Chapter 2

15.2K 358 19
                                    

Keira's POV

Katulad nga ng napag-usapan ay nagkita kita kaming apat sa parking lot ng underground battle arena.

"Hay nako Keira, late kana naman. Palagi ka nalang late!" bungad agad sakin ni Ella pagkalabas na pagkalabas ko palang ng auto ko. Duh?

"Tama na 'yan, tayo nalang ang inaantay. Nasa loob na ang mga kalaban." Stacey. Mukhang inip narin ang isang ito. Parang hindi na sila nasanay sa pagiging late ko.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng stadium, pagkapasok palang namin ay nagsisigawan na ang mga nanunuod sa loob ng arena.

"Malefic Slayers!"
"Nandyan na sila!"
"Kyaaa! Ang gaganda talaga nila!"
"Go Malefic Slayers!"

Sigawan ng mga crowd sa loob ng arena, as usual marami kaming supporters dahil kami ang nangunguna sa Ranking.

Malefic Slayers ang pangalan ng group namin. Si MM ang nag-isip niyan dahil masyado raw kaming ma-impluwensya.

"Okaaay! The 'Malefic Slayers' is in the house!" malakas na sabi ng Emcee. "Konting sandali nalang at magsisimula na ang battle between the Malefic Slayers and Spear Thunders! So maghanda na ang lahat!" dagdag pa ng Emcee.

Since ay handa na ang lahat ay umakyat na kami sa malawak na battle field.

"Since everything is alright, let us welcome the Rank 1! The Malefic Slayers!" malakas na sigaw ng Emcee at sinabayan pa ng sigawan ng mga taong nanunuod. Sa mga nakikita ko, nandito ang iba pang mga Rank ng gangsters group.

Nang tinawag na kami ay pumwesto na kami sa gitna ng battle field.

"And of course our Rank 2, the Spear Thunders!" sigaw ulit ng Emcee kaya pumwesto narin sina Layla sa harapan namin.

Mahahalata mo ang mga matatalim na tingin nila Layla, Fanny, Miya at Angel. No wonder, they really want to get our rank but hell no hindi namin 'yon ibibigay at isusuko. Masasayang lang ang pinaghirapan namin.

"And for the rules! No weapons allowed! Spear Thunders, once you defeated the Malefic Slayers ay makukuha ninyo sa kanila ang title as Rank #1! And for the Malefic Slayers once you defeated them once again you will still hold your title!" malakas na sigaw ng Emcee. "So ano pang hinihintay nating lahat?! Let's the battle begins!" sigaw ulit ng Emcee tsaka umalis. Nagsigawan naman ang mga tao sa loob ng arena.

"Handa na ba kayong matalo?" nakangising tanong ni Layla.

"At ibigay samin ang title?" dagdag pa ni Miya.

Asa naman silang matatalo nila kami! Pero alam naming hindi rin sila basta basta at ganon kahina. Kaya nga sila nakarating ng Rank #2 di'ba?

"Tama na ang satsat! Dami niyo pang sinasabi. Simulan na natin!" seryosong sabi ni MM.

Unang sumugod sila Layla. Tumakbo sila papunta sa direksyon namin. Kaya inihanda na namin ang mga sarili namin. Sakin humarap si Layla, si Ella at Miya, si MM at Angel, at si Stacey at Fanny.

Unang sumugod si Layla sakin. Susuntukin niya sana ako ngunit mabilis akong kumilos kaya nailagan ko siya. Nakakuha ako ng tamang pwesto kaya nahawakan ko ang kamao niya at saka ito pinilipit. Halata kong nasaktan siya ngunit agad din siyang nakakilos kaya nasipa niya ang binti ko.

Malakas ang pagkakasipa niya kaya napaluhod ako. Susuntukin niya sana ako pero mabilis akong gumulong para maiwasan ang tira niya. Akala niya ba maiisahan niya ako? Pwes, nagkakamali siya! Panay sugod siya pero lahat iyon ay naiiwasan ko. Hahanap lang ako ng tamang tyempo para mahuli siya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon