Chapter 46

5.5K 145 0
                                    

Stacey's POV

"The air charmer huh?" wika ng babaeng kaharap ko ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay Kim ang pangalan nya.

Kung ako ang tatanungin nyo kung may bahid ba siya ng GANDA, let's say meron naman kaso mga 10% lang. She's not really pretty at all kaya legwak parin sya sa standards ko. Alam nyo naman ako, una ko laging tinitingnan ang physical appearance. In fairness, bumagay sa kanya yung apple cut niyang hair at lipstick niyang kulay itim. She's wearing a black dress na above the knee ang haba at naka-black boots. May hawak na kulay itim na wand na may buwan sa dulo. She's all black, san ba ang lamay? Hahaha. Yung totoo? Illusionist ba talaga siya o witch?

"Yup, you're right. I'm an air charmer!" mataray na sagot ko sabay flip ng maganda at mahaba kong buhok. "And you are...?" wika ko sabay hawak sa sintido ko. I'm referring to her charm. I'm trying to recall what is her charm. "Aha! A Dark Illusionist!" sagot ko. If I'm not mistaken, she is Dark Illusionist.

"Hindi ka lang pala maganda dahil may utak ka rin pala!" nakataas kilay niyang wika.

"Thank you for your compliment, ganda ko di'ba?" wika ko then I flip my long hair for the second time.

"Bitch!" she said and she rolled her eyes. Aba may attitude rin pala ang isang 'to! Di bagay, mukha siyang tuko kasi ang laki ng mata nya.

"Yes I'm a bitch but you are ugly!" sagot ko sa kanya.

Sinamaan nya ako ng tingin. As if I care? I just rolled my eyes at her.

"I wonder what dark illusionist can do?" wika ko sabay tingin ng nakakaloko sa kanya.

"Don't worry, you will know it later!" nakangiting sagot niya.

"I can't wait to see it!" nakangiting sagot ko.

"Kung ganon bakit hindi pa natin simulan?" tanong nya.

"That would be great!" sagot ko sabay labas ng air dagger sa kamay ko. Agad ko siyang tinapunan ng air dagger ko pero agad din niyang nailagan. Tss.

Ikinumpas niya ang wand nya at may sinabi siyang hindi ko naman naintindihan. Malay ko ba kung anong language nya? Matapos noon ay isang maliit na black hole ang nabuo. Sa bilog na iyon ay may lumabas na isang...

"Mirror..." sambit ko "...of the witch!" mahinang dugtong ko, ewan ko lang kung narinig niya. Yup, isang mirror ang nabuo doon sa black hole na ginawa niya. Ano namang role ng mirror niyang 'yan?

"You're right, this is my mirror. My special weapon!" wika niya sabay tingin doon sa salamin niya. Special weapon? Feeling naman nya maganda na sya. So anong kayang gawin ng mirror na 'yon? I wonder kung kaya nitong magpalit ng anyo from mirror to a gun or whatever.

"So 'yan na 'yon? Matatakot na ba ako?" taas kilay kong tanong sa kanya. Kala nya siguro matatakot niya ko doon eh salamin lang naman 'yon. Pwe!

"It's up to you kung matatakot ka but I am pretty sure na mamamatay ka!" confident niyang sabi.

"Talaga lang huh? And correction, sure lang walang pretty!" I folded my arms over my big chest. Bakit ba? Malaki ang hinaharap ko eh, pake nyo ba? Hahaha.

Bigla naman siyang napatingin sa hinaharap niyang maliit tapos binaling muli ang tingin nya sa hinaharap ko. Napangisi ako bigla. Feeling ko nga flat eh, siguro pantal lang yung nasa dibdib niya. Hahaha.

"Tapos mo nang tingnan?" mataray kong wika sa kanya. She just rolled her eyes. Pader!

"The hell I care!" sagot niya. Iniharap nya sa sarili niya ang salamin tsaka sya muling nagsalita. "You know, this mirror of mine can see your past but not your happy moments. Lahat ng makikita mo dito ay lungkot, pighati at sakit. Hindi ako pumapatay ng brutal dahil ayaw kong mabahidan ng dugo ang maganda at malambot kong kamay. Once you entered in to my illusion, you cannot escape until you die!" wika niya at hinarap sakin bigla ang mirror niya. "Once you look at my mirror, mananaginip ka ng gising!" May binigkas ulit siyang mga salita na hindi ko naman talaga naiintindihan. Hindi ko maialis ang tingin ko sa salamin nya.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon