Alden's POV
Maaga akong nagising ngayon kahit na puyat ako. Hindi ako makatulog kakaisip e. Nung hinalikan ko siya kagabi ay hindi siya gumanti ng halik sa akin pero pakiramdam ko ay kuntento na ako. Okay na sa akin kahit na hindi niya ako halikan pabalik.
At eto ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan. Tumayo ako sa higaan at lumabas sa kitchen para maghanap ng makakain. Malamang ay tulog pa yun si Maine kaya hindi ko na siya aabalahin pa.
Pero laking gulat ko ng makita ko siya na nasa kusina at nagluluto. Grabe ang aga din niya nagising? Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Para kaming mag asawa. Kasi inaasikaso niya ako.
"Uy. Kanina ka pa? Hindi na kasi ako nakatulog kaya nagluto na lang ako ng breakfast. Halika na." Nginitian niya ako. Pero bakas pa din ang pagkailang sa kanya. Malamang Alden. Halikan mo ba naman kagabi e. Sinong di maiilang?
"Hindi naman. Kakalabas ko lang ng kwarto. Bakit hindi ka na makatulog?" Tanong ko sa kanya. Sinisikap ko din na mawala ang pagkailang niya sa akin. Umupo ako sa may kitchen stool at pinanood ko siya. Halatang sanay siya sa gawaing bahay e.
"Hindi ko nga alam e. Hayaan mo na. Ikaw bat ang aga mo?" Balik tanong niya sa akin habang busy pa din siya sa pagluluto ng corned beef at fried rice.
"May tumawag kasi e." Pagdadahilan ko na lang sa kanya. Tumango na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin na lang sa kanya at sa labi niya. Ang aga aga gusto ko na naman siyang y kiss. Kaya lang baka magulat at masapak na naman ako.
"Woi! Kain na. Nakatunganga ka pa dyan." Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Shit! Nakakahiya.
Nagsimula na kaming kumain. Pati kape ay nasa harapan ko na. Wala na akong ibang gagawin kundi ang kumain na lang. Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam na may nag aalaga sa akin.
.
"Maine, hindi mo naman kailangan gawin to. Kaya ko naman mag isa. Bisita kita dito kaya hindi mo ako kailangan pagsilbihan." Seryosong sabi ko sa kanya. Pero ngumiti siya sa at tsaka nilagyan ako ng rice at corned beef sa plato ko.
"Gusto ko yung ginagawa ko. Tsaka kahit dito man lang makabawi ako sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Kaya okay lang ako. Wag mo ng isipin yun." Ngumiti siya ulit at nagsimula na kaming kumain.
Nang matapos ang agahan namin ay pumasok ako sa kwarto ko para maligo. Ayaw niya naman kasing tulungan ko siya na mag ayos ng pinagkainan namin. Ewan ko ba naman kung bakit hindi ko magawang tumanggi sa kanya. This is so not me. Sanay ako na nasusunod ako pero sa kanya ay tumitiklop ako.
Mabilis akong nag ayos para makaalis na. Madami din akong trabaho ngayon. Dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko na nga yatang ayusin ang long sleeves ko. Mamaya na lang sa sasakyan.
"Alis na ko." Paalam ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Tsk! Kita mo tong babaeng to. Hindi niya maalala yung rules na kakasabi ko lang kagabi.
Nakatayo pa din ako sa harapan niya at hinihintay kung nakakahalata siya na may nakakalimutan siyang gawin. Pero tinignan niya din ako at parang nagtataka pa siya.
"Akala ko ba aalis ka na? May naiwan ka ba?" Takang tanong niya. Gusto kong mainis. Hindi ba talaga niya naalala? O sadyang ayaw niya lang alalahanin.
"Wala ka bang nakakalimutan?" Hindi na ako nakatiis. Ang tagal naman kasi makahalata! Napakamanhid mong babae ka!
"Hmm. Ay!" Agad na nagliwanag ang mata ko at napangiti ako ng bigla siyang lumapit sa akin at iniharap ako sa kanya.
"Ayan ayos na!" Ang kaninang ngiti ko ay biglang nawala. Dahil lumapit lang siya sa akin para ayusin ang neck tie ko! Damn!
"Oh? Ano pang hinihintay mo dyan? Anong oras na oh." Turo pa niya sa wall clock. Napakunot ang noo ko at hindi na nakatiis pa. Hinawakan ko siya sa braso at sinandal sa pader tsaka nilapit ang mukha ko sa kanya. Sunod sunod ang naging paglunok niya.
"Ba-bakit?" Nanlalaki ang mata niya habang kinakabahan. Gusto ko tuloy kurutin ang ilong niya kasi ang cute niya. She's really simple.
"May nakalimutan kang gawin e. Kakasabi ko lang kagabi diba? Na pag aalis ako o aalis ka, dapat may kiss ako. Paalis ako ngayon oh." Malambing ang tono ng pagkakasabi ko tsaka ko siya nginitian ng ubod ng tamis. Sunod sunod na naman ang naging paglunok niya.
"Naka kiss ka na nga kagabi e! Pwede na yun." Pilit niyang pinapasungit ang tono niya kahit na alam kong strategy niya lang yun para lumayo ako. Pero mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya.
"Its not enough for me." And as if on cue. I kissed her again. And again. And again.
James's POV
Pumasok ako sa opisina ni Alden at rinig na rinig ko ang paghuni niya. Mukhang good mood ang loko. Bihira to kumanta e.
"Yow!" Good mood nga. First time akong binati ng nakangiti e. Kadalasan ay bulyaw agad o kaya naman ay papaalisin na agad ako kahit na hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko.
"Bakit good mood ka?" Takang tanong ko. Lumapit siya sa akin at nakipag manly hug.
"Wala naman. Maganda lang ang gising ko. Bakit ka nandito? Ang sipag mo dre. Ganyan mo ko kamahal? Araw araw naglalakad ka para lang makita ako." Pang aasar niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ilang linggo pa lang ba na nasa kanya si Maine? Hindi ko alam e. Pero ang laki na ng ipinagbago niya.
"Letse. Wala lang akong choice. O kamusta naman si Maine sa bahay mo?" Pang uusisa ko. Umupo ako sa sofa niya at isinandal ang likod ko.
"Okay naman. Masaya." Gusto kong mandiri sa itsura niya dahil para siyang nangingiti sa kawalan.
"You're having the signs bro. Signs of being inlove. Nakakadiri ka!" Bulyaw ko sa kanya. Pero imbes na bulyawan din niya ako ay nginitian niya lang ako.

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...