Thirty Five

2.8K 108 5
                                    

Alden's POV











Malayo na kami sa mga babaeng nagpapicture sa akin kanina at ewan ko ba sa girlfriend ko kung bakit natatawa siya. Wala namang nakakatawa. Nakatingin pa din ako sa kanya at sakto naman na napatingin din siya sa akin. "What?" Tanong pa niya.











"Bakit ka ba natawa? At tsaka bakit mo ko hinayaan sa kanila? Imbes na ipagdamot mo ko! Ikaw pa mismo yung unang pumayag na picturan ako kasama sila." Nagtatampo na sabi ko sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag. Inirapan pa niya ako kaya naman nagulat ako dun.










"Ikaw ang may gusto din dyan. Kanina ka pa sa parking lot! Panay ngiti ka din sa mga babaeng yun! At kung ayaw mo talaga, una pa lang tumanggi ka na! Che! Dyan ka na nga!" Inirapan niya ako ulit. Sabay nag walk out na siya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil halatang halata naman sa kanya na nagseselos siya. Lumakad siya ng lumakad at sunod pa din ako ng sunod sa kanya.











"Babe naman saan ka ba pupunta? Sorry na nga e. Halika na wag naman tayo mag away." Habol ko sa kanya. Pero hindi niya pa din ako pinapansin. Nagulat pa nga ako dahil palabas na pala kami ng mall. Para pa din siyang walang naririnig.











"Uuwi na ako! Balikan mo yung mga babaeng yun at baka hinahanap na nila ako para sabunutan dahil sa ginawa ko. Kung gusto mo malaman, puntahan mo sila. Tutal gustong gusto mo din naman!" Parang bata na nagmamaktol siya. Ang cute niya magselos pero mamaya ko na siya aasarin dahil nakakahiya na yung eksena namin. Nakatingin na kasi sa amin yung ibang security.











"Babe. Sorry na. Tsaka wag ka naman masyadong maingay kasi nakakahiya e. Sorry na po." Pakiusap ko pa din sa kanya. Hindi man lang ako pinakinggan. Lumakad siya palabas ng parking lot at pumapara ng taxi. Hay!










Hindi na ako nagsalita pa at hinila na lang siya bigla para yakapin. Hindi niya ako niyayakap pabalik pero wala akong pakialam. Hindi ko na din inisip yung nga nakatingin sa amin. Mas mahalaga na magkaayos kami ng girlfriend ko. "Listen to me. Hindi ako interesado sa kanila okay? Diba sabi ko naman sayo ikaw lang? Sorry na Babe. Wag naman tayo mag away. Ayoko ng galit ka sa akin e. Halika na alis na tayo dito kung ayaw mo ng may natingin sa akin. Hindi ko naman kasalanan na gwapo ako---"











Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Wag ka ng magpaliwanag. Okay na. Wag mo na lang uulitin dahil sa susunod ihahampas na kita sa kanila. Tara na. Ayoko na dito." Hinila niya ang braso ko papunta sa kotse ko at hindi ko man lang nagawang magsalita. E paano ko ba naman sasalungatin yung sinabi niya? She's the boss.











Maine's POV









Nasa daan kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakwento ko na din kay Alden yung kamalditahan na ginawa ko dun sa mga nagpapicture sa kanya kanina at sobrang tawa siya ng tawa.









"Grabe ka Babe. Hindi ko naisip na kaya mong gawin yun." Sabi niya pagkatapos niya tumawa. Nagmamaneho pa din siya at punong puno ng hagikgikan naming dalawa ang kotse niya. Dalawa lang kami pero katumbas yata ng lima ang ingay sa loob ng sasakyan. As usual, hawak niya yung kamay ko.









"Aba. Bakit parang nanghihinayang ka? Gusto mo balikan natin. Papicture ka ulit." Galit galitan na sabi ko pero halata naman na nagbibiro lang ako.









"Sus. Aminin mo na kasi na nagseselos ka. Gustong gusto ko naman yun e. Yung tipong pinagdadamot mo ako. Grabe Babe hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ko yun." Gusto ko matawa sa itsura niya dahil para siyang bata na akala mo nabilhan ng magandang laruan. At mas masaya ako kasi ako ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon.









Nakarating kami sa isang simbahan. Dahil Linggo ngayon ay madaming nagsisimba. Napahawak ako sa kamay niya dahil baka mahiwalay ako sa kanya. Nag uunahan kasi yung iba para lang makaupo. Mabuti na lang at may nakita kaming bakanteng upuan. Wala namang misa, sadyang madami lang yung tao. Lumuhod kami pareho at hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko.









"This is our first date kaya naman dito kita dinala. Gusto ko kasing ipakilala sa kanya ang kauna-unahang babaeng hinarap ko sa kanya e. Lagi akong napunta dito Babe. Lalo na pag may problema ako. Nagaan kasi ang pakiramdam ko. Dito ko hiniling sa kanya na sana makita ko na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Yung babaeng mamahalin ko ng buong buo. And He had given me you." Seryoso ngunit punong puno ng sinseridad na sabi niya. Para akong malulunod sa sobrang saya na nararamdaman ko.








Wala sa hinagap ko na may ganito siyang klaseng personality. Though, sweet talaga siya. Parang hindi siya yung Alden na nakilala at sinapak ko ng dalawang beses noon. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan yun. Hindi ko na napigilan ang luha ko kasi naman ang saya saya ko.









"Don't cry, my love." Malambing na sabi niya sabay pinunasan ang luha ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at yinakap siya ng mahigpit.









"It's a happy tear cried. Thank you, Alden." Tanging sambit ko. Ngumiti siya sa akin at taimtim kaming nagdasal pareho. Nagpapasalamat dahil binigyan kami ng pagkakataon para makapunta dito. "Nagpapasalamat ako kasi nakilala kita. Ubos na ubos na yata yung kalungkutan ko na nasa puso ko noon kasi simula nung dumating ka, unti unting nagbago ang lahat. Please stay that way, Alden. Kasi ikaw ang mundo ko ngayon. At asahan mo na hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Kahit anong mangyari."









Ganun na lang ang gulat ko ng bigla siyang yumuko at hindi nakaligtas sa akin ang pahapyaw na pagpunas niya ng luha sa mga mata niya. "Babe naman. Pinaiyak mo naman ako." Napangiti ako sa sinabi niya kaya naman pinagpatuloy namin ang pagdadasal at pasasalamat dahil sa panibagong yugto ng aming buhay. Mahal na mahal kita, Alden ko.









----

A/N: Nauumay na ba kayo sa sobrang kasweetan nila? Hehe. Comments please! Love you all! 😘 -AteJen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon