Chapter 16: Frienemies

12.1K 278 6
                                    

Yuan's POV

Para akong baliw dito sa kotse na nakangiti sa tuwing naalala ko ang kabaduyan ko kagabi. Akalain nyo ang isang Yuan Axel Lopez ay nag papakabakla ka Gabi sa di malamang dahilan.

Minsan nga nag tatanong ako sa sarili ko kung bakit ko yun nagawa. I mean yung Pag yakap sa kanya. Sobrang kinabahan naman talaga ako ka gabi eh. Akala ko kung Ano na ang mangyayari samin dun. Buti nalang matalino ako at naisip ko yung actions ko kagabi kung Hindi nako! Ewan ko nalang.
Napalingon ako sa gilid ko na tahimik lang. Ano na naman kayang problema ng babaeng toh. Kung maka emote ha!

"Ate anong problema mo? Bat ka naka simangot dyan?"

"Eh kasi si Sean ang tigas ng ulo, sinabi ko sa kanya na wag na wag na syang makikipag rambolan dun sa ibang gang ayun kahapon bug bog sarado na naman" naman eh! Masanay na sya dapat ganyan naman talaga dapat eh!

"Masanay kana ate, ganyan ang ginagawa namin" napatingin naman sya sakin na naka kunot noo, Agad nalang nya akong inatake sa kamao nya. Ugh.. Bwisit sakit nun ha!

"HOY YUAN AXEL LOPEZ, WAG NA WAG KANG MAKIKIPAG RAMBOLAN SA MGA GANG GANG NA YAN KUNDI TALAGA NAKU!"

"Ugh. F*ck! Wag kang sumigaw ate alam mo bang tatlo lang tayo dito sa kotse!" Kawawa tuloy yung driver namin. Hahays.. Kung makasigaw naman kasi akala nya nasa public market kami.

"Basta itigil mo na yang kalokohan mo, tingnan mo nga yang muka mo kung anong nanyari dyan! Baka gusto mong dagdagan ko pa yan!" hinarang nya yung kamao nya sa harap ng muka ko. Tsk! Mga baliw talaga!

"Oo na hindi na bwisit! Na sampolan muna ako kaya tumigil kana" natahimik naman sya. Nakarating na pala kami sa school. Nakikita kona rin ang mga kotse nila drake, Marc, Kyle, Cleevan, Raven na nakaparada sa parking lot namin. Syempre bilang Anak ng may ari kailangang may area kami. At dun kami lang dapat. Hindi ko kasi nadala ang kotse ko tinatamad akong mag drive eh lalo na si ate kaya nag pa drive nalang kami.

Ng tumigil na ang kotse bumaba na kaming dalawa ni ate. At syempre OA ako eh, iniwan ko so ate dun Habang ako chillax lang na nauna. 8 pa ang class ko ngayon sa Biology tyaka 7:05 pa may 45 minutes pa ako. Maka punta na nga sa HQ.

Ng makarating na ako sa tapat ng HQ pinindot kona ang passcode.

Sobrang laki ng HQ na toh! Halos 4 na pamilya kasya, kaya naman toh pinagawa ni kuya Kevin para dito kami mag tipon tipon na mga gang.

2 pinto rin ang meron dito Pero yung nasa loob wala nang pass code kundi doorknob nalang.

Pag pasok ko nakita ko agad si Elaine na nag loloptop.

"Aga mo ha!" Pambungad ko sa kanya sabay upo sa couch na kaharap nya ganito kasi yun couch sa taas, meron din sa baba sa mag kabilang gilid at sa gitna mahabang glass table.

"May ginagawa lang ako para sa basketball next week" ayy.. Oo nga pala captain pa naman ako ng black empire.

"Ikaw, bat ka andito diba dapat nasa gym ka ngayon para sa try out' nandoon na sina Cleevan" sus! Kung maka cleevan eh may gusto naman toh! Pakipot lang,

"Ayoko munang mag try out napagod ako" tiningnan nya naman ako tapos tinanggal nya yung malalaking salamin nya sa mata.

"Muka nga, puro band aid muka mo eh," tapos ibinalik nya ulit ang salamin nya. PSH.. Nerd nga naman. Napansin kung tumunog ang pindutan ng pass code sa labas it means merong papasok.

Napatingin kami ni Elaine sa mga dumating.

"Oh! Shan anong nangyari sa muka mo bat naka busangot ka" tanong ni Elaine Kay Shanelle. Para kasing binagsaksan ng langit at lupa ang muka.

"Eh kasi tong si kuya nakakainis eh, umuwi na naman sa bahay na puro gas gas ang muka!" Tsk! Kung alam mo lang shan kung anong pinag gagawa ng mga katulad namin.

"Hahaha--- pareho lang pala sila ni yuan" napatingin naman si Shanelle sakin. Mukang ngayon nya lang Ako napansin na nandito ako.

Ang cute nya para syang si riaku. Sino si riaku? Hmm.. Sya ang aso ko! Oo mahilig ako sa aso. Kaya nga minsan tinatawag Nila akong doggy.

"Nandyan ka pala" sabi nya at napayuko lang. Tsk! Seryoso sya? Di nya ako nakita sa gwapo ko bang ito dedeadmahin lang nya.

"By the way shan, may audition pala para sa upcoming cheer dance sa upcoming basketball game this coming week, gusto mong Sumali" tumingin naman ako sa kanya at napailing lang sya.

"Sorry Elaine may asthma ako kaya Hindi ako pwede sa mga ganyan!" Takte! May asthma sya? Ehhh! Dapat alam ko yun eh!

"Pero don't worry kahit Hindi ako parte sa cheer dance mag che cheer parin ako. Wait--- ano nga bang pangalan ng pambatong team natin dito sa empire?"

"Black empire cool diba?" Singit ko. Napataas naman ang kilay nya Habang naka tingin sakin.

"Anong ikina cool dun?" Nag tatanong pa eh edi syempre kami.

"Cool kasi lahat ng players dun gwapo tapos magagaling pa" hahaha--- nakakatawa talagang inisin tong mga toh! Naka poker face lang si kuya Habang nanood samin ni Shan maging si Elaine nga napakamot nalang sa ulo.

"Gwapo? Magaling? Tsk! Ano yung mga yun mga mannequin?" Outch! Ginawa nya talaga akong mannequin sa imagination nya sakit non ha!

"Hindi gwapo kasi ang leader at Ako yun at For your information mental! Hindi kami mga mannequin lalo na ako!" Pag mamaktol ko sa kanya.

"Wow! Ang yabang yabang mo talaga! San mo ba nakukuha yang kayabangan mo?" Naka cross arm nyang sabi.

"Sakin! Gwapo nga ako diba!" Anong konek dun! Nahahawaan na ako ng Pag ka baliw nitong mental natoh eh.

"Tsk! Ang pangit mo!"

"Maganda kaba?"

"Bakit? Sinabi ko ba?"

"Eh bakit mo ko sinabihan ng pangit?"

"Kasi mayabang ka!"

"Nagsasabi lang ako ng Totoo"

"WILL YOU JUST TWO OF YOU SHUT UP!" napapikit nalang ako sa tenga ko ganon rin si Shanelle at Elaine sa sigaw ni Kevin. Ugh.. Loko yun ah, pareho talaga sila ni ate.

"I have to go, bye kuya bye shan bye yuan" Pag papaalam ni Elaine sabay ligpit sa mga gamit nya at lumabas na ng HQ. Kasabay nun ang Pag tayo rin ni kuya Kevin.

"Let's go shan, yuan mauna na kami" tumango lang ako sa kanya, tiningnan ko naman si Shanelle Pero inirapan nya lang ako.

"Bye MR. YABANG" sabay irap ulit akala ko ba mag kaibigan na kami. Ugh.. Nakakainis naman oh bahala nga sya. Makapunta na nga sa next class ko.

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon