Chapter 47

5.7K 140 4
                                    

Miya's POV

"So ikaw pala ang kalaban ko?" wika ko sa kanya.

"Yes it's me, none other than. The pretty Tine!" sagot niya sabay flip ng hair nya.

Hanudaw?! San naman nya napulot yung salitang 'yon? Kaloka. Joker din itong si Ate! Pwe.

Di naman siya pretty. Echoserang froglet siya! Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung tatanungin nyo ako kung anong itsura nya at kung maganda ba siya, it's a big NO! Wala siyang bahid ng ganda!

Height palang legwak na ang bruha. Parang 4'9" lang ang height niya. Mukha siyang Oompa-loompa! Alam nyo ba 'yon? Yung mga pandak na workers sa movie na Charlie and the Chocolate Factory! Yung magkakamukha na maliliit na tao. Medyo mataas lang siya 'don ng kaunti tapos ang itim niya pa. Negra ang bruha! Baka sabihin nyo black beauty sya, it's a big NO again! Hindi nga pretty di'ba? Kaloka talaga!

Yung suot niyang short sobrang igsi, konti nalang makikita na yung singit niyang maitim pa sa imburnal! Tapos nakasuot siya ng white na sando, feeling ko nga hindi white eh! Kapag suot niya kasi nagmumukhang dirty white. Nakakapitan yata ng libag niya. Di yata siya marunong magkuskos ng katawan. Baka nga di siya naliligo eh! Eww, gross. Pasalamat siya dahil nagsuot siya ng black leather jacket kundi sasamain talaga siya sakin pag nakita ko yung maitim niyang kili-liki. Eww, yuck again! Nag-boots pa ang bruha na akala mo sasabak sa sayawan ng bar! Eww talaga! Very wrong! Hindi maganda. Pasintabi nalang sa mga kumakain d'yan at talagang... ay nako! Berirong talaga! Saan kaya siya kumukuha ng lakas ng loob para magsuot ng ganyan? Nako! Hahaha.

"Ganda..." sarkastikong wika ko at tiningnan siya. Medyo mahaba ang buhok niya pero makatali ito ng panyo. Nung sinabi ko yung salitang ganda sa kanya feeling ko masusuka ako. Di ko ma-take eh!

"Thanks for your compliment!" sagot niya at ngumiti pa ang bruha. Akala naman nya tunay. Kabahan nga siya! Juice colored!

Tinaasan ko siya ng isang kilay pagkatapos tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. "Ganda mo, mula paa hanggang leeg!" mataray na wika ko saka sya inirapan. Actually hindi nga mula paa hanggang leeg eh! Panget kasi talaga! Feeler kasi, mukha namang paa. Ewww!

"How dare you?!" inis na sagot nya sakin.

"How dare you too?!" sagot ko sa kanya.

"Ugh! Bitch!" she said.

"Matanong ko lang, ano bang kayang gawin ng isang black healer?" tanong ko sa kanya. Actually curious talaga ko sa power nya kasi healer lang siya. Ang kaya lang niyang gawin ay pagalingin ang mga black magic users.

"Bakit natatakot ka ba sa magic ko?" tanong niya. Duh? Ako matatakot sa kanyang magic? Joke ba ulit iyon? Hahaha.

"Bakit naman ako matatakot? Eh mahina lang naman 'yang kapangyarihan mo!" sagot ko sa kanya.

"Mahina nga lang ang magic ko pero hindi ako basta basta napapatumba!" confident niyang sagot at ngumiti ng malawak.

"Talaga ba? Well let's see..." sagot ko at naghanda na sa laban.

Gumawa ako ng isang bilog na lupa at agad na ibinato sa kanya. Mabilis siyang nakailag kaya hindi siya tinamaan.

"Masyado ka naman yatang atat? May lakad ka ba?" tanong nya. Eksena rin ang isang ito eh.

"Wala naman, gusto ko lang kasing matapos ng maaga ang laban na ito para makauwi na ako." sagot ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong oras na eh, siguro ay madaling araw na.

"Edi tapusin na natin!" sabi niya at hinila niya ang panyo na nakatali sa buhok niya. Parang nabalutan iyon ng itim na mahika tapos bigla itong lumaki at naging sandata. Itsurang sibat pero mahahatala mo ang talim nito sa dulo. Parang malaki at mahabang kutsilyo na kulay itim ang nasa dulo.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon