Shanelle's POV
Buntis ako. Buntis ako. Buntis ako. Buntis ako. Buntis ako. Buntis ako.
"KYAHHHHHHH..!!" Sigaw ko saka isinubsob ang ulo sa study table ko sa kwarto.
"Ano bang pinag gagawa ko sa buhay ko?! Bat umabot ng ganito!!?" Nasabi ko sa sarili ko saka ginulo ang buhok.
"Anubayen! Nandyan na yan eh! Tyaka ano ka ba shanelle?! Bata yan." Sagot ko rin naman. Ewan ko ba pero na pra praning na ako eh.
>//< okay na ako. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang---
Ringgggggggggggggg
Dali dali kung kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table sa kama ko saka ito sinagot.
"Hello?"
[Andito ako sa labas ng bahay nyo, mag bihis ka at may pupuntahan tayo] sabi nya.
Naku naman! Paano ba to? Ayoko pa namang sabihin sa kanya. Natatakot ako at baka hindian nya ito tsk! Of course mamaya ko na sasabihin kung pwede na at sigurado na.
[Hello? Shanelle.. Are you still there?] Tanong nya sa kabilang linya kaya napa ayos ako ng tayo.
"Sige.. Hintayin mo lang ako, mag bibihis lang ako." Ine-end ko na ang tawag nya saka ako dumiretso sa closet ko.
Nag white Jeans lang ako saka ng black T-shirt na may white Hello kitty design. Nag suot lang ako ng black na sapatos at bumaba na.
"Hi mommy!" Bati ko sa kanya ng makita ko syang umiinom ng tubig.
"Oh' hi baby.." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.
"San pala ang punta mo ngayon?" Tanong nya.
"Hi tita..." Mag sasalita na sana ako ng biglang pumasok si Axel.
"Ahh.. Date" tugon ni mommy na may patango tango pa.
"Hi ijo" naki beso lang si Axel kay mommy at saka nya kami tiningan mula ulo hanggang paa.
"Seriously anak? Talagang ganyan lang ang suot mo?" Napatingin naman ako sa suot ko saka tiningnan ng masama si Axel.
"Pfft..." Eh gusto nya naman palang tumawa bat nag pipigil pa?! Kainis tong lalakeng toh!?
"Mag bihis ka.." Sabi ni mommy Sakin. Inirapan ko lang si Axel saka ako pumunta sa Taas.
Hays.. Natakot tuloy ako pag nalaman ni mommy na buntis ako. Lalo na si Papa at si Kuya.
Mamaya ko na lang to iisipin. Sasabihan ko muna si Axel bago malaman nila mommy.
"Ano bang pwede kung isuot?" Tanong ko habang nakatingin sa closet ko.
"Eto na lang kaya.." Sabi ko sabay kuha ng isang dress hanggang tuhod na kulay black na may white na mga leaves form.
Inilugay ko lang ang buhok ko at pinalitan ng doll shoes na black ang sapatos ko. Isinuot ko na ang black na relo ko at sa kabila naman ay bracelet.
Bumaba na ako sa hagdan at don ko nakita sina Mommy at Axel na nag uusap.
"Oh' much better.. Baby" sabi ni mommy na tinitingnan ang damit ko.
"Sige, tita mauna na kami.." Paalam ni Axel at nag beso ulit kay mommy.
"Bye mommy..".
BINABASA MO ANG
Gangsters and I [CMPLTD]
Fiksi Penggemar"Gusto ko lang namang maalala ang nakaraan kong ipinagkait nyo," Cast: Yuan Axel Lopez as Oh Sehun Shanelle Guevara as Park Min young Other cast: Warren Ignacio as Kang Min Hyuk Drake Go as Minhyun Clyde Garcia as Sungjae Cleevan Aquino as Jimin Rav...