Chapter 7

11.3K 259 5
                                    

Keira's POV

Naiinip na ko sa kanila, ang tatagal dumating! Tss. Binubwisit nila ang magandang si Keira! Tss.

Narinig kong may nag-uusap sa labas. Malamang ay sila na iyon at natatakot pumasok. Ano pa bang pinaggagagawa nila sa labas?

May nakahanda na akong baril. Sa oras na pumasok sila hindi ako magdadalawang isip na paputukan sila. Mga bruha talaga! Hindi dapat nila pinag-aantay ang magandang tulad ko.

Narinig kong tumunog ang door knob kaya hinawakan ko na ang baril ko.

Natutuwa akong pagtripan sila. Hahaha

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay siyang pagpapaputok ko ng baril. Hindi naman direktang sa kanila. Sa sahig ko ipinutok ng tatlong beses.

*bang!* *bang!* *bang!*

Tss. Sayang ang bala.

"Waaaaah!" malakas na sigaw nila. Mas nangingibabaw ang sigaw ni MM. Mga bruha talaga!

Di parin sila pumapasok kaya nagsalita na ako.

"Ano pang iniintay nyo?! Pumasok na kayo!" malakas na sigaw ko.

Wala namang ibang makakarinig dito samin dahil tagong lugar ito. Dito sa secret place namin kami nagpa-practice. Dito rin nakatago ang iba't-ibang uri ng armas namin.

Isa isa silang pumasok at mukhang takot na takot. Kulang nalang atakihin sila sa puso. Ang o-OA naman! Para 'yon lang eh, hindi na sila nasanay sakin tuwing gagawin ko 'yon. Tss.

"Hello..." takot at pilit na ngiti si MM.

"Hi Keira!" bati naman ni Ella. Ganoon din ito, natatakot din.

"Ano ba bilisan nyo ngang pumasok ang kati kati na dito sa labas eh!" malakas na sabi ni Stacey. Siguro kinakagat na sya ng lamok sa labas. Hahaha. Naglakad na sila papasok.

"Jusko, papatayin mo ba talaga kami?!" nagrereklamong sabi ni MM. May pag-pout pang nalalaman hindi naman niya ikina-cute. Mukha siyang baliw sa ginagawa nya!

"Sayang naman ang gandang lahi namin kung papatayin mo kami!" sabi naman ni Ella na siyang ikinataas ng kilay ko. Ganda? Saan banda?! Ang alam ko ako lang ang nag-iisang maganda dito!

"Tara na kailangan na nating mag-meeting. May gagawin tayong ikakatuwa nyo!" seryosong sabi ko sa kanila.

"Ano bang meron?" si Stacey tsaka umupo sa swivel chair. Ganoon din ang ginawa ng dalawa.

Nakapaikot kami sa isang square na lamesa. Parang board meeting lang. Inilabas ko ang isang picture ni Alfred Johnsons na ibinigay ni Daddy sakin kanina.

"Who's this?" tanong ni Ella.

"He's Alfred Johnsons, a mafia drug lord. Nais na siyang iligpit dahil masyado na siyang nagiging peste." seryoso kong sabi.

"Ayy gusto ko 'yang gagawain natin. Matagal narin kasi tayong di gumagawa ng seryosong mission. Hahaha" sabi ni MM.

"Oo nga puro nalang underground battle, nakakasawa na!" sabi naman ni Ella.

"Saan naman natin sya mahahanap?" tanong ni Stacey.

Tumayo ako at kinuha ang laptop ko. Nag research na ako kanina habang inaantay ko sila. Nakita ko kung saan sya may meeting ngayong gabi.

"This..." binuksan ko ang laptop ko at ihinarap sa kanila. Tiningnan naman nila kung anong mayroon.

"Mayroon siyang meeting mamaya sa isang Italian Restaurant sa Expo City" seryoso kong sabi. "Sa pagitan ng 11:00pm hanggang 11:45pm!" dagdag ko pa.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon