindi nararamdaman ang isa't isa dahil busy ako. Lagi pa akong pagod. Kaya kailangan kong bumawi sa kanya.









Nakarating agad ako sa opisina. 5 minutes na lang ay uwian na pala. Nadaanan ko ang cubicle ni Maine pero wala siya dun at ang mga gamit niya lang ang nakita ko. Si Ate Pia ay wala din sa pwesto niya. Nagpalinga linga ako. Wala naman akong matanungan. Busy kasi sila lahat. Rush yata lahat ng shipments ngayon kaya aligaga sila. Naawa akong pinagmasdan ang mga empleyado ko. Dadagdagan ko na lang ang sahod nila.










"Yassi, nasaan si Maine tsaka si Ate Pia?" Tanong ko kay Yassi na halos halikan na yung computer niya. Napatingin siya sa akin at medyo matagal bago nagsalita.











"Sir, lumabas lang po yata saglit." Parang nagulat pa siya at naghanap ng isasagot niya sa akin. Tumango na lang ako kahit na nakakapagtaka. Pumasok ako sa opisina ko at sinandal ang ulo ko sa swivel chair. Ang hirap magtrabaho. Ngayon alam ko na lahat ng pinagdadaanan ni Daddy.










Mga ilang minuto pa ako naghintay. Wala pa din si Maine. Sumilip ako sa labas. Yung iba sa kanila ay nagliligpit na ng mga gamit nila at naghahanda na sa pag uwi. Nagpaalam pa sa akin yung ibang empleyado namin. Puro ingat lang ang sagot ko sa kanila dahil hinahanap ko kung nasaan si Maine. Nandun pa din naman ang gamit nila ni Ate Pia. Hindi na ako nakatiis at tinawagan na siya. Hindi ako sanay ng hindi ko siya nakikita sa cubicle niya. Tapos hindi ko pa alam kung saan siya nagpunta.










Ilang segundo ang lumipas at nagsimula ng mag ring ang phone niya pero napahinto ako ng may marinig akong tunog. Lumapit ako sa mesa niya at gusto ko ng mainis dahil nandun ang phone niya na tinatawagan ko. I tried calling Ate Pia pero katulad ni Maine, iniwan din niya ang phone niya. Damn! This is so frustrating.










"Naiwan po nila yan kanina Sir kasi ano po...." Parang may gusto talagang sabihin sa akin si Yassi na hindi ko maintindihan dahil ayaw niyang ituloy.











"Yassi. Saan sila nagpunta?" Pinakalma ko ang boses ko. Pagod na nga ako buong araw tapos hindi ko pa alam kung saan ko siya hahanapin. Napayuko si Yassi.











"Alden." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko nga ang babaeng pinakamamahal ko. Nasa likod niya si Ate Pia na hindi makatingin sa akin. Si Yassi naman ay nagmamadaling umalis. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at parang may tinatago. Nakayuko kasi siya. Tapos nakaharang pa yung buhok niya sa may gilid ng pisngi niya. Nagpaalam sa akin si Ate Pia at dali daling umalis kasunod ni Yassi.









"Saan ka galing?" Sinisipat kong maigi ang mukha niya kasi talagang nakayuko siya sa akin e.











"Bumili lang kami ni Ate Pia. Sorry." Sagot niya. Hindi man lang ako tinignan. Mas inuna niya pang ayusin yung nasa table niya at patayin yung computer niya. Pinagmamasdan ko lang siya. Nakatalikod talaga siya sa akin. Isa lang ang alam ko, may tinatago siya sa akin. Hindi niya nga ako nakuhang halikan e. "Halika na. Una na ko sa baba ah?" Tinalikuran niya agad ako.










Pero hinila ko siya pabalik sa akin. Ayaw niya pa din tumingin at nakayuko. "Babe. Magsalita ka. May nangyari sayo e. Bakit nakayuko ka lang? Hindi mo ko tinitignan." Hawak ko ang braso niya. Hindi pa din siya nasagot. Kanina pa ako naiirita sa buhok niya. Kaya dahan dahan ko yung hinawi pero pinigilan niya agad ang kamay ko.











"Wag Alden." Pigil niya. Pero sadyang matigas ang ulo ko. Tatanggalin ko na sana  ang kamay niyang nakahawak sa akin ng mapansin ko na parang may galos siya sa braso. Nawala ang atensyon ko sa buhok niya at nagbaba ng tingin sa braso niya. Hinawakan ko yun. Halatang halata na bagong sugat lang yun dahil namumula pa. Binabawi niya ang kamay niya pero mas malakas ako.











Hindi nga ako nagkamali. May sugat ng siya. Mga ilang segundo akong nakatingin sa braso niya. Unti unti ng nag iinit ang ulo ko. Kasi ayaw niyang magsalita sa akin. Tinignan kong muli ang mukha niya. Nakayuko siya. Nakatingin din sa braso niya na hawak ko. Tsaka ko hinawi ang buhok niya. Parang namutla ako ng makita kong may benda siya sa bandang noo tapos may pasa sa gilid ng labi niya.










"Shit! Anong nangyari sayo?! Sinong may gawa nyan?!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. Putcha!










"Alden. Hindi naman ako nasaktan. Hayaan mo na---"










"Hayaan?! Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang yan?! Sinong may gawa sayo nyan Babe?! Nawala lang ako ng ilang oras nagkaganyan ka na! Sabihin mo! I'll make sure that they will pay for this!" Galit na galit na sabi ko.










"Alden. Si.... si Louise." Sagot niya sa akin. Napanganga ako sa sinabi niyang yun. "Pumunta siya kanina dito. Busy kaming lahat dahil sa dami ng ginagawa namin. Hindi ko na lang siya pinansin pero nagulat na lang ako kasi bigla na lang siyang nagwala. Tapos binato niya ako ng stapler. Babe, pinagtanggol ko lang yung sarili ko. Ayoko siyang patulan. Pero sinaktan na niya ako kaya lumaban na lang din ako. Sorry." Paliwanag pa niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napatingin ako ulit sa mga sugat niya at parang gusto kong maiyak. Ofcourse, ako ang dahilan kung bakit sumugod dito sa akin si Louise. At gusto kong magwala dahil sinaktan niya ang babaeng mahal na mahal ko.










"That bitch! She will pay for it!" Galit na saad ko. Nagmamadali akong naglakad palabas ng opisina. Kailangan kong harapin ang baliw na babaeng yun. Pero nakakalimang hakbang pa lang yata ako ng bigla akong yakapin ni Maine.










"Babe. Tama na. Hayaan mo na. Tapos na e. Hindi naman ako nasaktan. Tama na please? Lalaki lang yung gulo. Hayaan na natin siya. Nakikiusap ako Babe." Nanlambot naman ako dahil naiyak siya habang nagsasalita. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit tsaka kusang tumulo ang mga luha ko. Bading na kung bading pero hindi ko mapigilan. Pag naiisip ko kung paano siya sinaktan ni Louise, nakulo ang dugo ko.










"Babe, bakit ka naiyak?" Tanong niya sa akin. Ramdam niya kasi yung bigat ng paghinga ko sa balikat niya.










"Nasaktan ka ng dahil sa akin. Kaya galit na galit ako. Sorry wala ako kanina Babe. Sorry." Sunod sunod na ang pagdaloy ng luha ko. Humiwalay siya sa yakap ko at tinignan ako. Sabay pinunasan niya ang mata ko. Pero ayaw pa din huminto lalo na't nakikita ko yung bakas ng kabaliwan ni Louise sa mukha ni Maine. Yung mga pasa at sugat niya sa noo.











"Ssshhh. Okay lang ako. Sugat lang to. Gagaling naman to e. Katulad mo, kaya ko din gawin ang lahat para sayo. At hinding hindi ako papayag na masira tayo dahil lang sa kabaliwan niya sayo. Sshhh. Don't cry, my love. I'm okay." Pag aalo niya sa akin. Pagkatapos nun ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at namalayan ko na lang na hinahalikan na pala niya ako.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon