Sixteen

2.6K 132 7
                                    

Maine's POV







Napabuntong hininga na lang ako at lihim na napangiti na ng yakapin niya ako. I feel so secured. Parang wala ng makakapanakit sa akin. At ngayon lang din ako tumanggap ng tulong mula sa ibang tao. Sa taong sinapak ko pa dahil ninakawan ako ng halik. Pero nabura na yun lahat.




"Bro. Kamusta na?" Biglang pumasok ang dalawang kaibigan niya. Ofcourse I know them. Lagi ko din kasi silang nakikita sa bar at tsaka dun sa restaurant.





"Okay na siya. May laboratory tests na lang na kulang pero makakalabas na din siya soon." Sagot ni Alden habang nakikipag manly hug sa kanila. Nakaramdam na naman ako ng hiya.




"Hi Maine. Kamusta? Kilala mo naman siguro kami diba? I'm James. He's DJ." Nilahad nila pareho ang kamay nila sa akin at tinanggap ko naman yun.





"He-hello. Okay lang. Salamat." Nahihiya pa din kasi ako sa kanila. Ano kayang iniisip nila sa akin. Baka pinagtatawanan nila ako kasi pagkatapos ng lahat ng pagsusungit ko kay Alden ay nandito ako at kasama ko siya.



"Mabuti naman at okay ka na. Sobrang nag alala sa'yo ang kaibigan namin e. Pinagpaalam ka na din namin kay JC. Ang sabi niya ay pwede kang pumasok kapag kaya mo na at pag magaling ka na kaya wag ka ng mag alala. Yung sa restaurant naman, nakausap na din namin yung may ari." Nagulat ako sa sinabi nila. Ang galing lang. Habang wala akong malay pala ay pinagpaalam na nila ako.




"Salamat. Nakakahiya naman. Nag abala pa kayo." Nginitian ko sila. Nagiging palagay na din ang loob ko sa kanila.





"Walang problema. Kasi pag hindi namin sinunod ang gusto nito. Baka masapak kami." Nagbibirong sabi ni DJ. Lumapit naman sa kanya si Alden at inambahan siya ng suntok kaya naman natawa ako.





"Wag ka ngang mapanakit! Andyan na yung mga damit mo at maligo ka na! Amoy kahapon ka pa!" Asik ni DJ sa kanya. Wow. Magkakaibigan talaga sila dahil komportable na sila sa isa't isa.





"Anyway, Maine. Nandyan ang cellphone mo. Pinakialaman ko na huh? Tinawagan ko yung tingin ko ay kaibigan mo. Para sabihin na nandito ka." Si James ang nagsalita. Tumango na naman ako sa sinabi niya.




Nagpaalam si Alden na maliligo lang sandali. May sarili namang banyo ang kwartong kinuha ni Alden. Nahihiya man ako pero wala akong magawa. Nag deal na din naman kami na sa kanya na muna ako titira. Kung tutuusin, hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang o takot sa kanya. Sabi niya kasi ay pagkatiwalaan ko siya.






"Meng!" Napabalikwas si DJ at James nung biglang pumasok yung dalawa. Ako man ay nagulat din e. Mabilis silang tumakbo para yakapin ako.





"Ouch! Ano ba kayong dalawa bakit kayo nagmamadali? Hindi naman ako critical e. Buhay na buhay pa ako." Natatawang sabi ko sa kanila habang yakap pa din nila ako.





"Narinig ko yung may sumigaw. Akala ko kung anong nangyari." Si Alden. At napatulala ako dahil ang gwapo niya. Nakasimpleng pants at V-Neck shirt niya. Si Nadz at Kath din ay nakatunganga.




"Ha? Oo meron. Ay wala pala. Hindi." Natawa din ako dahil sa mali mali kong sinasabi. Bakas ang pagtataka sa mukha niya.





"Si Nadz at Kath. Mga kaibigan ko. Babies, si James, DJ at Alden. Sila yung tumulong sa akin." Pakilala ko sa kanila. Ngumiti naman si Nadz at Kath tapos ay kinamayan si Alden.





"Salamat sa pagtulong sa kaibigan namin. Buti na lang--- ikaw?!" Napahinto kami at nagulat dahil sa pagbabago ng tono ni Nadz sa pagsasalita. Ganun din ang itsura ni James. Nagpalipat lipat kami ng tingin sa kanila.




"Ikaw yung babaeng masungit na bumangga sa akin!" Turo pa ni James sa kanya. Si Nadz ay sumimangot na ng tuluyan. Palihim ko naman siyang tinapik dahil nakakahiya naman kay Alden.




"Ikaw ang bumangga sa akin at hindi ako kaya wag kang bintangero dyan! Buti nga sayo." Inirapan siya ni Nadz at si James naman ay parang hindi makapaniwala sa narinig niya. Natawa na lang ako. Hindi na siya pinansin pa ni Nadz.




"Ma'am. Kuhanan ko po kayo ng dugo para po sa CBC niyo. Last test na po ito para for releasing na kayo bukas." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabing yun ng nurse. Namutla ako at alam kong napansin yun ng lahat. Lalo na sila Nadz at Kath.




"Ha?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Takot ako sa karayom dahil naalala ko nung bata pa ako na natusok ako nun dahil na din kay Nanay Connie.





"Don't be afraid. Hahawakan ko yung kamay mo. Dito lang ako sa tabi mo." Nabigla ako ng lumapit si Alden sa akin at niyakap ako. Nanginginig ang kamay ko.




"Relax lang. Tignan mo ako sa mata. Hindi yan masakit. Trust me." Nakangiting sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at napapalunok ako pero parang may sariling utak ang katawan ko at kumalma ang buong sistema ko.





"Hingang malalim Ma'am." Sinunod ko ang sinabi niya at napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtusok nun sa akin. Buti na lang at tulog ako nung nilagyan ako ng dextrose. Napahigpit ang hawak ko kay Alden at alam kong alam niyang nanlalamig ang kamay ko.




Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Pinunasan niya ang luha ko. "Hinga po tayo ulit ng malalim Ma'am." Huminga ako ulit ng malalim at tsaka niya hinugot yung syringe.





"Sabi ko sayo hindi masakit e." Nakangiting sabi ni Alden sa akin. Bigla naman akong napaiyak dahil na din sa tuwa. Na overcome ko na yung takot ko sa karayom.




"Ayan Maine. Hindi ka na siguro matatakot pa nyan sa karayom ulit." Biro pa ni Kath at nginitian ko naman siya. Nawala na ang kabang nararamdaman mo dahil napalitan na yun ng saya.




Nasa tabi ko pa din si Alden. Bakit nga ba nakasandal ako sa kanya? Hindi ko din alam. Basta nawawala lahat ng takot ko lalo na pag nasa tabi ko siya.





"Wag kang matatakot. Kasi simula ngayon, hindi na ako mawawala sa tabi mo." Napatingin ako sa sinabi niyang yun.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon