Ten

2.3K 109 4
                                    

Alden's POV




Kakauwi ko lang galing sa Singapore. Isang linggo din akong nag stay dun dahil may client talk ako dun regarding sa export ng isang factory ng sapatos dun. Nakuha namin sa mataas na rate gawa ng mataas ang charges pagpasok pa lang sa dagat ng Pilipinas.



"Dre! Namiss kita dre!" Parang tanga si DJ na yumakap pa sa akin. Iniwasan ko naman siya. Nakakadiri pala pag lalake sa lalake ang nagyayakapan. Si James naman ay nasa isang tabi lang at nakatawa din sa amin.



"Ulul! Kadiri ka. Lumayo ka nga sa akin!" Pagtataboy ko ulit sa kanya. Lumayo na siya sa akin at umupo na sa harap ng table ko.


"Oh anong ganap dun sa meeting mo?" Tanong ni James habang nakain ng pizza.


"Okay naman. Kinabahan lang ako nung una dre. Kasi diba ngayon lang ako humawak ng ganito. Pero maayos naman. Inalalayan naman ako ni Ms. Ruby." Ang secretary ko. Naging secretary din siya ni Daddy. Anak nga ang tawag niya sa akin e.



"Buti ka pa. May nag aalalay sayo. Sa akin nga wala e. Naiinis nga ako feeling ko minsan ang tanga ko kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sagot ni James sa akin.



"Kaya yan dre. Kayo ang kamusta?" Pag iiba ko ng usapan. Sinandal ko ang likod ko sa swivel chair ko.



"Maayos naman kami. Hindi kami napunta sa bar ni JC. Halay e. Para kaming nagdedate ni James. Hahaha!" Biro ni DJ. Binato naman siya ni James ng tissue.



Naisip ko bigla si Maine. Baka binalikan yun ni Tanda. Simula nung umalis ako hanggang makauwi ako. Hindi na nawala sa isip ko yung babaeng yun! Taragis na yan. Mukha akong tanga! Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko!


Dapat nga ay wala na akong pakialam sa kanya. Kahit pa sumama siya kung kani kanino! Pero hindi ako mapalagay kasi! Naiinis na ako sa sarili ko.


"Break na muna ako sa work for 2 days. Magpapahinga ako." Tinignan ko sila DJ at James na abala sa pagtitingin ng mga docs na dala ko. Nanghingi kasi ako ng off sa HR. Kahit pa boss ako.


Wala akong pakialam kung magalit man si Dad. Gusto ko din naman makawala sa trabaho ko dahil nakakapressure na. Lalo pa't ilang araw lang ako pinaturuan tapos pinabayaan na ako mag isa.



"Nakakainggit naman. Tayo din." Natawa na lang ako sa sinabi ni James. And he really means it. Sabi naman sa inyo, lahat ng gusto namin ay nasusunod.




Maine's POV





Masakit pa din ang pisngi ko. Kahit hindi ko tignan ay alam kong may pasa ako sa mukha. Dumugo ba naman ang labi ko. Nag aamok na naman si Nanay. At ako lang naman ang kaya niyang pagbalingan ng init ng ulo niya. Hindi na bago sa akin yun.

Pero sa tuwing pagbubuhatan niya ako ng kamay at pagsasalitaan ng hindi maganda, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang masanay. Nasasaktan pa din ako.


Nasa bar na kami. Kahit anong takip ko sa pisngi ko ng pulbos. Hindi ko naman hilig ang mag make up. Ayokong maging coloring book ang mukha ko.


"Sinaktan ka na naman ng Nanay mo. Ang sabi ko naman kasi sayo, umalis ka na dyan. Pwede mo naman suportahan si Ingrid kahit na wala ka sa bahay na yun." Litanya ni Nadz habang nasa locker room kami. Sila lang ang napagsasabihan ko ng lahat ng sama ng loob ko.


"Pag iniwan ko si Ingrid, baka siya ang mapagbalingan ni Nanay. Iba na siya ngayon. Kawawa naman ang kapatid ko." Napapabuntong hininga na sagot ko sa kanya


"Oh tapos ano? Ikaw ang gagawing punching bag? Believe me, hindi niya magagawa sa anak niya yung ginagawa niya sayo. Isipin mo naman ang sarili mo. Ginawa ka na ngang kalabaw at alila nila. Tapos sinasaktan ka pa." Nakasimangot naman na tugon ni Kath. Hindi ko magawang sumagot sa kanila dahil parehong totoo ang sinasabi nila.


"Kaya ko naman. Kakayanin ko." Pinalakas ko ang loob ko. Hindi na sila umimik pa. Nagpatuloy kami sa pag aayos hanggang sa magbukas na yung bar. Dagsa naman agad yung mga tao.



"Wala na yata si Mr. Del Mundo." Puna ni Kath. Doon ko lang naisip yung pagliligtas na ginawa sa akin ni Alden. Naisip ko siya bigla. Kamusta na kaya yun?



"Mabuti nga yun. Wala ng nang-gugulo sayo sa trabaho." Si Nadz naman ang sumagot. Hindi ko na din sinabi sa kanila yung nangyari. Mahabang usapan pa yun e. Pilit kong inaliw na lang ang sarili ko. Naasa ako na madaming magbibigay sa akin ng tip ngayon. Magbabayaran na naman kasi ng tubig at kuryente.



"Hi." Napalingon ako sa may ari ng boses na yun at kumalabog ang puso ko. Isang linggo ko siyang hindi nakita. At ang gwapo niya pa din.



"May... may kailangan po ba kayo?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Ano ba to? Bakit kinakabahan ako at halatang halata na ngayon? Noon naman ay nakukuha ko pang magsungit sa kanya.



"Wala naman. Gusto ko lang mag Hi sayo. Sige." Ngumiti siya at parang natunaw naman ang puso ko. Libo libong paru-paro ang nasa tyan ko at kasalukuyang nagpapaikot ikot.



"Pero sandali, ano yang nasa mukha mo?" Biglang tanong niya. Nagulat na naman ako sa kanya.



"Wala." Ako na ang tumalikod sa kanya. Porke ba niligtas niya ako ay akala niya makikipag kaibigan na ako sa kanya? No way! Baka isipin niya na easy girl lang ako.




"Close na kayo te?" Untag ni Nadz. Nagulat na naman ako! Haha. Ilang beses pa ba ako magugulat ngayong gabi na to?




"May tinanong lang. Bumalik ka na nga don!" Asar ko sa kanya. Nakangisi siya at parang may ibig sabihin. Binalewala ko na lang yun. Naghanap ako ng gagawin. Hindi masyadong wild ang crowd ngayon.




"Yung nasa pisngi mo. Pasa yan e. Sino may gawa nyan?" Napalingon ako sa may ari ng boses na yun. Nakakunot ang noo niya at para bang naghihintay ng sagot ko.



"Sir. Wala nga po. Tsaka pwede po ba wag kayo basta nalitaw sa harapan ko." Inis na tinalikuran ko siya kahit na sa totoo lang para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon