Chapter 40

6.4K 170 7
                                    

Ella's POV

Hapon na nang matapos ang klase namin. Nahuli kaming dalawa nitong si MM ng uwi dahil may ginawa pa kaming mahalaga. Hindi ko na sasabihin kung ano dahil kahit mahalaga pa iyon ay wala namang kwenta! Kainis lang.

Sila Keira naman ay kanina pang nakauwi. Nalaman ko ring kila Keira tumutuloy sila Keyster, Tammy, Becca, Hared at Tuffer tapos kila Layla naman sila Maika, Leyoh at Ashley. Buti pa sila sama-sama, minsan naisip kong mag-organize ng Pajama Party! Nakaka-inggit eh!

"Myghadd! What happened to my baby! Like duh?!" bigla akong mapalingon kay MM ng bigla siyang magsalita. Ano na naman kayang problema 'non?

"Ano na naman ba 'yan MM?!" inis kong tanong habang papalapit sa kanya. Nandidito pala kami sa parking lot ng school.

"Look! Myghadd! Flat lahat ang gulong ng kotse ko!" inis niyang sabi. Tiningnan ko yung mga gulong ng kotse nya, flat nga lahat.

"Sino namang gagawa niyan? Halatang binutas ang gulong ng kotse mo!" nagtataka kong tanong sa kanya.

"I don't know!" sagot nya habang pailing-iling pa.

"Myghad! Look at your car Ella! Flat din!" sabi ni MM at itinuro ang kotse ko. Pagkatingin ko ay totoo nga. Shit! Sino namang gagawa nito samin?

"Fvck! Sino ang mahaderang gumawa nito satin?!" inis kong sabi. Lahat ng gulong ng kotse ko ay flat din katulad ng kay MM. Tiningnan namin yung ibang naka-park na kotse pero hindi naman flat, yung saming dalawa lang talaga.

"Di ko alam! Hindi maganda ang kutob ko dito. Like duh?! Parehong binutas yung gulong natin!" wika ni MM sabay sapo sa noo nya. Tsk. Inis na talaga siya. Aba! Lalo na ako! Bwisit, paano kami uuwi n'yan?

"I feel you, sinadya ito satin! Look at this, may pako pang iniwan. I think ito ang ginamit niya o nila sa pagbutas ng gulong natin!" sabi ko at ipinakita ang nakita kong pako sa tabi ng gulong ng kotse ko.

"Sa oras na malaman ko la—" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni MM. Bigla nalang akong may naramdamang masakit and everything went black.


Third Person's POV

Busy sa pag-uusap ang dalawang magkaibigan tungkol sa pagka-flat ng gulong ng kotse nila. Hindi nila alam na may nagmamasid na sa kanilang anim na babae. Siguradong nagtataka na ang dalawang dalaga kung sino ang gumawa sa kanila 'non.

"Ano na ang sunod?" tanong ni Liah. Tahimik lang silang nagtatago sa isang tabi malapit sa dalawang dalaga.

"Kunin nyo na sila." sagot ni Gaux, ang lider nila. Tumalikod na ito at itinapon ang filter ng yosi. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi ng limang babae.

Dahan dahang lumapit ang limang babae kila Ella at MM dala dala ang baseball bat. Hindi alam ng dalawa na may papalapit na sa kanila dahil nakatalikod sila.

Nang makarating na sa likuran nila MM at Ella ang limang babae ay agad na hinampas nila ang ulo. Tig-isang malakas na hampas galing sa baseball bat ang dumapo sa ulo nila MM at Ella kaya't nawalan sila ng malay.

"Ganito lang pala kadali mahuli ang miyembro ng Rank #1!" nakangising wika ni Ally.

"Wala ba silang pakiramdam?" wika naman ni Liah.

"Walang kahirap-hirap na napabagsak natin itong dalawa. Hahaha" wika naman ni Danica.

"Bitbitin nyo na 'yan! Tine, tawagan mo na ang lider nila na si Keira!" utos ni Kim kay Tine.

"K." tipid na sagot ni Tine sabay irap.

Agad na ipinasok ng limang babae sila MM at Ella na walang malay sa kotse nila at agad na pinaharurot palayo.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon