Chapter 81: Forced by his Father

6.4K 150 0
                                    

Shanelle's POV

Nagising akong wala na si Axel sa tabi ko.. Kaya bumangon na ako para mag handa na. Napatingin ako sa wrist watch ko at 6:36 pa ng umaga at 9:30 pa ang class ko. Si Axel naman walang pasok ngayon.

Pumunta ako kusina at don ko nakita sya nag luluto.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya patalikod.

Ramdam ko tuloy ang mga matitigas na pandesal sa tyan nya na nahawakan ko.

"Good morning.." Bati nya. At humarap sakin.

"Morning din.." Sagot ko naman at niyakap nya ako. Yumakap rin ako pabalik sa kanya saka nya ako hinalikan sa ulo.

"Ang aga mo namang nagising.. 9 pa pasok mo diba?" Tanong nya. Tumango lang ako at sinilip ang niluluto nya.

Itlog..


–___________–

WattaYummy!!

"Axel?" Tawag ko sa kanya. Nilingon nya naman ako at lumapit sakin.

"May extra itlog ka pa dyan?" Napa kunot naman ang noo nya.

Uh-oh! Wrong question..

"I mean may natira pa bang itlog sa ref?" Tanong ko at umiwas ng tingin dahil sa pag ngiti nito ng nakakaloko.



"Ow, Yes. Akala ko kung ano na." Sabi nya at binuksan ang ref. Kumuha naman sya ng dalawang itlog.

"Anong gusto mong gawin ko dito sa itlog? Omelette, Boiled, or fry?" Tanong nya. Ngumti lang ako sa kanya at kinuha ang itlog na hawak nya.

"Ako na." Sabi ko at nag lagay ng place mats sa mesa. Nag hain rin ako ng kanin habang sya nag timpla ng juice.

"Nag luto ako ng tocino dito tyaka bacon.." Sabi nya habang nakatingin sa itlog na dala ko.

"Ahh, sayo na yan.." Sabi ko. Nag lagay na ako ng kanin sa plato ko.

Omo... Nagugutom na ako!


Binasag ko na ang itlog at saka inilagay ang laman sa ibabaw ng kanin. Oh' ha! Sarap..!


"Acckk.. Acckk" napa angat ako ng ulo ko ng biglang tumakbo si Axel sa may Alababo.


"What the hell shanelle!!" Biglang sigaw nya sakin.


Nag simula na akong kumain habang sya nakatayo sa harap ko.

"Ugh!! Iluwa mo yan Shanelle! Kadiri ka!!" Sabi nya. Hindi ko na lang sya pinakinggan. Tss.. Ang OA..! Ano bang nakakadiri dun. Eh kinakain mo nga ang ibat ibang luto ng itlog eh.


"Nakakadiri ka talaga.." Sabi nya at naupo sa tapat ko.

"Sabihin mo lang Sakin kung gusto mong manghingi, madami pa namang itlog sa ref eh.." Sabi ko at tumayo. Tapos na akong kumain at naubos ko na rin ang dalawang itlog.

"Tsk!" Sabi nya.

























**

"Bye.. Love you.. Take care.." He said as he wave his left hand to me.

Nag wave din ako sa kanya at hinintay ko lang na makaalis sya. Sabi nya rin kasi na susunduin nya ako mamaya pag tapos na Class ko.

"Jusko!! Nagugutom na naman ako!" Reklamo ko sa sarili ko at nauna ng pumasok sa loob.
















Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon