Chapter 92: They're Back.

7.1K 168 14
                                    

Yuan's POV

"Hello? Sino to?" Nanginginig ako ng marinig ko ang boses nya. Grabe.. Hindi parin nag babago boses nya.

"Hello?" Hindi ko na kailangang iparamdam sa kanya na hinahanap hanap ko parin sya hanggang ngayon. To be honest, I'm still like her.. But now i stop chasing her. Tama na ang mga sandaling nakasama ko sya at kahit saglit sumaya sya. Kontento na rin akong masaya sya sa iba.

"Yuan.." Ilang sandali akong nanigas dahil sa pag banggit nya sa pangalan ko. Saka ko in-end ang call at diretsong inilagay dun sa mesa.

Kasabay nun ang pag pasok ni Clyde. Tumingin sya sakin pabalik sa phone nya.

"Oh ano? Na contact mo ba sya?" Tanong nya at umupo sa office chair ko.

"Hindi"

It's been 4 years. Kaya syempre sa loob ng 4 na taon na yun may mag babago talaga. Ate Elise and Kuya Kevin is now married. Last year lang. Tapos na rin kami sa pag aaral. Si Elaine naging doctor na sa Saint Paul Hospital. Si Gwyneth naman naging Fashion Designer and a model, She's with Claire. Si Denise at Drake naman is now Engaged. Except saming lima. Wala na kaming ginawa kundi ang mag patayo ng training system. Ako na ang ipinalit sa pwesto ni Kuya Kevin. May pamilya na sya kaya hindi daw nya pwedeng ipag patuloy ang pagiging gangster nya.

"Pano ba yan.. Saan natin sila susunduin..?" Tanong nya. Tumayo ako at nag simula ng mag ayos sa sarili ko.

"Let's go to tita Diane's house. Baka alam nila kung saan natin sila susunduin.." Sabi ko at inayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

"Are you sure you want to go with me?" That question make me caught of guard.

I turned my head back to him and smile sheepishly.

"Wala naman sigurong masama.." Nasabi ko at isinuot ang gloves ko. Since nung araw na nawala si Zach, pag aalis ako sinusuot ko na palagi ang gloves ko. Let's just say na I'm careful. We don't know na baka sa kakalakad ko there was a mighty foe na bigla bigla na lang susugod. Mas mabuting handa ako palagi.

"Oh, sige basta kung gusto mong mauna na lang umuwi papayag ako.." Tumango lang ako sa kanya at lumabas na.








Shanelle's POV

"Oh, let's go to your daddy na." Kinarga ko si Kiera at nag lakad papunta kay Cleevan.

May tumawag kasi sa kanya kaya lumayo sya saglit. Ng makalapit na kami sa kanya kinuha nya agad si Kiera. Kagagaling lang naming mag simba, mukang kanina pa nga kami hinihintay nila eh.

"SHANELLE!!!" Napaharap agad ako ng marinig ko ang umaalingawngaw na boses ni-- Denise.

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero bakit parang nahihiya ako. Nahihiya akong humarap sa kanya, sa kanila.

"Hi bro" nag brow hug naman sila ni Cleevan at Drake.

"Grabe! Miss na miss kita!!" Sabi ni Denise at niyakap ako. Hindi ko maintindihan ang lahat. Yumakap ako pabalik sa kanya at dun tumulo ang luha ko.


**

Naka upo kami ngayon sa may coffee shop. Kina Kyle daw tong coffee shop eh. Napunta lang daw sila dun dahil balak nilang bumili ng mga pag kain para sa pag balik daw namin. Katabi ko ngayon si Cleevan habang karga nya si Kiera. Tahimik kaming naka upo. Walang imikan. Puro buntong hininga lang ang maririnig.

"Yaya paki hawak po si Kiera.." Sabi ko at inilayo naman ng Yaya si Kiera

"So.. Anak nyo yung batang yun?" Nag tinginan kami ni Cleevan sa simabi nya at sabay kaming napalingo.

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon