Chapter 28: Confrontation

10.1K 234 3
                                    

Shanelle's POV

Nasan ako?

Natutulog lang naman ako sa bahay namin. Pero bat ngayon andito na naman ako sa warehouse?

*BANGGG*

Napatingin ako sa likod ko ng may marinig akong putok. May nakita akong batang binaril at ngayon Hindi na sya blurred nakikita ko na talaga ang muka nya pero Hindi ko kilala.

Nakita ko rin yung babaeng bumaril sa bata. Dahil sa kinakabahan ako, napatakbo ako palabas pero huli na ang lahat...

*BANGGG*

Napabangon ako bigla habang nag hahabol ng hininga. Ano bang klaseng panaginip yun. Tyaka sino ba yung mga tao sa panaginip ko. Bakit ko sila napapanaginipan? Naptingin ako sa may bintana ng kwarto ko.

Patay! Anong oras na ba? Late na Akoooooo!

Pumunta agad ako sa banyo saka nag madaling naligo. Ilang minutes rin natapos ako. Nag patuyo na ako ng buhok, pagkatapos at nag bihis na ng uniform. Nag lagay lang ako ng kaunting powder at lip gloss saka isinuot ang sapatos ko. Kinuha ko na rin ang mga importanteng bagay na dadalhin ko sa school. Ng matapos ko ng kunin nag madali na akong bumaba nakita ko naman si Kuya na nakaupo at nakatalikod sakin.

"Kuya good morning?"

"Morning"

Sabi nya habang di parin lumilingon.

"Kuya OKs kalang?" Lumakad ako papunta sa kanya at pumunta sa harap nya.

O_______o the fudge?!!?

"Kuya ano na namang nangyari sayo? Bakit may pasa ka?"

Oo, tama kayo may mga pasa so Kuya sa muka nya I mean di lang sa muka pati sa mga braso nya. Tsk! Waaaaaaa! Ang fresh pa! Ano bang pinag gagawa ng nito?  Teka asan si mommy.?

"Kuya asan si mommy?? Alam bato ni mommy?"

"Nasa Japan sya ngayon 2 weeks sya dun para sa business meeting nya" grabe! Japan talaga! Ang layo naman eh! Bakit kailangan sa ibang bansa pa/

"Ehhh----- eh ikaw bakit di ka pa nag bibihis?" Tumayo lang sya at dumiretso sa dining room. Syempre kailangan kong mag pahatid sa kanya sa school noh?

"Nakita mo ba itsura ko? May gana pa akong pumasok nito? Don't worry susunduin ka ni Clyde" speaking of Clyde.. Naalala ko tuloy si Axel. Ang kulit kasi eh

*pepeep* ilang sandali ng pag banggit ni Kuya sa pangalan nya bumusina agad. Oh diba.

Humalik lang si Kuya sa ulo ko saka tumakbo palabas ng bahay. Nakita ko ang nakaparadang kotse ni Clyde kaya mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ko papasok sa loob ng kotse nya .

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon