Thirty Nine

2.5K 100 3
                                    

Alden's POV










Nagising ako na wala si Maine sa tabi ko. Malamang ay nasa baba na sila at naghahanda ng kakainin namin. Ang lamig. Iba talaga ang ihip ng hangin sa ganitong lugar. Kahit na may konting araw. Hindi matatakpan yung lamig at yung mga fog na nasa labas. Naghilamos lang ako sandali at bumaba na. Nakasabay ko pa sila James at DJ na kakagising lang din.









"Dinig na dinig yung mga boses niyo sa taas." Bati ni DJ sa kanila. Naka ready na ang table. Iba talaga pag may kasamang mga babae e. Walang ka ng iintindihin pa. Kakain ka na lang. Ang dami nilang niluto. Nakita ko ang minamahal ko na nagsasalin ng hot choco sa mga mugs. Lumapit agad ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.









"Good morning Babe." Bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Alam ko na naiilang siya dahil sa nangyari kagabi. Pang ilang beses pa lang namin yun ginagawa pero parang natuto na siya agad. Lalo na kagabi. Tsk! Ang aga aga parang gusto kong hilahin siya ulit pabalik sa kwarto namin.









"Hi. Kain na tayo." See? Nahihiya talaga siya dahil hindi siya makatingin sa akin. Yung apat ay busy sa pag uusap. Sumunod ako kay Maine na bumalik sa kusina.









"Nahihiya ka na naman saken e." Niyakap ko siya mula sa likuran. And then she blushed. Hinampas niya ang braso ko na nakayakap sa kanya. Pinihit ko siya paharap sa akin at ang cute cute niya talaga. Pulang pula yung pisngi niya. Ang hindi ko lang gusto ay yung pag kagat kagat niya na naman ng labi niya e.










"Babe. Stop doing that. Sinasabi ko sayo iaakyat kita ulit sa kwarto natin." Paalala ko sa kanya. Tsaka lang siya tumawa. Sinadya ko talagang magbiro para mawala ang pagkailang niya sa akin.









"Baliw! Wag mo na kasing ipaalala yun e! Alam mo naman na nakakahiya. Halika na nga kumain na tayo." Magkahawak kamay kaming bumalik sa dining area. Umupo na kami para kumain at syempre hindi pa din nawawala yung kwentuhan. Ang dami nilang plans kung saan kami pupunta. Mostly, si Nadz at Kath ang nagsu-suggest. Si DJ ay gusto kong batuhin ng hotdog dahil halatang inlove na inlove siya kay Kath.










"Yung kaibigan mo. Titig na titig sa kaibigan ko." Bulong ni Maine sa akin. Napansin niya din pala. Sinubuan niya ako ng Bacon.









"Oo nga e. In love na in love ang loko." Pag sang ayon ko naman. Kung saan saan napunta ang usapan. Hindi nga namin namalayan na halos maubos na pala namin yung mga pagkain na nasa table dahil hindi kami nakakaramdam ng pagkabusog. Nakikinig lang kami sa kwentuhan nila.










"Pero nung high school talaga tayo. Diba pag intramurals usong uso yung mga marraige booth. Tapos nakakagulat kasi si Kristoffer biglang nagpropose kay Maine. Talagang naghiyawan yung crowd nun no? Grabe. Si Maine naman nun hindi malaman yung gagawin niya." Napatingin ako sa sinabing yun ni Nadz. Tsaka ako tumingin kay Maine na biglang namula. Nainis ako sa nakita ko. Bakit siya namumula? Kinikilig pa din ba siya dun?










"Hoy! Wala na yun. At tsaka hindi ko naman alam yun. Kaya nagulat ako! Masyado kayo e." Sagot ni Maine sa kanila. Nananatili akong nakayuko at nakikinig. Kahit na inis na inis na ako sa mga sinasabi nila.









"Sus. Kaya pala the next day hindi ka na tinigilan ni Kristoffer. Sinundo ka pa nga sa classroom after nung fake na kasal niyo. Nasaan na nga pala yung pekeng wedding ring niyo?" Tanong pa ni Kath.











"Wala na. Hindi ko na alam kung nasaan e. Wag na nga natin pag usapan yun si Kristoffer at baka natitisod na yun kung nasaan man siya ngayon." Nakatawang sabi ni Maine kaya mas lalo akong nainis. Gusto kong tanungin kung sino yun pero ayoko naman isipin nila na masyado akong mababaw. Kahit na sa totoo lang nagseselos ako!









"Uy Alden wag kang magseselos ah? Wala na yun. Asaran lang yun. Si Kristoffer kasi yung may gusto talaga kay Maine. I wonder where he is now." Hinging paumanhin sa akin ni Nadz. Napansin niya yata yung pananahimik ko. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.











"Nasa states yata siya. Di ko na alam. But then, he said na pagbalik niya ikaw ang una niyang hahanapin Maine e." Dagdag pa ni Kath. At hindi ko alam kung tama ba yung nakikita ko na biglang nalungkot si Maine. Hindi na ako nakatiis. I excused myself at umakyat sa kwarto namin. Mababaw ba? Nakakainis! Sino ba kasi yung letseng lalake na yun!













Kathryn's POV










"Uy baby napikon ba si Alden? Hindi ko naman sinasadya e." Hinging paumanhin ko kay Maine. I've been too tactless na yata at hindi ko na naisip na nandyan si Alden na boyfriend niya. Umiling si Maine at ngumiti sa akin.










"Hindi yun galit baby. Hayaan mo na. Oh mag ayos na tayo. Before lunch aalis na tayo diba?"  Nakangiting sabi ni Maine sa amin at tumango na lang kami. Nagligpit kami ng pinagkainan namin. Lumapit sa akin si DJ and he made sure na hindi naman galit si Alden.









"Seloso yun, believe me. Pero hindi siya marunong magtanim ng galit sa isang tao. Kaya wag mo ng isipin yun at sayang ang ganda mo." Agad naman akong namula sa sinabi na yun ni DJ sa akin. These past few days ay nagugulat ako sa ginagawa niya. Medyo extra clingy siya ngayon. Tapos ang bait bait niya. Gusto kong isipin na may gusto siya sa akin pero ayoko naman mag assume.










"Sana nga. Nakakahiya kasi." Hindi pa din ako convinced talaga. Ganun na lang ang gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko. Nanginig yata ako sa ginawa niyang yun.










"Isipin mo na lang na test yung nangyari o nasabi mo sa kanila. Excited din akong makita kung paano niya susuyuin si Maine pag nag away sila. That dick head. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya at ka protective sa isang babae. At kay Maine niya lang ginawa yun. Lahat ng imposible, gagawin niyang posible basta para kay Maine. Kaya wag ka ng mag isip dyan." Napangiti ako sa sinabi niyang yun and I was relieved. That's when I realized that I'm already hugging him.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon