Chapter 27: Binat Fight

10.6K 241 1
                                    


Ilang minuto ring nakayakap si Axel sakin at ilang minuto rin akong nakapatong sa ibabaw nya. At ngayong nakatulog na sya at unti unting kumakalas sa pag kakayap nya sakin, dahan dahan akong tumayo at napatingin sa paligid. Napansin kung gumalaw sya kaya napatingin uli ako sa kanya.

"Ugh.. Bat ba ang kulit mo sabi ko wag kang aalis diba" sabi nya habang naka taas ang kilay. Pucha! May lagnat na nga may gana pa talagang magalit. Ang lakas rin ng espirito nito noh?

"Bakit sinabi ko bang aalis ako" sabay pamewang sa harapan nya.

Napatingin ulit ako sa paligid. Grabe, ano bang magagamit dito para maunan ng kumag natoh, wala na kasi akong makita bukod sa mga bolang naka patag sa buong court. Wala naman kasing upuan dito eh,

★ buti nalang brainy ako.

Umupo ako sa harapan nya at inistrech ang binti ko. But! Pinatayo ko muna sya. Busangot naman syang tumayo.

Inilapag ko ang dala kong panyo kahit maliit.

"Upo ka na." Sabi ko habang nakangiti. Napansin ko ang pag-galaw ng eyeballs nya pababa sa legs ko kaya napalunok ako.Takte! Naka jumper pa naman ako. Eh sino ba kasing makakaalam na ganito pala ang mangyayari.

"Fvck!" Sigaw nya kaya nanlaki ang mata ko. May lagnat na nga nang mumura pa! Tyaka ako ba ang pinagsabihan nya nun?

"B-bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ko. Hinubad nya agad ang jersey nya. Don't worry. Hindi ko nakita ang pandesal nya kasi may white T-shirt pa sya sa loob.

"Why are you always wearing a Jumper? Eto oh, itakip mo sa legs mo." Sabi kaya napalunok ulit ako.

Dug.


Dug.


Dug.

Bakit?!

Bakit parang kinikilig ako!? Nawewewe ba ako?

Gaya nga ng sinabi nya ay bago ako umupo ay inilagay ko ang jersey nya sa legs ko. Nakataas naman ang kilay nya habang nakatingin sakin..

Bilib talaga ako sa taong to, may lagnat na nga pero yung awra nyang napakadilim. Talagang go with the flow parin. Tss.

"Higa ka." Sabi ko sabay tap sa legs ko.

"Ahmm.. Alam kung hindi ka sanay dito, at Hindi ka rin comfortable dito Pedro hayaan mong binti ko muna ang gawin mong unan." Napakagat labi ako pag katapos kung sabihin yun. Napatingin naman sya sakin tapos sa binti ko------ waaaaaa! Kung iniisip nyang bobosohan nya ako.. Hahahaha humanda sya Kay Kuya.

"Sure ka?" Tanong nya.

Tumango lang ako at humiga na sya. Yung ulo nya nasa mga legs ko. Nakita kung pumikit na sya , Hindi ko tuloy mapigilang mapa tingin sa muka nya. Grabe gwapo talaga sya. Kahit saang anggolo mo tingnan sa lips, sa mata, sa ngipin, sa pilik mata, sa cheeks as in perfect pero ugali nya parang sinumpaan. Eh bakit ba kasi ang sungett nya?. Psh... Nabaling ang tingin ko sa buhok nya. Di ko tuloy mapigilang mapa suklay sa buhok nya gamit ang kamay ko.

Nagulat nalang ako ng bigla syang gumalaw at mag salita.

"You're right Hindi nga komportable... " sabi ko na nga ba eh.

"Pero masarap sa pakiramdam" those words he says it makes my heart beats fast. Parang may kung anong insects na nasa loob ng tyan ko. Di ko mapigilang Hindi ngumiti pero ganito rin yung naramdaman ko Kay Warren. Speaking of Warren, Simula nung kahapon nawawala na. Oo aaminin kung apektado parin ako sa nangyari samin dati pero nung nag text si Axel sakin parang naging masaya ako. Parang unti uting nawawala yung sakit na idinulot ni warren sakin. Gaya ngayon si Axel ang naiisip ko.

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon