Shanelle's POV
At heto ako ngayon, naka tayo sa bus station, naghihintay sa pag hinto ng bus na sasakyan papuntang school namin dati. Dun kasi sa home court nila gaganapin ang basketball game Laban sa school namin. Dapat nga talaga sasabay ako ngayon Kay Elaine kaso tinanghali ng gising feeling ko nga Nasa 2nd quarter na sila ngayon. Hindi nga sana ako sasama psh.. Nakakainis nga kasi ako lang at si manang ang Nasa bahay wala pa kasi si mommy pati na rin si kuya ewan ko nga kung asan na yun.
Sina Elaine naka sakay dun sa shuttle bus na sponsor ng empire.
Eh?! Kung nag sinabi pa lang sila na libre yun eh di sana nag Plano agad ako na sumama tyaka tsk! Ano bang paki alam ko sa basketball? Okay na ako sa free throw at sa Dribble. Dudugo lang ilong ko pag natamaan.
Ang kwento pa sakin ni manang, pumunta raw sa bahay namin iyong dalawa. Ilang beses din daw nila akong ginising kasama si manang, pero hindi raw ako nagising. At dahil field reporter ngayon si Elaine hindi sya puwedeng ma late sa game kaya ayun! Nag paalam na lang sila Kay manang na sabihin na lang daw sa akin na mauna na sya.
Si Clyde balak sana akong hintayin kaso nahila na sya ni Elaine hindi rin sya pwedeng mahuli kasi isa sya sa mga player. Hmm..
Tumayo na ako sa bench na kinauupuan ko ng makita ang paparating na bus. Kailangan ko na talaga kasing mag bus kasi sobrang layo na ng school ko kumpara nung dun pa ako nakatira kasama si papa. Miss ko na si papa.
"Sa wakas!"
Ang tagal dumating ng train sa lugar na Ito! Tyaka bakit nag iba ang kulay ng bus?
Pumasok na lang ako sa bus saka nag hanap ng mauupuan.
"Uniform ng Empire yan diba?!" Napalingon ako sa paligid nang makarinig ako ng boses na yon. Hinanap ng mata ko iyong mga posibleng----- teka uniform rin ng East to ha?!
"Teka sya yung girl na girlfriend ni Warren diba?" Ano ba naman?! Pati ba naman sa pag sakay ko sa bus pinag bubulungan pa rin ako? Hindi na natapos toh! Akala ko ba sa Empire lang.
"Oo sya nga school valedictorian natin yan diba?"
"Kahit maraming gwapo ang empire pero mayayabang rin sila" grabe naman ang mga iyon. Sina Axel at Clyde and the rest of empire lang naman ang mayayabang eh!
"SHANELLE?!!!!!" biglang tumigil ang bus nang dahil lang don sa sigaw na kung sino man yun!?
"Sorry po manong sige mag drive kana hi Bessie" napatingin agad ako ng may biglang umakbay sa gilid ko.
"Jane naman bat ka ba sumigaw nakakahiya ka naman!!" Sabi ko sa kanya
"Hahahaha sorry"
Dapat talaga nag shuttle bus nalang talaga ako.
Yuan's POV
"Bakit nyo iniwan si Shanelle?" 😠😠😠 malakas at inis na tanong ko kina Elaine at clyde.
"Eh sa natutulog pa sya eh! Saka ang hirap nyang gisingin!" Sagot naman ni Elaine saka humarap Kay clyde
"Di ba?"
Tumango lang si clyde habang lumingo lingo tila may hinahanap yata.
"Saka bakit ka ba nagagalit ha?" Naka pamewang na tanong sakin ni elaine
"Ikaw dapat ang nag hihintay sa kanya diba?! Sino ba kasing boyfriend dito ako ba? Si clyde ba!?"
"Alam mo namang player ako diba?!" Inis na sagot ko Kay elaine.
"Natural hindi ko sya mahihintay" ugh! Bakit ba kasi nila iniwan baliw pa naman yun!
Baka tuluyang hindi pumunta yun bwist!
"Pwes wag ka samin magalit ni Clyde! Wala kaming kasalanan dito!"
"Paanong hindi ako magagalit--"
"Aish! Ano ba kayong dalawa?! Nag aaway na naman kayo! Tama na nga yan!" Putol ni Drake sa sasabihin ko saka pumagitna sa aming dalawa ni Elaine.
"Tinalo nyo pa yung mga players sa init ng ulo sa laro ah!"
.
"Tsk!" Yun na lang ang nasabi ko saka iniwan si Elaine at pumunta sa bench kung saan naka lagay ang bag ko at kinuha ang phone ko para tawagan si shanelle.
Nakailang redial na rin ako pero wala paring sumasagot. Iyong telephone operator lang ang nakikipag usap sa kin.
"Buwist" inis na sabi ko saka tinapon iyong phone ko sa loob ng bag.
Subukan mo lang talagang hindi pumunta Shanelle Guevara, tatamaan ka sa akin.
Napatingin ako sa loob ng court kung saan nag pa practice ang team namin at ang team ng east. Nag wa-warm up sila para sa game na mag sisimula ngayon ngayon na.
"Aalis ako. Sasalubungin ko si shanelle sa labas" pero bago paman ako maka lagpas sa kanila, biglang hinarang ni marc ang isang kamay nya sa daraanan ko saka sya sunod na humarang sa harap ko.
"Teka lang captain,! Wag kang excited! Hindi ka pwedeng umalis!"
"Ano ba, Marc?! Tumabi ka nga! " inis na sabi ko sabay hawk sa kanya.
"Coach si Yuan oh! Susunduin daw nya girlfriend nya oh?! " tinitigan ko ng masama si marc nang tawagin nya si coach namin. Napatingin naman sa amin si coach saka pagalit na lumakad papunta samin.
"Lopez! Hera! Anong ginagawa nyo dito!? Bakit hindi kayo nag wa warm up?! "
"Tsk! Asar talaga ang marc toh!"
"Eh?! Bakit kasama ako sa pinapagalitan nyo coach?!" Sabi ni marc sa coach namin.
"Yung girlfriend ko naman andon sa bleachers may ginagawa. Si Yuan oh!"
"BACK TO THE COURT!!" malakas na sigaw sa amin ni coach sabay turo sa gitna ng court .
"NOW!"
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa coach namin at samahan ang mga ka team at makipag warm up play na rin sa kanila. Hindi naman talaga ako nag aalala na hindi maka punta ang mental na babaeng yun sa game ngayon.
Mas maganda na nga na hindi sya pumunta para Iwas gulo. Oras kasi na tumapak sya dito sa east baka ano ang gagawin sa kanya ng mga estudyante ng east.
Alam Kong dito sya nang galing pati na ex nya. Isa pa pakiramdam ko Alam na rin ng school na toh na girlfriend ko si shanelle at malamang sa malamang pag pye pyestahan sya
Kilala ang East bilang isang agresibong iskwelahan . Ang kalaban ng isa kalaban ng lahat lalo Nat yung captain ng east ay kasama namin sa empire. Mag lalaro pa rin si Warren dun sa team nila bilang farewell captain.
At dahil sa kalaban nila kami ngayon, kalaban ng buong East Academy ang buong estudyante ng Empire bwisit.!
BINABASA MO ANG
Gangsters and I [CMPLTD]
Fanfic"Gusto ko lang namang maalala ang nakaraan kong ipinagkait nyo," Cast: Yuan Axel Lopez as Oh Sehun Shanelle Guevara as Park Min young Other cast: Warren Ignacio as Kang Min Hyuk Drake Go as Minhyun Clyde Garcia as Sungjae Cleevan Aquino as Jimin Rav...