Chapter 35

6.2K 162 3
                                    

Keana's POV

"Hindi kaya't kambal kayo?!" sabay sabay na sigaw nilang tatlo kaya napatakip ako ng tenga. Hindi ko pa pala sila kilala.

Katunayan ay wala naman akong nararamdamang masakit sa katawan ko dahil hindi naman nila ako direktang nabangga. Natumba lang ako dahil sa sobrang pagod.

"Kakambal?" takha kong tanong. Biglang may sumagi sa isip ko.

Naalala ko yung sinabi ni Darkilus sakin kagabi. Ibig sabihin ay may kakambal nga ako at Keira Bria ang pangalan nya. Kailangan ko siyang makita. Sigurado akong may malaking koneksyon sila sa kakambal ko dahil kilala nila ito.

"Oo dahil kung hindi ikaw si Keira at Keana ang pangalan mo tapos sobrang magkamukha pa kayong dalawa ibig sabihin ay magkakambal kayo!" sabi nung isang babae. Hindi ko pa sila kilala.

"Sa tingin ko nga ay kakambal ko siya, may nakapagsabi rin sa akin na may kakambal ako. Hindi ko nga lang alam kung sino siya, baka nga ang Keira na sinasabi nyo ang kakambal ko." wika ko sa kanila.

"OMG! I can't believe it! All this time, may kakambal pala si Keira ng hindi namin nalalaman!" sabi naman nung isang babae na mahaba at kulay brown ang buhok.

"Kailangan ko siyang makita! May importante akong dapat sabihin sa kanya. Maaari nyo ba akong tulungan para makita siya?" wika ko sa kanila dahil 'yon ang totoo. Ang sabi sakin ni Darkilus ay kailangan ko siyang makita.

"Patay! Iyon lang, hindi namin alam kung nasaan si Keira pero alam namin kung saan siya nakatira. Maaaring matutulungan ka nila Tita Bianca, yung Mommy nyo!" wika naman nung babaeng sobrang puti tapos ay singkit ang mata para siyang Koreana.

Mommy nung Keira? Hindi kaya siya rin ang nanay ko? Siya kaya ang sinasabi nila Uno na Queen Cristina? Pero bakit Bianca ang pangalan nya?

"Maaari nyo ba akong dalhin sa sinasabi niyong Tita Bianca?" tanong ko sa kanila.

"Sige, walang problema don! Sigurado akong matutuwa si Tita Bianca." sabi nung isa.

"By the way, I'm Ella Morgan! Bestfriend ng kambal mo. Hihi" sabi nung Ella.

"Ako naman si Maria Mercedes Chang, MM for short and bestfriend din ni Keira!" sabi nung MM tapos nginitian ako.

"And I'm Stacey Min, katulad nila kaibigan ko rin si Keira!" sabi nung sobrang puting babae na singkit ang mata.

"Nagagalak ko kayong makilala. Ako si Keana Briel Hartwell. Sana ay matulungan nyo ako!" wika ko sa kanila.

"Tara na para maihatid na namin ikaw kila Tita Bianca!" sabi ni Ella. Tumango lang ako at ngumiti.

Tiningnan ko lang sila habang nag-aayos ng gamit pagkatapos ay nagsimula nang mag-drive si Ella. Pinagmasdan ko lang sila, mukhang mayayaman ang mga ito. Sigurado rin akong mayaman ang kakambal ko.

Sa sobrang pagod ng katawan ko ay napasandal ako sa sasakyan and everything went black.


Keira's POV

"Ouch!" isa isa naming daing ng bumagsak kami sa damuhan pagkalabas namin sa portal. Nandito na kami sa Portal Forest.

"Tammy ang bigat mo!" reklamo ni Layla dahil nadag-anan siya ni Tammy. Napatawa tuloy kami.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon