Maine's POV
"Faulkerson! Ano bang ginagawa mo sa anak mo?!" Sita ko sa kanilang mag ama. Paano ba naman nahuli ko silang naglalaro ng chocolate at kalat kalat sa bibig ni Charmaine. Tawa pa ng tawa si baby habang yung magaling niyang ama ay tuwang tuwa din sa kalokohan niya. Time flies so fast. Isang buwan na kaming nandito sa bahay ni Alden at hindi ko naman itatanggi na iba ang kasiyahang nakikita ko ngayon sa mata ng anak ko.
"Mommy Babe wala po akong ginagawa. Si Baby Babe yung may gusto. Pinabayaan ko lang." Parang bata na sumbong ni Alden. Akala mo naman naiintindihan siya ng anak niya. Kaltukan ko kaya to? Nakapamewang ako sa kanila at hindi ko napigilan ang tumawa.
"Tse! Pareho kayong dalawa! Imbes na awatin mo, ikaw pa nagbibigay e. Pagbalik ko dapat malinis na yang mukha ng anak mo ah? Wait lang. Nagluluto ako." Tinalikuran ko na silang dalawa. Ganyan naman lagi ang eksena namin pag walang pasok. Ako nagawa ng gawaing bahay habang siya naman ay inaalagaan si Charmaine. Mas madami akong time ngayon sa restaurant dahil naiiwan ko na sa Lolo at Lola niya si baby. Pero hindi naman napayag si Alden na hindi susunduin ang anak niya.
"Pupunasan na kita Princess. Ang sunget ng Mommy mo. Baka may visitor." Di nakatakas sa pandinig ko yung sinabi niya na yun. Napangiti ako habang naglalakad pabalik sa kusina. Aminin ko man o hindi, masaya ako sa nangyayari ngayon. Hindi pa man tuluyang maayos ang lahat sa amin, atleast nakikita ko yung pagbabago niya. At alam kong ginagawa niya ang lahat para makabawi siya. Mas okay na yung ganito kesa naman tago kami ng tago.
Minadali ko na ang ginagawa ko. Baka kasi nagugutom na sila. Oo na, baka kasi nagugutom na si Alden. Alam ko na nasa isip niyo. Hindi pa naman pwede sa ganitong pagkain si Baby. Naabutan ko silang mag ama na nakahiga sa sofa nanonood ng TV at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Nakahiga sa dibdib niya ang anak niya.
"Tulog na si baby? Akin na. Kain na tayo." Untag ko sa kanya. Dahan dahan kong kinuha si Charmaine. Hindi naman pala tulog. Tahimik siya pag hawak siya ng tatay niya e. Pero hindi ko pa man nakukuha ang anak niya sa kanya ay bigla niya akong hinila paupo sa tabi nila. Hindi naman masyadong malakas pero sapat na para mapaupo ako.
"Aray! Bakit ka ba nanghihila?" Tanong ko sa kanya. Pero imbes na sumagot ay hinawakan niya lang ng mahigpit ang kamay ko. Eto na naman ang malakas na kalabog ng dibdib ko sa tuwing mapapadikit ako sa kanya e.
"I love mornings like this. Sana lagi tayong ganito. Dito ka muna samen ni Baby. Maaga pa para mag lunch e." Nag pout pa siya. Tss. Sapakin ko nguso nito e. Ang cute e. Inirapan ko lang siya at hinayaan sa trip niya. Nanonood kami ng mga music videos na pang Baby. Yung madaming kulay para malibang si Charmaine.
"Nak, favorite mo oh." Kinuha ko si Charmaine sa dibdib ni Alden at kinalong ko. No choice ako kundi umurong padikit sa kanya. Bale nakahiga siya ng patagilid tas nakasandal ako sa may tyan niya. Yung kamay niya ay nakayakap sa amin ni Baby. Di niyo na gets? Ako din e. Haha!
"Daddy Finger, daddy finger where are you? Here I am, here I am how do you do." Kanta ko habang inaaction pa yung sa daliri. Tuwang tuwa kasi si Charmaine sa kanta na to e. "Mommy finger, mommy finger where are you. Here I am, here I am how do you do." Patuloy ko pa. Libang na libang si Charmaine sa ginagawa namin. At ang bawat paghalakhak niya ay hindi matatawaran ng kahit na ano. Musika sa pandinig ko yun. Tawa din tuloy ako ng tawa sa kanya.
"Very good ang baby ko ah!" Pinalakpak ko pa ang dalawang maliit niyang kamay. Napalingon ako kay Alden at nakangiti siya habang tinitignan kaming mag ina.
"I like the song. Kaya lang wala pang Brother at tsaka Sister finger e. Para kumpleto na yung Finger family." Nakangiting sabi niya at bigla ko siyang hinampas! "Aray! Baby Babe nananakit si Mommy Babe oh!" Parang batang nagsusumbong siya sa anak niya. Akala mo naman naiintindihan na ni Charmaine.
"Napaka manyak mo talaga!" Humalakhak siya at mas niyakap kaming mag ina. "Anak, wag mong gagayahin yang pagiging mapang asar ng Daddy mo." Bulong ko kay Charmaine pero sigurado naman ako na narinig niya yun.
"Nak, wag mong mamanahin yang pagiging masungit at mapanakit ng Mommy mo." Ganting asar niya sa akin. Inirapan ko siya at mabilis na tumayo. Karga ko pa din si Charmaine. "Mommy Babe! Hoy! Nagtampo ka na naman. Sorry na!" Dinig ko pang sigaw niya. Neknek mo!
Nauna na kami ni Baby sa dining area. At alam kong nakasunod siya sa amin. "Sorry na nga e." Parang batang sabi niya pero inirapan ko lang siya. Gusto kong matawa sa epic na itsura niya. Para siyang bata na umupo sa kabisera at nakapalumbaba na tumingin sa akin. "Sorry na po Mommy Babe." Nagpacute pa nga! Suntukin kita sa bagang e!
"Oo na! Kumain na tayo at lipas na lipas na yata yang gutom mo!" Paismid na tugon ko sa kanya. At nagsimula na kaming kumain. Sinusubuan ko ng pakonti konti si Baby. Puro potatoes lang kasi ang gusto niyang kinakain e. Si Yaya Myrna kasi ay pinag day off ulit ni Alden. Okay lang. Para mas maalagaan namin ang anak namin.
"Hawakan mo na muna si Charmaine. Magliligpit lang ako." Inabot ko sa kanya ang anak niya. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan namin. Hay! Housewife na housewife ang dating ko. At ganito lang naman talaga ang gusto ko. Yung inaasikaso ko sila. Sabi ko kasi noon, pag nagkapamilya ako. Aalagaan ko talaga sila ng buong buo.
Biglang may yumakap sa likod ko. Kaya nagulat ako. "Ho-hoy! Bakit ka nandito? Nasaan si Charmaine?" Pasungit na tanong ko sa kanya. Kahit na kinakabahan na naman ako! Pero inamoy amoy niya lang yung buhok ko.
"Nandun sa Ninang Kath niya. Tutulungan na lang kita dito." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin kaya mas lumakas ang kaba sa dibdib ko. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko naman magawa.
"Kaya ko na to. Ano.... dun ka na." Kanda utal na sagot ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya. At unti unti niya akong hinarap sa kanya. Shet! Ang gwapo. Hayup!
"A-alden ano ba---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang sinakop ang labi ko.
****
A/N: Pambawi po sa mga masasakit na nangyari nitong mga nakaraang chapters. Please vote and comment. Love you all!

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...