Chapter 16

11.7K 280 17
                                    

Mr. Crossrey's POV
(Head Master)

"Napakagaling at nakakamanghang performance! Sayang lang at hindi nakita ni Miss Keira Bria Cantrell ang nakuha niyang score dahil nawalan na sya ng malay. Anyway, let's see how many score she got!" nakatingin lang ako sa monitor at iniintay ang nakuhang score ng dalagang iyon.

"Oh! She got the highest score among the freshmen students! For a total of  5,219 points! How amazing! And she is also advancing in the Extraordinary Level!" sa lahat ng mga estudyanteng sumabak sa leveling siya lamang ang bukod tanging nakakuha ng ganyang score. Kakaiba sya sa lahat!

Pinagmamasdan ko lang ang mga tao sa loob ng Arena. Maraming tao ang namamangha sa ginawa ng dalagang iyon, kasama na ako at mas lalong marami ang naguguluhan at nagtataka.

Sinasabi ko na nga ba't hindi lang basta ordinaryong charmer ang dalagang iyon. Umpisa palang ng makita ko siya ay kakaiba na ang pakiramdam ko sa kanya. Taglay nya ang napakalakas na aura na bumabalot sa katauhan nya. Napanuod ko ang lahat ng ginawa ng dalagang iyon. Napakagaling at bihasang bihasa sa paggamit ng mahika. Paano nya natutunan ang ganoong technique? Hindi ba't galing siya sa mundo ng mga mortal na tao?

Katunayan, lahat ng mga nakaharap niyang halimaw ay planado ko na umpisa palang dahil gusto kong makita ang buong kapangyarihan nya at hindi naman ako nabigo. Mahusay ang dalagang iyon!

Bilang head master ng akademya ito ay matagal na akong naglilingkod sa buong Magicus Academy at Omegus World. Marami na akong alam tungkol sa iba't-ibang kapangyarihan ng charmers. Pero sa buong tala ng buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng isang charmer na may taglay na iba't-ibang elemento.

Paniguradong kakalat sa buong Omegus World ang tungkol dito kaya't kinakailangang mas taasan pa lalo ang sekyuridad ng akademya. Kinakailangang protektahan ang dalagang iyon dahil siya ay napakalakas. Paniguradong marami ang magtatangkang kumuha sa kanya lalo na ang mga Dark Sorcerers upang gamitin siya sa kasamaan.

Nakatingin lamang ako sa harapan kung nasaan ang buong estudyante ng akademya. Biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa propesiya. Hindi kaya't siya na ang tinutukoy na magiging tagapagligtas ng buong Omegus World laban sa kadiliman? Kung siya nga, ang matagal nang hinahanap ay naririto na. Dumating na ang itinakda ng propesiya!

Kailangan kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa propesiya. Kung siya man ang tinutukoy noon ay tanging siya lamang ang makakapagbukas ng nilalaman ng libro. Ang libro ng Amistha. Wala pang ni-isa ang nakapagbukas o nakabasa man lang ng nilalaman ng librong Amistha ngunit may ilan naman akong alam tungkol sa librong iyon. Mahiwaga ang librong iyon pero ang tanging Legendary Princess lang ang makakapagbukas.

Sana siya na nga ang aming matagal nang hinihintay dahil unti unti nang nagpaparamdam ang kadiliman. Sana siya na nga ang taong makakapagligtas sa buong mundo.


Keira's POV

Bahagya kong iminulat ang aking mata. Inilibot ko ang aking paningin. Puro puti ang kulay ng paligid. Teka nasaan ba ako? Patay na ba ako at puro puti na ang nakikita ko?

"Thanks God at gising kana!" nagulat naman ako sa narinig kong nagsalita.

"Becca?" takhang tanong ko. "Nasaan ba tayo?" tanong ko ulit at bahagyang bumangon sa hinihigaan ko.

Tumayo naman sya sa pagkakaupo niya at humarap sakin.

"Nandito tayo sa healing room. Nawalan ka kasi ng malay kanina pagkatapos ng napakaastig mong performance sa leveling!" sagot nya sakin.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon