Thirty One

2.6K 134 13
                                    

Maine's POV






Parang naninikip ang dibdib ko habang nasa taxi ako. Kanina pa gustong bumuhos ng luha ko pero pinipigilan ko. Ayokong umiyak. Kahit na nasasaktan ako. Bakit ba kasi hindi ko naisip na madami palang babae sa buhay niya. Akala ko kasi e. Akala ko lang pala.






Nasa tapat na ako ng condo niya at madami ng naglalaro sa isip ko. Umalis na kaya ako? Pero pag ginawa ko yun, para ko na din pinatunayan sa kanya na apektado ako sa nakita ko kanina. At tsaka masyado siyang madaming ginawang mabuti sa akin.






Pwede naman akong umalis pero magpapaalam ako sa kanya ng maayos. Sa ngayon, hindi ko pa muna kaya na umuwi sa bahay. Magpapalipas lang ako ng ilang oras. Iiyak lang ako. Gusto kong matawa dahil kanina nung kaharap ko siya, gusto ko ng maiyak pero ngayon ay hindi ko na magawa. Malamang ay nasanay na din ako dahil sa pananakit ni Nanay Connie.





Hindi ako umakyat sa unit niya. Medyo madilim na din pala. Nagpasya muna ako na pumunta sa isang park at nilibang ko ang sarili ko. Kumain ako ng ice cream habang nanonood sa grupo ng mga estudyanteng nagpapractice routine nila para sa cheerdance competition ng school nila. Naalala ko tuloy nung college ako. Napilitan akong magsayaw para lang makabawas sa tuition ko.





Pero parang nananadya ang tadhana. Biglang may dumaan na magkasintahan sa harapan ko. At nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ang swerte naman nung babae. Nakahanap siya ng lalakeng magmamahal sa kanya. Masaya ako para sa kanila. Naglakad lakad ako at nilibang ang sarili ko sa mga nakikita ko. Hindi ko na namalayan ang oras at dun ko lang napansin na malapit na palang mag alas dose. Totoo? Ganun na ako katagal nandito? Halos kalahating araw.






"Buti na lang hindi mo naisipan lumayo at hindi ako napagod na sundan ka." Parang aatakihin ako sa puso ng makita ko kung sino ang nagsalita.






"Nagpahangin lang ako." Yumuko ako dahil nung nakita ko siya ay naalala ko na naman yung nasaksihan ko kanina. At parang nagbabara na ang lalamunan ko dahil biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Wow! Ngayon pa talaga ako naiiyak? Kaninang pinipilit ko ayaw pumatak. Kung bakit ba naman pag kaharap na kita tsaka ako nanlalambot.





"Uwi na--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kasabay ng pagyakap niya ay ang pagpatak ng luha ko. Shit! Tigil! Wag kang pumatak!





"Nag alala ako sayo. Akala ko hindi ka na uuwi sa bahay. Alam mo naman na ayokong nawawala ka sa paningin ko. Wag mo na uulitin yun Maine. Please? Wag ka ng aalis. Nakikiusap ako sayo." Parang bata na pakiusap niya. Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Tinangka kong kumawala sa kanya pero sadyang mahigpit ang yakap niya.





"Alden. Stop." Hindi maitatanggi sa boses ko na naiyak ako. Hinaplos niya ang buhok ko at mas niyakap ako.






"Wag ka ng umiyak. Nasasaktan ko. Hinabol kita kanina e. Wala akong pakialam sa babaeng yun. Kung ano man yung nakita mo, hayaan mong ipaliwanag ko. Pero maniwala ka hindi ko yun sinasadya. I'm sorry please? Don't cry. I love you." Masuyong sabi niya sa akin at para naman akong nabingi.





"Huh?"






"I love you. Mahal kita Maine. Mahal na mahal. Kahit pa sapakin mo ko ng ilang beses. Wala akong pakialam. Alam mo bang nagpapasalamat ako kasi ng dahil yata sa sapak mo na yun, nagising ako sa katotohanan na hindi pala lahat ng babae ay makukuha ko. Iba ka sa kanila. Ibang iba. At sayo ko lang naramdaman to. I love you so much. No words can define the feelings I have for you. All I know is that, you belong with me. You are mine." Punong puno ng sinseridad ang pagkakasabi niyang yun. At parang may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.





Mahal niya ako? Mahal din niya ako. Kahit na gusto kong tumalon sa tuwa ay hindi ko magawa dahil di pa din nagsisink in sa utak ko yung mga sinabi niya.






"Gusto ko sa akin ka lang ngingiti. Your eyes, your nose, your cheeks, your hand. Most especially you're lips. It all belongs to me. Only me. Sa akin lang Maine. I'm sorry for making you cry. Sorry din kung walang kahit anong surprises akong naihanda para sayo. Sarili ko lang kasi yung dala ko e. Sana enough na yun para marinig ko yung salitang mahal mo din ako. Mahalin mo lang ako ng konti. Ako ng bahalang magparami." Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi niyang yun.






Nag uumapaw ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Patuloy pa din ang pag iyak ko at alam kong naiiyak ako dahil sa tuwa. Nabura lahat ng sakit na naramdaman ko kanina. "Magsalita ka naman."





"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko e. Basta ang alam ko lang. I've always felt safe when I'm with you. Na kahit ninakaw mo ang first kiss ko, hindi ko maitatanggi na hinahanap hanap ko yun. Sorry din. Umalis agad ako kanina. Sorry kung natagalan bago ko marealize na mahal na mahal din pala kita. Hindi ko kailangan ng kahit ano. Kahit na simpleng ganito lang sapat na sa akin yun. Salamat Alden. Ikaw ang superman ko. Mahal na mahal din kita." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin yun. Nakanganga siya at nagulat sa sinabi ko. Aba ginulat niya din naman ako kanina.






"Maine." Ganun na lang ang gulat ko ng biglang pumatak ang luha sa mga mata niya. Mas lalo tuloy akong naiyak. Pinunasan namin ang mukha ng isa't isa tapos ay pinagdikit ang noo namin. Ang kamay ko ay dinala niya sa dibdib niya.





"Ikaw lang ang mamahalin ng puso ko. Tandaan mo yan. I love you so much, Maine." Hindi na ako nakapagpigil at ako na ang kusang humawak sa kwelyo niya.





"I love you too, Alden." And then I kissed him.


---
A/N: Anebeyen kinikilig naman ako sa mga comments niyo. I need moreeeee. Hehe. Love you all babies! 😘 -AteJen/jlovato22

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon