Twenty Six

2.4K 127 4
                                    

Maine's POV







Wala pa din naimik sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala akong masabi sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Lalo na nung nakita ko ang galit sa mga mata niya kanina.





Nagpauna siyang pumasok sa loob ng kwarto niya at hindi man lang ako nilingon. Gusto ko na naman maiyak. Alam ko naman na ako ang mali. Peste kasi yung lalaki na yun kanina e. Napilitan kasi akong dalhin ang order niya dahil busy sila Nadz. Nakakahiya naman kung uupo lang ako dun at magfefeeling bisita.





Kaya ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong paupuin sa tabi niya. Nung nagtangka akong tumayo ay hinatak niya ako. Pagkatapos nun ay dumating na si Alden.





Minabuti ko na pumasok na lang sa kwarto ni Bianca. Nasa kwarto ni Alden ang ibang gamit ko pero may naiwan naman na pwede kong ipambahay. Naglinis ako ng katawan ko dahil parang ang baho ko. Naisip ko na naman ang galit na mukha niya kanina. Para siyang isang halimaw na nagwawala. Walang makaawat sa kanya.






Natapos akong maglinis ng katawan ko. Dahil nauuhaw ako, lumabas ako sa may kitchen. Parang gusto ko naman umatras dahil nakita ko siya na nakatayo at seryosong nakatingin sa akin.






"Alden." Namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Kailangan kong mag sorry sa kanya. Ako ang mali. Ako ang may kasalanan.






"Bakit ka umalis ng hindi man lang nagsasabi sa akin? Alam mo bang nag alala ako sayo?! Umuwi ako tapos madadatnan kong walang tao dito! Ang masama pa nun, hindi ko alam kung nasaan ka! Paano kung hindi ako dumating? Ano na sa tingin mo ang ginawa sayo nung gagong lasing na yun?! Nag iisip ka ba Maine?!" Nagsimula na naman tumaas ang boses niya. Kinabahan ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan.





"Alden. Nagtext ako sayo. Namiss ko kasi ang mga kaibigan ko. Hindi ko namalayan ang oras. Aksidente lang naman na ako ang nagserve sa table na yun dahil busy sila. Tapos nangyari na yun. Sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry." Nag unahan ng pumatak ang luha sa mga mata ko. Dahil naiinis ako sa sarili ko. Naging pabaya ako.





"Hinawakan ka niya?! Sabihin mo sa akin! Saan ka niya hinawakan?! Para alam ko kung babalikan ko pa ang gagong yun!" Galit pa din na tugon niya pero lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya.





"Hindi. Wala siyang ibang nahawakan bukod sa kamay ko." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Nakita ko siya na parang nabunutan ng tinik. Pero kahit lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya ay nandun pa din yung bakas ng pagkainis. Nakasimangot pa din siya.






"Damn! Naiinis ako sayo alam mo ba yun?! Nakakainis ka! Naiintindihan kita na hindi ka sanay na may nagmamalasakit sayo! Pero nandito na ako ngayon! At naiinis ako sa sarili ko dahil tingin ko ay napabayaan kita! Paano kung hindi ako nakarating agad dun! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo! Damn it!" Inis na inis na tugon niya. Sinipa niya pa yung upuan na nasa harapan niya. At walang sabi sabi na tinalikuran ako. Pumasok siya sa kwarto niya.






Nagulat pa ako dahil sa pagbagsak ng pintuan niya. Wala na naman akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Puro sakit ng ulo na lang ang binibigay ko sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ni Bianca at dumapa. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na pala ako.






Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakadagan sa akin. Masakit ang mata ko dahil nakatulugan ko ang pag iyak. Dahan dahan akong gumalaw at ganun na lang ang gulat ko ng makita kong nasa tabi ko na siya at nakayakap sa akin.





Tinangka kong umusog ng kaunti para makaalis ako mula sa pagkakayakap niya pero biglang humigpit yun. Tinignan ko siya at dun ko lang napansin na gising pala siya. Nakapikit lang.






"Aalis ka na naman? Please Maine. Wag ka ng aalis ng hindi ko alam kung nasaan ka. I'm sorry. Hindi ako galit sayo. Naiinis lang ako sa nakita ko. Pero hindi ako galit sayo. Nag alala ako kaya ako nagalit. Dahil natatakot ako. Natatakot ako na may mangyaring masama sayo tapos wala ako dun para maipagtanggol ka. I'm sorry." Ramdam ko ang pagiging sincere sa bawat bitaw niya ng salita at parang kinalabog naman ang puso ko. Gusto kong maiyak sa sinabi niyang yun.





"Sorry din. Kung hindi ako nakapagsabi ng maayos sayo. Hindi ko naman sinasadya. Sorry Alden." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kaya naman masuyo niyang pinunasan yun. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin kahit na parang matutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.





Ang kaninang galit na mata niya ay napalitan na. Bumalik na ang mapungay at nangungusap niyang mga mata. Wala ng bakas ng galit. Ang nakikita ko ngayon ay ang pagmamalasakit.





Parang may sariling isip ang kamay ko at nahaplos ko ang pisngi niya. "Kanina, hindi ko naisip na magagawa mo yun. Napaaway ka ng dahil sa akin. Lagi mo na lang akong nililigtas. Maraming salamat. Kasi lagi kang nandyan."





Napangiti siya sa sinabi kong yun at kinuha niya ang kamay ko tsaka hinalikan yun. Wala naman sigurong masama kung susulitin ko ang mga panahon na kasama siya. Alam kong walang kasiguraduhan ang lahat pero alam ko sa sarili ko na nakahanda ako sa kahit anong mangyari.





"Sorry. Kung natakot ka sa akin kanina. I'm sorry." Hinging tawad niya ulit at hindi na ako nakapagpigil pa. Kusa ko na siyang hinalikan. Dahil gusto kong maramdaman na tunay ang lahat ng nangyayari ngayon. Gusto kong mapatunayan na hindi ako nananaginip lang.




Mas lumalim ang halik niya sa akin at buong puso ko yung tinanggap. Kapwa kami naghahabol ng hininga ng matapos ang halik na yun. Nakadikit ang noo niya sa noo ko at ramdam ko na nakangiti siya.






"Goodnight Alden." He whispered goodnight too and then we drifted off to sleep. Hugging each other. Because I feel so secured with his arms around me. I feel safe in the arms of my real life superman.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon