Sixty Three

2.4K 98 9
                                    

Maine's POV









"Ano namang masama dun? May anak naman kayo. Tsaka diba nga ipapakilala mo si Charmaine sa kanya? Paano siya makikilala ng anak niya kung hindi naman kayo nakatira sa isang bahay?" Kaharap ko ngayon sila Nadz at Kath. Kinwento ka kasi sa kanila yung sinabi sa akin ni Alden kanina. Gusto niya na tumira kaming mag ina sa bahay niya.









"Maine, makinig ka. Tanggalin mo na yang galit sa puso mo. Matuto kang magpatawad. Bigyan mo ng pagkakataon si Alden. After all, isipin mo na lang yung mga kabutihang ginawa niya sayo noon. Hindi ka ganyan katigas Maine. Kilala ka namin. Alam kong pinipilit mo lang magmatigas para mapagtakpan mo na nasaktan ka. Or should I say, nasasaktan pa din." May gustong iparating ang sinasabi ni Kath sa akin. "Tandaan mo, lahat ng tao nagkakamali. Kung ang Diyos nga nagpapatawad. Ikaw pa kaya? Hay! Hindi namin sinasabi na patawarin mo agad. Ang amin lang, buksan mo ulit yang puso mo. Para naman sumaya ka na." Seryosong dagdag pa ni Kath.








"Paano? Hindi ko na alam." Nakayukong tugon ko sa kanila. Hinawakan nila ako sa balikat. Hindi ko na kasi alam kung paano ko ibabalik yung dating ako.









"Simulan mo muna sa konting usapan. Wag kang iwas ng iwas. Ang arte mo! Alam kong hindi ka ganyan. At wag mong hayaan na lamunin ka ng galit sa puso mo dahil hindi ka sasaya. Isipin mo na lang yung inaanak namin. At tsaka mukha namang nagsisisi na talaga si Alden. Don't be afraid in taking the risks." Napangiti ako sa sinabing yun ni Nadz. Maybe they're right. Alam kong hindi ganun kadali pero baka naman pwede kong subukan. Kahit konti lang. Titignan ko lang kung nagsisisi na talaga siya. Para sa anak ko. Niyakap ko silang dalawa at naglakad na kami papunta sa sala kung saan busy silang tatlo na harutin ng harutin ang anak ko.









Lumapit ako sa kanila at kinuha muna si Charmaine. Kailangan ko siyang palitan ng mas preskong damit. Baka kasi mainitan na siya at magka rashes na naman e. "Wait lang muna. Papalitan ko na muna siya. Nadz, akyat kami sa room mo ah?" Paalam ko sa kanila. Tumango naman si Nadz at tsaka ko binuhat si Charmaine at inakyat sa taas. Natatawa ako sa kanya dahil hindi mawala ang ngiti niya. Kailangan ko lang sabihan yung tatlo na wag masyadong harutin kasi baka magloko mamayang gabi e.








Biglang nag ring ang phone ko at rumehistro ang pangalan ng tukmol na Kristoffer. Agad kong sinagot yun. Dahil binibihisan ko ang anak ko ay kailangan kong pindutin yung loud speaker para makausap ko siya. "Yow?"









"Yow mo mukha mo! Hoy! Aalis na muna ako ah? Kailangan kong bumalik ng States kasi nagkaproblema kami sa isang branch dun. Urgent kasi. Hindi ko na magawang magpaalam sa inyo ni baby. Basta babalik ako agad. Balitaan mo ko ah? Pakiss ako kay baby. Love you!" Nagmamadaling sabi niya. Natawa ako sa bilis niya magsalita. Napaka hands on talaga niya sa negosyo niya.









"Aryt. Basta ingat ka dun. Love you too!" Sagot ko bago tuluyang ibaba yung cellphone ko. Sanay na ko sa kanya na laging nagsasabi ng  I love you sa akin. Magkaibigan kasi talaga kami e. Binalik ko ang atensyon ko kay Charmaine.









"Mimi... Dada..." Napatingin ako sa sinabi niyang yun. Iilang oras pa lang niya nakakasama yung Tatay niya pero hinahanap hanap na niya agad.










"Pasok ako ah?" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Napalingon ako sa kanya at nakita ko na nakasandal siya sa may pader. Medyo nakasimangot ang mukha niya.









"Ka-kanina ka pa dyan?!" Gulat pa din na tanong ko sa kanya. Baka narinig niya yung usapan namin ni Kristoffer. Pero imbes na sumagot ay bigla siyang naglakad palapit sa amin at umupo sa tabi ng anak niya. Agad namang ngumiti si Charmaine ng makita ang Daddy niya.









"So, mawawala pala ng matagal ang fiance mo." Madilim ang mukha na sabi niya. Napalunok naman ako. Bakas sa mukha niya ang pagkairita.









"Ba-bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?!" Pagsusunget ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya kaya lalo namang kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa? Kanina halos mapunit na yung noo niya sa kakasimangot tapos ngayon naman ay tatawa siya.









"Aksidente ko lang na narinig. Tss. Sabihin mo sa kanya, dun na lang siya at wag ng babalik pa." Napatingin ako sa sinabi niya. Still the same Alden. May pagka bossy pa din siya at times. At hindi papayag hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. Inismiran ko na lang siya.









"He'll come back here. Nag promise siya. At kilala ko siya. Hindi niya sisirain ang pangako niya." Pagtatanggol ko sa kaibigan ko. Napabuntong hininga naman siya.









"Okay. Wag na natin siya pag usapan. Ayokong madagdagan na naman ang galit mo sa akin. Maine, napag isipan mo na ba yung sinabi ko kanina?" Tanong niya. Alam ko na ang tinutukoy niya. Tinignan ko ulit ang anak kong mahimbing ng natutulog. Tatay niya lang pala ang kailangan niya.








Si Alden naman ay nakatingin lang sa akin at naghihintay ng sagot ko. I sighed. Para sa anak ko. Gagawin ko. "Oo. Sige. Papayag akong tumira sa bahay mo. Hindi dahil sa maayos na ang lahat sa atin, Alden. Kailangan ko lang gawin to para sa anak ko. Ayokong dumating ang araw na sumbatan niya ako kung bakit lumaki siya na wala ang Tatay niya sa bahay. Yun lang yun." Madiin kong sabi sa kanya. Yun lang muna sa ngayon, Alden. Sana mapatunayan mo na magbabago ka na nga talaga.









Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Pero ngumiti pa din siya ng tipid sa akin. Hindi ko yata kayang salubungin ang tingin niya kaya naman tumayo ako para ligpitin na lang ang mga damit ni Charmaine kahit na hindi naman magulo. Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong yakapin dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. "Alden ano ba---"









"Kahit gaano ka pa kasungit sa akin. Kahit na malamig ang pakikitungo mo sa akin. Hinding hindi ako magsasawang habulin ka. Hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo nababawi ng anak ko. Dahil sa akin kayo, Maine. And you, you are mine. And mine alone." Bulong niya sa akin. At walang ano anong hinarap niya ako sa kanya sabay hinalikan.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon