Chapter 44

6.2K 185 12
                                    

Ella's POV

"Then let's start these shits!" malakas na wika ko dahil kating kati na yung kamay kong paslangin si Liah. Gigil na gigil nya talaga ako eh! Sarap niyang sampalin ng cactus sa ngala-ngala!

Nang magsimula na ang hudyat ay agad akong gumawa ng fireball at mabilis na ibinato ito kay Liah. Nawala narin ang iba at tanging kaming dalawa nalang ni Liah ang natira dito sa may ground.

"Mukhang atat na atat kang kalabanin ako ah Miss Ella Morgan?" maarteng wika niya sakin habang nilalaro ang buhok nya na ngayon ay nakatali pa na parang baliw, yung tipong baliw na makikita mo sa kanto na may saltik talaga sa pag-iisip.

"Atat na akong patayin ka!" mataray kong sagot sa kanya.

"Do it if you can, darling!" wika niya habang malawak na nakangiti. Napa-ikot ang aking mga mata. Feeling naman nya maganda sya. Psh!

"Gagawin lang naman kitang abo kaya wag kang mag-alala!" nakangiti ring sagot ko sa kanya.

"Ows? Talaga? Di nga? Hahaha!" wika niya na sinabayan pa nya ng malakas na tawa habang nakatingala.

Anong nakakatawa don? No doubt, baliw nga siya! Bagay na bagay sila ng mga kagrupo niyang praning. Pare-pareho silang mga baliw!

Di na ako nagpatumpik tumpik pa at agad akong gumawa ng bolang apoy at mabilis na ibinato sa kanya. Dahil tanga siya at busy sa pagtawa ay tinamaan siya sa braso niya.

"Agrrck—" singhal niya ng matamaan siya ng bolang apoy ko. Agad na natapos ang malakas na pagtawa niya at sinamaan ako ng tingin.

"Mag-ingat ka Liah, wag ka puro tawa dahil baka kabagin niyang tiyan mong puro bilbil!" pang-aasar ko sa kanya. Totoo naman eh, ang laki ng bilbil nya! Anong akala nyo sexy sya? Hunghang! Mukha siyang butete!

"Alam mo napapansin ko bakit parang galit na galit ka sakin?" seryosong tanong niya. Nagtanong pa siya kung bakit!

Napasinghal ako dahil sa tanong niyang 'yon. "Alam mo ba kung bakit? Did you think nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin kanina? You slapped my beautiful face!" inis na sagot ko sa kanya.

"Iyon ba? Hahaha. Kaya pala ang init ng dugo mo sakin. Masakit ba? Hahaha" tanong niya sabay tawa.

"Oo masakit kaya nga hinding hindi ko makalimutan eh, pati 'yang mukha mong mukhang bayawak hinding hindi ko makakalimutan!" inis na sagot ko sa kanya. Totoo naman ah! Mukha siyang dugyot na bayawak. Ang laki laki ng mata niya!

"Okay. Say whatever you want about me. The hell I care!" seryoso siyang nakatingin sakin at dahan dahang inalis ang tali sa buhok niya. Unti unting humaba ang buhok niya hanggang sa kanyang bewang. Ang kaninang kulay itim na buhok niya ay naging kulay pula na. Ano ito? Transformation? From butete to palaka? Ganern?

"Nice transformation ah?" wika ko sabay taas ng isa kong kilay.

"Ang ganda ko ano?" wika nya. Hala? Ang sinungaling nya! Alam nya bang masama ang magsinungaling? Saan ba siya nag-aral? Hindi ba siya tinuruan ng Good Manners and Right Conduct? Puro yata sya Bad Manners and Rock 'n Roll eh!

"Oo nga eh ang bilis talaga ng panahon ano, Liah? Kanina hipon ka palang, ngayon sugpo kana!" pang-aasar ko pa.

"Ganon?!" malakas na wika niya sabay kusang gumalaw ang mga buhok niya na parang may sariling mga buhay. Parang mga galamay ng octopus. "Alam mo bang kayang kayang hatiin ng mga buhok ko ang katawan mo kung gugustuhin ko? Kaya kabahan kana!" pagmamayabang niya sakin.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon