Keira's POV
Kakarating lang namin ni Layla dito sa dorm namin. Pagpasok palang namin ay sinalubong na agad kami ni Tammy ng isang matamis na ngiti.
"Kamusta naman ang adventure nyo sa Blue Mountain?" tanong ni Tammy samin. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad. Ang alam ko ay wala silang pasok ngayon. Every wednesday ay walang pasok ang mga Class-S. Saan ang punta ng bruhang ito?
Sinenyasan ko si Layla na sya ang sumagot dito kay Tammy dahil wala ako sa mood at gusto ko na talagang magpahinga.
"Pwedeng magpahinga muna ko? Pagod na rin ako eh tsaka inaatok pa ko." walang ganang sabi ni Layla kay Tammy.
"Sige basta kwentuhan nyo ko mamaya ah!" wika ni Tammy. "Sige, mauna na rin ako may pupuntahan kami nila Audrey at Carley pati nung iba pa naming classmates." dagdag nya.
"Sige, una na ko sa kwarto ko. Ikumusta mo nalang ako kila Audrey at Carley." sabi ko kay Tammy at diretso na akong pumunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay nahiga agad ako sa kama ko. Nakakapagod pala yung mga ganung gawain. Na-miss ko itong malambot na kama ko. Napabaling ang tingin ko sa picture frame na nasa lamesa. Kinuha ko ito at nahiga muli sa kama ko. Pinagmasdan ko ang picture frame namin. Ako, si Mommy at si Daddy.
"Kumusta na kaya kayo Mommy and Daddy?" sabi ko sa hangin at niyakap ang picture frame. "Kumusta na rin kaya sila Stacey, MM, Ella, Fanny, Angel and Miya?" dagdag ko pa. Kung may nanunuod lang sakin dito ay siguradong mapagkakamalan akong magandang baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko.
"Sana okay lang kayong lahat." sabi ko at ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang. Gusto kong ma-refresh ang utak ko. Dami ko na kasing iniisip. Tungkol sa tunay na pagkatao ko, tungkol sa pamilya ko, tungkol sa mga naiwang kaibigan ko sa mortal world, tungkol sa propesiya, tungkol sa libro ng Amistha, tungkol sa sinabi sakin ni Maika at tungkol kay Keyster. Dami dami nang gumugulo sa isip ko. Kailangan ko na talagang i-refresh ito. Masyado nang marami! Gusto ko munang matulog.
—
*tok!* *tok!* *tok!*Nagising ako sa malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Nakatulog pala ako ng yakap yakap ko ang picture frame. Agad naman akong tumayo para buksan ang pinto.
"Ang tagal mo naman!" inis na sabi ni Layla ng pagbuksan ko sya ng pinto.
"Ano bang kailangan mo? Sarap sarap ng tulog ko eh!" inis ko ring sagot ko sa kanya.
"Ano ka ba? Ngayon yung pagluluto natin ng healing potion. Bilisan mo nang kumilos para makapunta na tayo 'don sa Laboratory. Pag hindi tayo nagpunta wala tayong makukuhang marka!" wika ni Layla sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay. I folded my arms over my chest. "Teka nga, kailan ka pa naging grade-conscious aber?" mataray kong tanong sa kanya.
"Kanina lang. Charr! Bilisan mo na! Go na!" sagot nya sakin at bahagya pa akong itinulak papasok sa loob ng kwarto ko.
"Okay, chill ka lang! Antayin mo nalang ako sa salas." sabi ko sa kanya. Lumabas na rin sya pagkatapos 'non.
Kumuha agad ako ng gagamitin ko sa pagligo. Maliligo muna ako para fresh.
—
Nandidito na kami ngayong siyam sa loob ng laboratory. Nakasuot din kami ng laboratory gown. Para tuloy kaming mga scientists. Hahaha."Ano ba 'yang inaamoy mo d'yan Layla?" tanong ko sa kanya. Para s'yang timang na may inaamoy sa isang maliit na bote.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...