Chapter 11

11.2K 297 8
                                    

Layla's POV

"Keira!" sabi ko habang niyuyugyog sya. "Woy Keira! Gising na!" ano ba 'yan bakit ayaw n'yang magising? Kanina ko pa s'yang ginigising eh. Tulog mantika pala talaga s'ya kaya laging late pumasok sa school.

"Hindi parin ba nagigising 'yan? Male-late na tayo sa school." sabi ni Becca nang makapasok sya sa loob ng kwarto. Nakaligo na kami pati ang kambal, kanina pang nakaligo. Talagang s'ya nalang ang tanging tulog. Sinubukan na rin siyang gisingin nung kambal kaso walang epekto.

"Hindi pa rin eh, tingnan mo nga ang himbing himbing ng tulog nya." sagot ko sa kanya. Para s'yang bata kung matulog. Tulo pa laway! Dejoke lang! Hahaha!

"Ako na nga ang gigising!" sabi ni Becca. Mukhang naiinip na ang isang ito.

"Hoy! Keira gumising kana!!!" malakas na sigaw ni Becca at sa wakas gumalaw na sya. Iyon nga lang gumalaw at nag-iba lang ng pwesto. Sos mariosef!

"Ah ganon, ayaw mong gumising ah!" sarkastikong sabi ni Becca. Ngumisi pa sya.

Anong gagawin nya?

Inilahad ni Becca yung kanang kamay nya at inidikit kay Keira. What is her planning to do?

"Ouch!" biglang sabi ni Keira matapos nyang bumangon. Hinaplos haplos pa nya yung balat nya na hinawakan ni Keira.

"Ayan gising na sya!" nakangising sabi ni Becca.

"Becca naman bakit mo naman ako kinuryente?" nagrereklamong sabi ni Keira. What? Ang brutal naman ni Becca. Nangunguryente! Buti nalang maaga akong nagising! Hayys!

"Teh? Anong oras na ba? 6:30am na po! Halos lahat kami nakaligo na. Ikaw nalang ang hindi!" nakapamewang na sabi ni Becca.

"What?!" gulat na tanong ni Keira.

"Oo kaya bumangon kana d'yan at maligo na!" sabi ko sabay flip ng hair ko. Nakaka-stress siya ah, ang aga aga eh!

"Okay! Sige na maliligo na ko! Alis na!" sagot nya sabay kusot ng mata nya. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba na.


Keira's POV

Kakatapos ko lang maligo kaya eto ako ngayon binoblower ko yung buhok ko para matuyo na.

Grabe si Becca ah? Kuryentehin ba naman ako para lang magising? Ang sarap sarap ng tulog ko eh. Alam ko namang tulog mantika ako minsan. Ang sakit kaya!

Matapos kong matuyo yung buhok ko ay lumabas na ako ng kwarto. Simpleng dress above my knee lang suot ko. Wala pa kasi kaming uniform. Syempre first day palang namin ngayon kaya wala pa. Mamaya pa siguro ibibigay pag nagpunta kami doon sa school na sinasabi ni Becca.

"Oh ang tagal mo! Nagugutom na ako eh!" bungad sakin ni Becca.

"Ayan agad? Wala man lang bang Good Morning d'yan? Eh bakit hindi pa kayo naunang kumain?" mataray kong sagot. Nagugutom na pala sila edi dapat mauna na silang kumain. Problema pa ba yun? Hay!

"Good Morning Miss Keira!" nakangiting sabi ni Julia, yung maliit at cute na fairy ni Becca. Buti pa itong si Julia binati ako ng Good Morning! "Gusto kasi ni Master Becca sabay sabay tayong kumain!" dagdag nya pa. Ang cute nya talaga. Ang liit at nipis kase ng boses nya.

"Good Morning din, cutie Julia!" sagot ko sa kanya. Lumapit sya sakin at inikut-ikutan nya pa ako habang nagbabagsak ng pixie dust. Kulay blue yung binabagsak niyang pixie dust. Ang galing!

"Oh s'ya maupo kana para makakain na tayo. Male-late na tayo sa school." sabi ni Layla.

Naupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Bacon, egg, hotdog, fried rice at bread yung nasa lamesa. May coffee at juice rin.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon