Chapter 15: Trouble

12.2K 278 2
                                    


Shanelle's POV

Naglalakad ako ngayon palabas sa school. Nakakainis kasi si kuya di man lang ako sinundo may importante kasing lalakarin at ewan ko naman kung Ano na naman ang pinag kakaabalahan nya.

Nasa gitna na ako ng Pag lalakad ng may narinig akong kalabog. Hala! Ano na naman yun? Takte naman oh! Medyo gumagabi na kaya. Aalis na sana Ako ng makarainig ako ng familiar na taong nag salita na Hindi ko naman alam kung asan yun.

*booogssh*

Napatakip ako sa bibig ko nung makakita ako ng latang tumilapon. Multo kaya toh? Nakakabanas naman eh!

Binilisan ko ang Pag lakad ko ng makarinig na naman ako ng suntok.

Napatigil na talaga ako at binalikan kung asan yung maingay kanina. Isang daan lang yung nakita ko yun yung daan papunta sa likod ng school. Medyo maliwanag naman halos kita mo na yung mga taong nag papatayan. Teka? Nagpapatayan? Lumapit pa ako ng kaunti ng makita ko si...

O______O

Yuan!!!!

Tang ina! Bakit sya pumapayag na bugbugin sya ng mga pangit nayun. Hoy! Yuan lumaban ka! Bwisit ka talaga Yuan.

Ayan na Ayan na! Kumuha na yung pangit ng bakal at balak sanang ihampas Kay ...

"TIGIL!!!" Ngiiiii! Patay ka! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako lumabas sa pinag tataguan ko. Napatingin naman yung mga pangit na lalake sakin lalo na si yuan.

"Mental anong ginagawa mo dito?" Walang hiya ka talaga yuan. Naawa lang ako sayo, baka pag di kita tinulungan baka kulitin lang ako ng konsensya ko kaya dapat mag thank you sya sakin. Ganyan na ang sitwasyon nya nagawa nya pang tawagin akong mental

"Yung babae," rinig ko na sabi nung lalakeng pangit. Sumakit nalang yung mga braso ko ng maramdaman kung may dalawang kamay na nakahawak sa braso ko. Hinayupakk na mga lalakeng to oh!

"Bwisit kayo bitawan nyo nga ako" Pag pipilit Kong makawala sa mga mahihigpit na hawak nila sa braso ko. Grabe naman toh kung makahawak nakikita nya ba ang kulay ng balat ko tsk!

"Mukang masarap ka miss ah.. Girlpren kaba ng mokong na toh?" Waaaaaaa.. Ano raw anong girlfriend Hindi noh

"Pwedeng patikim"
Ehhh.. Nag pumilit parin ako sa Pag kakahawak nya sakin na sobrang sakit kainis to ha!

"FUCK! Can you just fight tough! Ugh.. Damn @ssholes!" Ugh.. Bakit ba ang hilig mong mag mura? Nasa panganib kana ehh..

"Tulungan mo ako Yuan" Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Makinig ka Lopez gagawin namin tong tropeyo tong babaeng toh Pag natalo namin ang rank 3 nyo at Pag Hindi kakampi kami sa inyo ngayong finals"

"Kahit dalhin nyo pa yang babaeng yan sa bahay nyo wala akong pakialam." Tama ba yung narinig ko? OK lang sa kanya? How dare him! Sobrang kapal nya tinulungan ko na nga sya tapos ako hahayaan lang nya na saktan ako ng mga pangit natoh!

Napatingin naman ako sa mga lalaking nakahawak sakin. Kung makatingin sila sakin kanina parang huhubaran na nila ako pero ngayon nawala ang ngiti nila. Naramdaman ko nalang na unti unting bumibitaw yung mga hawak nila sa braso ko.

"Humanda ka samin Lopez Hindi pa tayo tapos!" Inis na sabi nung lalaki. At tuluyan na silang umalis. Ugh.. Nakakaawa naman yang yuan na yan. Mayabang kasi eh,

Tumakbo ako papalapit sa Kanya at umupo para mapantayan sya.

"Ok kalang ba?" Umupo muna sya ng maayos at humarap sakin na naka kunot noo.

"Baliw ka talaga" ayy, sobrang gandang sagot. Catch ko!

"Ikaw pa nga yung tinulungan tapos ganyan ka pa sakin. Ang sama mo rin kumag ka noh?" Tumayo ako at handa na sanang umalis ng magsalita na naman sya.

"S-san ka P-pupunta?" Napangiti nalang ako sa tanong nya! Tsk! Hindi naman talaga ako aalis eh kukuha lang ako ng gamot.

"Kukuha lang ako ng gamot para sa sugat mo" mahinahon kung sabi. Tiningnan nya lang ako saglit at yumuko din sya.

Pumunta lang ako sa clinic namin total mag se seven pa naman tyaka bukas pa yung school namin.

Ng makakuha na ako ng betadine  bulak at band aid nag madali na akong pumunta dun sa likod ng school.

"Usog ka dito gagamutin ko yang sugat mo" umusog naman ito at sinimulan kona sa kanyang muka. Grabe sobrang gwapo pa naman nito sana hindi mag ka peklat. Galit na galit ako rito Hindi ko nga alam sa lahat ng pang iinis nya sakin nagawa ko syang tulungan . Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako na nabugbog sya kasi iba yung nararamdaman ko ngayon eh. Gusto ko syang yakapin at mag sorry ako sa kanya.

Natapos ko ng gamutin ang mga sugat nya kaya umupo muna ako sa tabi nya.

"Thank you" mahinang sabi nya na ikinatuwa ng damdamin ko. Parang nawala tuloy inis sa kanya. Mag sasalita na sana ako Pero bigla syang humarap sakin at niyakap ako.

*dug dug dug*

Takte! Tong puso ko kainis! Gusto ko mang alisin tong yakap nya sakin di ko magawa.

"Baliw ka ba pinag alala mo ako pano kung sinaktan ka nila? Hindi ka ba nag iisip ugh.. Mental ka talaga" OK na sana yung sinabi nya dinag dagan nya pa eh.. Dinutdot ko yung kamay ko sa noo nya.

"OA mo kumag ka!" Singhal ko sa kanya at tyaka anong pinag alala halos ipain nya nga ako sa mga pangit nayun eh bwisit sya.

"Nag aalala ka sa sitwasyon mong yan? Talaga ba? Eh halos payagan mo nga yung lalaking manyakin ako eh salbahe ka talaga!" Tsk! Kapal nito nag aalala daw.

"Bobo karin noh!" Kung maka bobo toh akala mo kung sino!inirapan ko lang sya at tumingin sa mga paa ko.

"Pag sinabi kung may pakialam ako sayo gagalawin ka nila. Kaya ko lang naman sinabi yun para Hindi ka nila Pag samantalahan!" Napaangat ang ulo ko nung marinig ko ang sinabi nya. Sinadya nya talaga yun.

"S-salamat" ehh.. Nahihiya ako sa kanya Pag naiisip ko yun eh. Napansin kung tumayo sya at pinag Pag ang damit nya.

"Mental? Alam kung hindi maayos ang Pag kikita natin kaya hayaan mong baguhin natin lahat yun?" Ano raw? Hindi ko ma g! Anong ibig nyang sabihin?

"I'm Yuan Axel Lopez, 17 years old from photography Department nice meeting you" nakangiti sya Habang sinasabi yun. Bat ang weird nya?. Muka tuloy syang baliw na ilahad ang kanang kamay nya.

Natameme lang ako Habang nakatitig sa kamay nya. Grabe! Totoo ba toh? Magiging kaibigan ko na tong kumag na toh!

"Ano ba? Ayaw mong makipag kaibigan sakin? Grabe! Sobrang nakakahiya yun!" Halos matawa ako sa ginawa nya. Sinabunutan kasi nya ang sarili nya hahaha baliw talaga!

"I'm Shanelle Guevara 17 years old from photography department nice meeting you too" di ko Alam na Axel pala ang second name nya mas gusto ko tuloy tawagin sya ng ganon.

"Tsk!" Ngiii! Yun lang yung sasabihin nya ang bad talaga.
Napatingin ako sa wrist watch ko patay! 7: 56 na! Kailangan ko ng umuwi!

"Uyy kumag kailangan ko ng umuwi bye ha!" Papaalis na sana Ako ng hilahin nya ako sa braso ko napabalik tuloy ako.

"Bakit?" Diin na sabi ko.

"Anubayen? Kailangan ko ng umuwi papagalitan ako ni kuya"

Wala syang imik imik kusang hinila nya ako sa parking lot at nakita kona naman yung maganda nyang kotse sabay bukas sa kanang pinto.

"Sumakay kana ihahatid kita, delikado sa daan oh" alam ko naman eh. Pero.. Waaaaaaa.. Nagugutom ang mga butterflies sa tyan ko. Sumakay nalang ako hanggang sa wala na akong makita.

"

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon