Maine's POV
Matapos ang sinabing yun ni Alden ay hindi na ako nagsalita pa ulit sa kanya. Kahit kanina habang nag aalmusal kaming tatlo ay akala mo may patay dahil sa sobrang katahimikan. Tunog ng kutsara at tinidor lang ang naririnig namin. Si Bianca din ay hindi nagsasalita. Pumunta ako kay Nadz at Kath. Hindi kasi sila papasok ngayon sa restaurant. Nag resign na din ako ng tuluyan dun dahil sapat naman na ang kinikita ko sa bar.
"Nagkatampuhan lang naman pala. Madali lang yan. Magluto ka. Tapos dalhin mo sa office niya. Ganun lang yun. Hay! Baka naman hindi mo pa din yun magawa." Sermon sa akin ni Kath habang umiinom kami ng juice.
"Nagtataka lang ako kasi bakit ganun siya." Parang nahihiyang tugon ko sa kanila.
"Bulag ka ba? O manhid ka? Hindi ba halata na may gusto siya sayo? Hindi niya gagawin ang bagay na yun kung hindi na mahalaga sa kanya. Isipin mo nga yung mga sacrifices ni Alden para sayo. To think na hindi ka niya kilala in the first place. Sinapak mo pa nga e. Ano ka ba Maine!" Naiirita ng sagot ni Nadz sabay ang pag sang ayon naman ni Kath. Nananatili akong nakayuko at hindi ko mahanap ang tamang isasagot ko sa kanila.
"At ikaw namang babae ka! Bakit hindi mo aminin sa sarili mo na mahal mo na din siya. Tss. Wag ka ng pabebe dyan. Wag mo ng panindigan yang pagiging cold hearted mo dahil hindi nakakatuwa! Hala sige! Ayusin mo na ang sarili mo at pumunta ka na sa Superman mo ng makapag simula na ang love story niyo!" May halong biro na tugon naman ni Kath. At dahil sa sinabi nilang yun ay may napatunayan ako.
Tumayo ako at niyakap ko sila ng mahigpit. "Thank you babies!" Hindi ko na sila hinintay sumagot pa at nagmamadaling bumalik sa condo ni Alden. Nandun naman si Bianca at sure ako na tutulungan naman niya akong maghanda ng food para sa Kuya niya.
Mabilis lang ang naging byahe ko pabalik sa condo niya. Bumili na din ako ng mga ingredients ng lulutuin ko. Meron namang stock sa bahay niya pero gusto ko ay yung galing sa akin mismo. Masaya akong umuwi at sinalubong si Bianca. Sana ay maging maganda ang araw na ito para sa ating dalawa, Alden.
Alden's POV
Gusto ko ng ibato lahat ng papel sa lamesa ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sa kanya kahapon ay hindi na siya nagsalita ulit. Hanggang kaninang umaga. Pakiramdam ko ay lumayo ang loob niya sa akin.
"Kung mahal mo na. Sabihin mo na. Hindi yung para kang tanga dyan! Hindi ka naman namin pagtatawanan!" May bahid ng pagkainis na sabi ni DJ. Nandito sila ulit ni James at ginugulo ako. Magulo na nga ang isip ko e.
"Tsk! E parang ayaw niya nga kasi sa akin!" Hindi ko na napagilan ang sarili ko at napahawak na sa sentido ko. Kung nakakamatay lang ang isipin si Maine, malamang ay nakapag 40 days na ako e.
"Bading! Paano mo masasabi na ayaw niya kung hindi mo naman sasabihin! Bahala ka nga dyan! Sana maunahan ka ng iba! Akala ko pa naman matapang ka. Tara na nga. Hayaan mo yan dyan para makapag isip ng tama!" Bulyaw sa akin ni James. Si DJ naman ay sumunod agad sa kanya at wala man lang pasabi na iniwan agad ako.
Dahil hindi ako makapag isip ng tama ay binuhos ko na lang sa trabaho ko ang oras ko. Kahit na hindi ko alam kung tama ba lahat ng ginagawa ko.
"I missed you!" Napaangat ang tingin ko ng makita ko si Louise. Siya ang kababata ko. Hindi naman kami masyadong close kasi alam ko naman na may gusto siya sa akin noon pa. Natuwa pa nga ako nung umalis na siya.
"Oh? Nakabalik ka na pala? Kamusta?" Tumayo ako para salubungin siya. Tulad ng inaasahan ko ay niyakap niya ako na akala mo asawa ko siya dahil sa sobrang higpit. Naiilang naman akong lumayo sa kanya. Ayoko na kasing maging malapit sa kanya dahil binibigyan niya ng kahulugan.
"Ngayon lang. Dito agad ako pumunta kasi gusto na kitang makita. Kamusta ka na?" Lumapit siya sa akin at ikinawit ang kamay niya sa batok ko. Dinidikit niya pang pilit ang katawan niya sa akin. Pero ganun pa man hindi talaga ako makaramdam ng kakaiba sa kanya. Kahit nga init ng katawan wala e.
"Okay lang ako. Busy lang kasi bago pa lang ako dito. May gusto ka ba? Coffee, juice?" Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya pero ayaw niya. Pwede bang manulak ng babae kahit isang beses lang? Nakakairita na e.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." Malanding bulong niya sa tenga ko at akmang hahalikan ako. Pero mabilis akong umiwas at naitulak ko na siya. Bahala na siya.
"Louise. Just go." Kinakalma ko ang sarili ko. Ayokong maging bastos lalo na't naging magkaibigan din naman kami. Pero imbes na makaramdam ng hiya ay pinihit niya ako paharap sa kanya at tsaka tinulak dahilan para mapaupo ako sa sofa. Tsaka siya umupo sa lap ko.
"Wag ka ng masyadong pakipot. Alam mo naman na matagal ko ng hinihiling sayo to. Promise I'll be a perfect wife and a mother to our children." Nilapit niyang muli ang mukha niya sa akin. At kitang kita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Di-dinalhan kita ng..... ng pagkain. Sorry.... hindi na ako kumatok. Sorry sa.... abala." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Si Maine! Nakatayo siya at may dalang paper bag.
Wala sa loob na naitulak ko si Louise na nasa kandungan ko at lumapit kay Maine. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya at bahagya siyang umatras. "Mauna na.... ako." Bigla niya akong tinalikuran. At hindi ako bulag para hindi makita na nangingislap ang mata niya dahil may luha.
"Maine---"
"Ano ba? Hayaan mo na yang katulong mo. Masyado naman siyang bata para maging Yaya mo. Pero nandito na ako ngayon. Pwede mo na siyang itapon." Parang umusok ang tenga ko sa sinabi niyang yun.
"You see that girl? Yung tinawag mong KATULONG ko? Huh?! You do not know her so you don't have the right to insult her! I love her! Mahal na mahal ko ang babaeng ininsulto mo! Tsk! Damn! Get lost, Louise!" Galit na galit akong tinalikuran siya at sinundan si Maine. Nasaan ka na ba? Hintayin mo ko. Sasabihin ko pa nga sayo na mahal kita e. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Ficção AdolescenteSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...