Maine's POV
Wala akong idea kung saan kami pupunta. Basta nagdadrive lang siya at ako naman ay hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang inis ko sa kanya. Hindi ako nakasagot kanina. Nawala bigla yung tapang ko e. Tahimik na lang akong pinagmasdan ang dinadaanan naming dalawa.
"Kung iniisip mo na babae ko yun, nagkakamali ka. Hindi ko nga kilala yun e." Basag niya sa katahimikan. Naiinis na naman ako pag naalala ko yung babaeng mukhang bisugo e. Humarap ako sa kanya at inirapan ko siya. Narinig ko ang pagtawa niya. "Ang cute mo pa din magselos." Dagdag pa niya.
"Hindi ako nagseselos ah! Asa ka!" Pasigaw na sagot ko sa kanya. Pero halos maningkit na yung mata niya kakatawa. "Tsk! Kung nabitin ka dun sa dapat gagawin nung babae mo kanina, pwede ka namang bumalik dun! Ibaba mo na ko dito! Kaya mo umuwi mag isa!" Napipikon na sigaw ko pa din sa kanya.
"Hindi ka nagseselos? Talaga? Kaya pala noon, may nagpapicture sa akin na mga babae. Naaalala mo ba yung ginawa mo?" Pang aasar pa niya. At dun ko nga naalala na naka zoom in yung camera sa mukha nung isang babae at hindi talaga ako pumayag na mapicturan sila kasama si Alden.
"Wala akong matandaan!" Okay. In denial Queen ka Maine. Bravo! Tumawa pa din siya at inirapan ko na naman siya. "Tigilan mo yang kakatawa mo kung ayaw mong sapakin kita!" Banta ko sa kanya. Tinignan niya naman ako at bahagyang tumigil sa pagtawa.
"Nakakatuwa yung mga language mo sa akin Babe. Promise. Kinikilig ako lalo na pag sinasabi mong sasapakin mo ko pero sa totoo lang ay gusto mo kong sapakin gamit yang labi mo." Agad akong namula sa sinabi niyang yun. Kaya natameme ako bigla. "You can ask for it. Buong puso ko namang ibibigay sayo e. Hindi mo na kailangan mag galit galitan lagi." Mas lalo yata akong namula sa sinabi niyang yun.
"In your dreams! Bilisan mo na nga! Gutom na ako!" Pasigaw na namang sabi ko sa kanya. Kailangan ko talagang laging nakasigaw? Infairness, masakit sa lalamunan. Nakarating kami sa isang mall at nag ikot ikot na muna kami. Sabi niya kasi ay magdedate daw kami. Parang ewan lang e.
Nalibang kami pareho sa pag iikot kaya hindi na namin namalayan ang oras. Alas dos pasado na ng makaramdam kami ng gutom. Sa isang restaurant kami napadpad at parang fiesta talaga sa dami ng inorder niya. Tuloy pa din ang kwentuhan namin. Bumili din kami ng damit naming tatlo. Ewan ko ba naman sa trip ng lalakeng to.
"Bakit ka pa bumili nyan e ang dami daming damit sa bahay." Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya habang inuubos ang pagkain na nasa bibig niya.
"E gusto ko pareho tayong tatlo e. Alam mo namang kayong mag ina ko ang pinaka importanteng tao sa buhay ko at gusto kong ipagsigawan sa lahat na sa akin lang kayo." Medyo double meaning yung pagbitaw niya ng salita kaya naman nasamid ako bigla. At pag minamalas malas ka nga naman ay wala na pala akong tubig sa baso ko.
"Babe! Are you okay? Eto oh." Inabot niya sa akin yung tubig niya at agad kong ininom yun. Hawak ko ang dibdib ko habang hinihintay bumaba yung pagkain na nakabara sa lalamunan ko. Nakatingin siya sa akin at may bahid ng pagtataka sa mukha niya. "Ano bang kasamid samid sa sinabi ko?" Takang tanong niya.
"Wala. May naalala lang ako." Tumungin ako waiter at agad naman niyang nagets kung anong hinihingi ko. Mabilis na lumapit ang waiter sa amin na may dalang dalawang basong tubig. Ngumiti ako sa kanya dahil nakangiti siya sa akin.
"Eto na po Ma'am." Magiliw na sabi niya. Inabot ko naman yun. "Thank you po." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Makakaalis ka na. Kasi kung makikipag ngitian ka pa sa asawa ko, sa exit ang deretso mo." Napatingin ako bigla kay Alden na madilim na madilim ang mukha habang nagsasalita. Yung waiter naman ay parang napahiya at namumutlang umalis. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit mo ginawa yun? At tsaka anong asawa yang pinagsasasabi mo?!" Pabulong na tanong ko sa kanya. Para naman siyang walang narinig at uminom ng tubig. Tapos ay tumingin sa labas.
"He likes you. Tapos nakikipag ngitian ka pa sa kanya! Tss! At bakit ka nagtataka kung sinabi kong asawa kita? Sa akin ka lang pwede magpakasal." Cool na cool na sabi niya kaya naman napaawang ang bibig ko. "Oh aangal ka na naman? May anak na tayo at kasal na lang ang kulang." Hindi na naman ako nakasagot sa sinabi niya.
"Walang gusto saken yun! Natural lang naman na nginitian niya ako dahil customer niya tayo dito. Ano ka ba? Ang hindi natural ay yung eksena niyo ng babae mo kanina sa opisina niyo." Pabulong na sagot ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi yung mag aaway na naman kami dito na parang mga bata.
"And that brings me back to the whole jealous thing. I like it." Kumislap ang mata niya at lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin sa lapad ng ngiti niya. Dahil inis na inis na ako sa kanya ay hindi na ako nagdalawang isip tumayo. Lumabas na ako ng restaurant. At siya naman ay habol ng habol na naman sa akin.
"Hindi ka pa napapagod? Kanina tumakbo ka. Ngayon naman nag walk out ka." Ang bilis niya na namang nakalapit sa akin at inakbayan ako. Lalo na naman nadagdagan ang inis ko kasi bawat daanan namin ay may babaeng nakatingin sa kanya.
"At hindi ka ba napapagod sa kakahabol?" Balik tanong ko sa kanya. Siniko ko pa siya dahil masyadong nakadikit ang katawan niya sa akin.
"Hindi. Kahit saan ka pumunta. Hahabulin at hahabulin kita." Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang sinseredad sa mata niya. Hindi na ako kumibo. Bumalik na kami sa parking area dahil kailangan namin pumunta ng Laguna para sunduin ang anak niya.
Pero ganun na lang ang gulat namin pareho ng may marinig kaming umuungol. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Sobrang lapit talaga nung pinanggagalingan nung mga ungol e. Nacurious ako bigla kaya naglakad ako at hinanap kung saan nanggagaling yun.
Shit! Kitang kita namin pareho yung dalawang estudyante na may ginagawang milagro sa may gilid. Medyo madilim sa lugar nila. At bago pa sila mapatingin sa amin ni Alden ay agad na niya akong hinila. Napasandal kami sa katabing sasakyan.
"Fuck! Maine! Ano ba?!" Nagtatakang napatingin ako sa kanya at nagulat. Huh?
"Inaano ba kita?" Wala pa din akong idea kung bakit nakakunot ang noo niya.
"Tsk! Your hands! Tanggalin mo yan dyan kung ayaw mong masundan agad si Charmaine!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dahan dahang bumaba ang tingin ko at gusto kong sumigaw dahil dun ko lang nakita kung saan nakalagay ang kamay ko. Tangina! Ang tigas!

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Fiksi RemajaSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...