Fifty One

2.1K 100 12
                                    

Alden's POV









"Dre. Umuwi ka na. Bilisan mo. Umalis si Maine. Dala niya lahat ng gamit niya." Halos mabingi ako sa narinig kong sinabi ni DJ.










"Lo-loko ka dre. Hindi magandang biro yan. Nagpaalam lang siya sa akin kanina na uuwi na siya kasi inaantok daw siya. Nandyan lang siya sa bahay. Kaya wag mo na akong pagtripan. Alam mo naman na pikon ako pagdating kay Maine." Pilit kong pinasigla ang boses ko. Kinukumbinse ko ang sarili ko na nagbibiro lang si DJ.











"Dre.... Umalis siya. Nakita namin ni Kath. Saktong pagbukas namin ng pinto, paliko siya sa may elevator. Alam na alam ni Kath na si Maine yun. May dala siyang gamit niya. Umuwi ka na para mahanap mo na siya." Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig kong yun. Hindi ko na nakuhang sumagot kay DJ. Kinuha ko ang gamit ko at nagmamadaling umuwi. Kulang na lang ay paliparin ko yung sasakyan sa sobrang bilis. Baka sakaling hindi pa siya nakakalayo. O baka hindi naman kasi talaga siya umalis. Pinagtitripan lang yata nila ako.









Nasa harapan na ako ng pinto. Nanginginig akong pinihit ang door knob. At parang gumuho ang mundo ko. Madilim sa loob. Walang tao. Wala si Maine. Pumasok agad ako sa kwarto at tinignan ang damitan namin. Wala na ang mga gamit niya. Nag init ang sulok ng mata ko habang nakatingin sa aparador na wala ng laman ngayon. Bukod sa mga damit ko.










"Maine." Sambit ko. Hindi ako makapaniwala. Wala na nga siya. Pero anong dahilan. Bakit? Wala akong matandaan na pinag awayan namin. Napaupo ako at hindi ko na napigilan ang umiyak. Pilit kong iniisip kung ano bang maling nagaw ako sa kanya. Kung bakit siya biglang umalis.










"Alden." Pumasok pala si Kath at DJ. Tinignan ko sila pareho. Umaasa na may makukuha akong sagot mula sa kanila. Pero halata sa kanila na wala din silang kinalaman sa mga nangyayari. Bakas din ang lungkot sa kanila pareho.












"May... may surprise lang siya sa akin kaya siya wala ngayon. Alam ko na yan dre. Babe! Lumabas ka na dyan. Andito na ako oh!" Para akong tanga na umiiyak habang tumatawa. Pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na hindi naman talaga siya nawala. "Babe! Wag mo naman ako takutin ng ganito. Alam mo naman na ayoko nga ganito e. Labas ka na dyan. Inistorbo mo pa sila Kath at DJ e. Halika na." Tumutulo ang luha ko habang sinasabi yun.












"Walang sorpresa dre. Totoo lahat ng to. Wala siya. Umalis siya." Malungkot na sagot ni DJ. Doon ko lang naisip na baka wala naman talagang surprise si Maine. Totoo lahat ng to.











"Kath. Wala naman kaming pinag awayan e. Ang saya saya pa nga namin kanina! Hindi ko alam kung bakit siya umalis! Hindi ko alam! Damn! What is happening!" Sinuklay ko ang buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko. She's nowhere to be seen! At hindi ko alam kung nasaan siya.











Umiyak lang ako ng umiyak. Wala silang ibang magawa kundi ang hagurin ang likod ko. "Hanapin natin siya dre. Halika na." Tinatayo akong pilit ni DJ. Pero pinigilan ko siya.











"Ako na lang ang maghahanap sa kanya dre. Aalis muna ako. Pupunta ako kina Mommy. Magpapatulong ako sa mga kaibigan nila ni Daddy." Sinikap kong tumayo. Hindi pwedeng umiyak na lang ako dito. Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan kong maiuwi ang mag ina ko dito.










"Alden. Mag iingat ka. Balitaan mo kami agad." Paalala pa ni Kath. Bakas sa mukha niya na hindi niya din alam ang gagawin niya.











"Thanks Kath. Gagawin ko ang lahat." Tipid akong ngumiti sa kanya. Nag manly hug naman kami ni DJ. Bumalik ako sa sasakyan at nagmamadaling nagmaneho papuntang Laguna. I'll do everything. Kahit na saang parte pa ng mundo siya pumunta. Susundan at susundan ko siya.








Mabilis ang naging byahe ko. Nakarating agad ako sa Laguna. Gusto ko na agad makausap si Mommy at Daddy. "Dad." Napatingin naman siya sa akin at nagulat dahil nagmamadali ako. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Lumapit agad ako sa kanya.








"Dad. Umalis si Maine. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Please Dad. Tulungan mo akong hanapin siya. Alam ko po na madami kayong koneksyon. Hindi ko po kakayanin na mawala ang mag ina ko. Dad." Nakikiusap na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.








"Alden." Si Mommy naman ang nagsalita. Kusa akong tumayo at yumakap sa kanya. I need someone to cry on. Magkakanda letse letse ang buhay ko pag hindi ko nakita si Maine. "Wag ka ng umiyak anak." Pag aalo sa akin ni Mommy. Pero lalo lang humigpit ang yakap ko sa kanya.








"Mommy. She's everything I need. Gusto kong makita ngayong gabi na ang mag ina ko. Tulungan niyo po ako. Yung mag ina ko." Humahagulgol na ako sa bisig ng Mommy ko. Bahagyang hinahaplos niya lang ang likod ko.








"Hay. Malaki ka na talaga. Tatay na tatay ka na. Sila na ang priority mo sa buhay. Alam kong masakit yan anak. Pero hindi mo naman kailangang umiyak dyan e." Paalala pa ni Mommy. Nagtatakang napatingin ako sa sinabi niyang yun.








"Mom. Nawawala si Maine. Paano pong hindi ako iiyak?" Tanong ko sa kanila. Pulang pula na ang mata ko. Ngumiti si Mommy. Ganun din si Daddy.








"Alden." Napatingin ako sa pinang galingan ng boses na yun. At nag unahan na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.



-----

A/N: Sabaw na update. Sorry naaaa! 😢

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon