Chapter 82: Memories Back

6.5K 158 0
                                    

Shanelle's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang pinapatuyo ang buhok ko. Kaliligo ko lang kasi. May usapan kasi kami nila Cleevan at Jamaica na mag me-meet kami sa clubhouse malapit sa bahay nila ni Lyca.

Napa tigil ako sa pag blo-blower ng buhok ko ng bigla kong maalala ang nangyari kahapon samin ni Jamaica at Warren.

Flashback:

"Shan buntis ka?" Nabitawan ko lahat ng dala Kong santol at humarap sa kanya.

"Warren.. Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya. Pinulot nya naman ang santol at saka tumingin sakin na naka kunot ang noo.

"Buntis ka nga.." Nasabi nya. Yumuko naman ako at hinawakang mahigpit ang palda ko

"Alam ba to ni Yuan?" Tanong nya. Napaangat naman ang ulo ko at mabikis na hinawakan sya sa kamay..

"Please.. Wag mong sabihin" pakiusap ko sa kanya.

End of flashback:

Hindi ko alam kung paano ko sya napapayag basta nag papasalamat ako ng husto sa kanila dahil hindi nila sinabi.

Tumayo na ako at inilagay sa gilid ang blower. Nakita ko yung bag na dinala ko dun nung birthday ni Marc saka ko naalala ang USB.

Nag madali akong kunin yun at saka hinalungkat ito.

"Eto ka pala" nasabi ko at kinuha iyon.

Pumunta ako sa may study table at kinuha ang laptop ko. Bumalik ako sa kama saka ko isinaksak ang USB.

Isang file lang ang nakita kung nakalagay dun. Ewan ko ba pero bigla na lang kumabog ng pag kalakas lakas tong puso ko. Ewan ko ba kung bakit? Pero feeling ko hindi to maganda.

Clinick ko na ang file na yun at ang laman dun ay isang video. Hindi ko alam kung ipli-play ko ba. Kabadong kabado talaga ako ewan ko ba.

Ng I play kona ang video hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

Kung nakikita mo to ngayon Ms. Shanelle Guevara, wag kang matakot kundi magalit ka. Matagal ka na naming sinubaybayan. I'm Celine Martinez Lopez, and alam Kong kilala mo ako. Ina ako ng kasintahan mo ngayon. Asahan mong may malalaman ka sa mga taong ipapaharap ko sayo ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero agad rin akong kinutuban.

Sh..shanelle..

Napa dilat ang dalawa Kong mata ng makita ko si Kent na nasa monitor habang nakatali at duguan. Shet..!! Anong ginawa nila sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero bigla na lang tumulo ang luha ko sa mga mata ko.

Gangsters and I [CMPLTD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon